MATH

49 0 0
                                    

date: 01-20
author: John Mark
poetry
tema: "math month"




"MATH-tatag tayo nung una"
Pero nung dumating siya, pinili mo siya at naging bago mong kasama
What if I toss coin, what is the probability of getting you mine?
Yes there's a probability
Pero aanhin ko pa ang probability
Kung ang resulta naman ay unlikely
Para tayong parallel lines
Magkasama pero di tinadhana
Masakit man isipin
Pero kailangang tanggapin
Na ang ating kalandian este pag iibigan
Ay hindi pwede kailanman
Pwede ring tangent lines
We intersect but we will never combine
O English nayan
Pero kahit anong linggwahe pa ang aking gamitin, Hindi naako ang iyong pipiliin X squared+4x+3
(X+3)(x+1)
Dati, iisa tayong dalawa.
Ngayon magkahiwalay na
Para tayong integers
And we will never be lovers
Positive ka negative ako
Kung imultiply mo tayong dalawa, ang sagot negatibo
Find the value of x
Bat ko pa hahanapin ang value mo?
Value ko ba pinahalagahan mo?
At isa pa, bat pa kita hahanapin
Kung hindi kanaman talaga para sakin
Masaya kana nga sa iba gagambalain pa ba kita
Tama na ang kahibangan
Utak mo na ang pakinggan
Kahit magbilang pa tayo hanggang isang libo
Malabo pa ring maging tayo
Kaya dun kana, kung san ka sasaya
Dahil mula ngayon ,ikay kakalimutan na

Poetry(COMPLETED)Where stories live. Discover now