Tinatago

24 0 0
                                    

Tinatago~ (poetry)

05-31-19





araw- araw kong tinatago ang nararamdaman ko para sayo,

ayokong magsabi ng aking nararamdaman ko para sayo.

baka kung ano man mangyare,

baka kinabukasan di mo na akong pansinin.

natatakot ako.

natatakot ako na baka iwan mo ko bigla.

nakakatakot na baka isang araw pagkagising ko ay wala ka na.

pero subukan kong hindi mag isip ng nega,

subukan ko lang naman,

walang mawawala,

pero kung ikaw ang mawala at iwasan ako ay baka di ko kayanin,

baka di ko kayanin dahil ikaw ang lakas ko,

baka di ko kayanin dahil ikaw ang happiness ko,

baka di ko kayanin.

pero pipilitin ko,

pipilitin kong hindi mag alala,

pipilitin kong maging masaya pag nalaman mo na ang katotohanan.

pipilitin ko ang lahat,

sasabihin ko na ang totoo kong nararamdaman,

ayoko ng magtago pa,

ayoko ng itago pa!

oo, ilang buwan ko ng tinatago to,

oo, natatakot ako sa lahat na kung ano man ang mangyare,

at oo, ayokong mawala ka saakin.

ikaw, ikaw ang inspirasyon ko,

ikaw, ikaw ang dahilan kung bakit ang saya ng umaga ko,

ikaw, ikaw ang dahilan kung bakit ako nagigising tuwing umaga,

ikaw, oo ikaw, ikaw na mahal ko.

mahal kita matagal na,

mahal kita ngayon ko lang sinabi saiyo,

mahal kita, tinatago ko to noon pa.

dahil ayokong masira ang relasyon natin bilang isang magkaibigan,

sawa na kong magtago pa,

at ito na ang panahon para umamin ako sayo

mahal kita, at tatanggapin ko ang lahat para lang sayo mahal.

Poetry(COMPLETED)Where stories live. Discover now