Suko

25 0 0
                                    

05-28-19
evening

Apat na letra ngunit,
Ngunit may sapat na dahilan,
Pero anong klasneg dahilan iyon?
Di natin alam pero,
Pero isa lang ang alam ko.

Sumuko siya saaming relasyon,
At ayun ang masakit.
Sumuko siya ng basta basta,
Basta na lang siyang nakipag hiwalay.
Ngunit, lahat ay may dahilan at ayun ay,

Ay sumuko siya dahil di na niya kayang ipaglaban ang kaniyang nararamdaman,
Ang aming pay iibigan pero...
Lumaban naman siya sa Simula palang,
Alam niyo kung paano?
Dahil, bat niya inibig kung di siya lumaban?

Bat kami nagtagal kung di siya lumaban?
Maraming tanong pero may isang sagot lamang kundi ang,
Ang sumuko siya dahil pagod na siya,
Sumuko siya dahil pagod na siya sa kakaisip saakin....
Pero bakit ganon?

Pwede namang lumaban pa,
Pwede namang mapagod,
Pwede namang magpahinga.
Pero bakit ganon?
Sumuko na siya.

Di niya na daw kaya?
Pero umabot ng ilang buwan,
Bumalik siya,
Bumalik? bakit pa?
Kung sumuko na siya nung Una palang,

Bakit pa?
Bakit pa siya babalik kung iniwan na
niya ako noon pa!?
Bakit pa siya bumalik kung pagod na siya?
Bakit pa siya bumalik kung suko na siya sa lahat?
Bakit pa?

Para saan pa?
Sumuko, Napagod, Iniwan, At Bumalik.
Pero di yun kadaling balikan ang mga alaalang iniwan mo na.
Para saan pa?
Kung Sumuko, Napagod,Iniwan,At Bumalik ka pa?

Hindi KO maintindihan!
Naguguluhan ako!
Hindi na lamang ako babalik pa,
Kung and nakaraan lamang ang iyong gustong ipagpatuloy na may dalang sakit sa damdamin!
Bakit pa?

Para saan pa't Bumalik ka pa?
Sumuko, Napagod, Iniwan,Bumalik pa?

Poetry(COMPLETED)Where stories live. Discover now