Para sa Kabataan

124 1 0
                                    

Tula pamagat: " Sa halip na magmahal ng ibang tao na iibigin, ay maglingkod na lamang tayo sa ating Panginoon."

Dedicated to: Sa mga kabataan na hindi pa kilala o tinalikuran ang Panginoon.

Published date: 11-27-19
Time: 5:25pm

Maikling salita na para sa mga kabataan ngayon na hindi na nakikilala ang ating Panginoon,
O ating Ama na lumikha saatin.
Sa halip na maghanap o magmahal ay bakit hindi na lang tayo maglingkod?
O magpasalamat sa ating Ama?
Bakit nga ba maraming kabataan ang pinapairal na lang ang kanilang damdamin at hindi ang kanilang utak o sundin ang utos ng Diyos?
Dahil ang henerasyon ngayon ay iba na kesa noon.
Ang henerasyon ngayon ay puro pag ibig ang iniisip ng mga kabataan.
Pero noon ay puro paglilingkod sa Diyos.
Isa ako sa kabilang na kabataan ngayon,
Ngunit pag ibig din ang aking ginagamit.
Pag ibig ang aking ginagamit dahil para mahalin ang mga taong nakapaligid saakin at lalo na sa ating Panginoon.
Pag ibig ang kauna-unahan na sandata natin.
Pag ibig ang komunikasyon sa Panginoon.
Pag ibig ang nagpapalapit saatin sakaniya.
At mayroon pa.
Ang ating utak,
Utak na kailangan gamitin upang makapag isip ng tamang paraan o tamang gawain.
Utak ang laging ginagamit upang makapaglingkod sa Panginoon.
Utak ang ginagamit at ang Pag ibig upang ibahagi sa ibang kabataan ang aral o utos ng Panginoon saatin.
Bakit maraming kabataan ang mas iniisip ang pag ibig kesa sa utak?
Dahil wala silang Panginoon na kinikilala o kaya naman ay meroong Panginoon ngunit hindi sinusunod ang utos nito sa ibang kabataan.
Isa ako sa kabataan na binigyan ng kakayahan na ipaintindi, ipahiwatig ang aral ng Diyos sa karamihan.
Ako ay isang Kabataan lamang na ginamit ng Panginoon,
Para makilala siyang muli.
At maglingkod uli sakaniya.
Ginamit ako ng ating Panginoon upang maisaayos niya ang ating buhay na wasak.
Ang buhay na dati ay walang Panginoon na kinikilala, at ngayon naman ay makikilala na ng karamihang kabataan.
Dahil sa tulad kong nagbabahagi ng salita ng Panginoon.

Poetry(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon