Dati 2

18 0 0
                                    

"Dati"

Dati sabi mo sakin
Hindi mo ako papaiyakin
Dati sabi mo sakin
Hindi mo ako iiwan
Dati sinabi mo sakin
Hindi mo ako papabayaan
Dati sabi mo saakin
Lagi mo akong poprotektahan
Dati sinabi mo saakin
Wag akong susuko kasi lalabanan natin lahat ng problema
Dati sabi mo sa akin
Hanggat may tayo walang titibag sa atin

Pero ano ang mga nangyari?
Bakit ikaw ang dahilan ng pag-iyak ko sa gabi?
Bakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako pinabayaan?
Bakit di mo ako pinrotektahan?
Bakit di ka lumaban?
Bakit naging kayo imbes na tayo?

Hindi mo na ba ako mahal kaya ganyan ka?
Kaya mo ako pinagpalit sa iba?
Pinilit ko namang lumaban eh
Kaso itinigil ko na din
Bakit?
Kasi para saan pa kung ikaw na nagsabi sa akin sumuko na

Lahat ng ito
Gusto kong sabihin sa iyo
Pero dinaan ko nalang sa tulang ito
Lahat ng nararamdaman ko

Poetry(COMPLETED)Where stories live. Discover now