Aking nararamdaman ngayong araw na ito

48 0 0
                                    

'Title: Aking nararamdaman ngayon araw na ito'

Hindi ko alam kung bakit,
Pero ayaw ko talaga,
Ayoko talagang may umiiyak,
Ayoko talagang may nasasaktan.

Ayoko sa lahat yung feeling nila wala sila tulad ko,
Yung feeling na ayos lang sa iba,
Yung feeling na hindi ko na kaya at suko na,
Feeling ko hindi na ko kailangan sa mundong ito.

Kasi puro sakit, pagod, panunukso ang aking inaabot,
Hindi niyo alam na hindi na pala ako masaya dahil nakikita niyo ko laging nakangiti at masaya pero,
Pero ang totoo isa lamang hamak na peke lahat ng iyon,
Kelan kaya nila malalaman?

Na ang simpleng tulad ko,
Simpleng nakangiti pero may itinatago na lungkot,
Simpleng palatawa pero may sakit na tinatago,
Simpleng oo ko lang pero ang sagot ko talaga ay hindi.

Bakit? bakit ang mamanhid niyo?
Manhid niyong makita kung ano talaga ang nararamdaman ko?
Ang manhid niyo dahil hindi niyo nakikita kung ano ba talaga ako,
Bakit? bakit kayo ganyan sakin o alam niyo ba talaga ang nararamdaman ko?

Hindi ko alam kung nagbubulag bulagan lang kayo sa nakikita niyo sakin,
O totoo bang wala kayong alam,
O hindi niyo talaga alam?
O nagtanga tangahan lang kayo?

Ano ba kasi talaga ako para sainyo?
Isang hamak na ginagamit lang kapag gustong gamitin?
O yung tatabihan niyo ko kapag feeling niyo nag iisa kayo?
O kaya yung kapag andito ako kakailanganin niyo ko kahit na andito ako di niyo ko kailangan.

Isa lamang ba akong hamak na laruan?
O isang panakip butas ng inyong nararamdaman?
Hindi ko maintindihan ang mga inyong nais,
Dahil ang totoo ay alam niyo ang nararamdaman ko pero nagbubulag bulagan lang kayo jaan sa tabi.

Poetry(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon