Malabo O Sinayang Mo

11 0 0
                                    

Poetry: Malabo o Sinayang mo😅 (kayo na magtitle)
Nov 08 2020
On the spot na gawa👌

Sinayang mo yung pagkakataon,
Sinayang mo yung taong handang sukuan lahat para sayo,
Sinayang mo yung taong sigurado na sayo,
Sinayang mo lang lahat!

Ilang ulit na katanungan ang inihanda,
Ngunit ang sagot ay oo lamang,
Pero sa bandang dulo iiwan ka rin naman pala,
Anong silbi ng pagmamahal kung ika'y naguguluhan?

Madaming katanungan saaking isipan,
Pero bakit?
Bakit ikaw pa ang napili,
Kung alam ko namang malabong maging tayo.

Anlabo natin kasing labo ng bintanang nabasa ng ulan.
Malabo magkaroon ng tayo,
Lalo na't ayaw mo na.
Kasi hindi pala talaga tayo para sa isa't isa.

Poetry(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora