Chapter 6

2.4K 78 12
                                    

Caleb Agustine Wilkes POV

Bakit ba kasi andito tong asungot na ito sa bahay? Kailangan ba talaga ba palagi silang magkasama? Putek gusto kong sumuntok...

"Kuya ok ka lang? Nag-aapoy na ang isang kamay oh!"-turo ni Catty sa kamay ko, oo nga pala nag-aapoy na..

Kumalma muna ako....

"Alam mo kuya, dapat maging mabait ka kasi kay ate Avery dapat kasi pansinin mo siya hindi yung binabalewala mo lang siya"-sermon sa akin ni Catty...

Hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa bakuran kung saan nagtatawanan sina Avery at Green...

"Malay mo baka kung ganyan lang ipapakita mo sa kanya baka may kampihan pa niya si Green kaysa sayo" tumingin ako kay Catty. Hindi ba talaga siya titigil sa kakadada?

"Bahala ka"-pahabol na naman niya sa akin...

Tumingin ako sa bakuran wala na sila doon tumayo ako para hanapin sana sila ngunit nakita ko silang naghahabulan sa labas...

Parang gusto kong pumatay! Sinabunutan ko ang aking buhok, bakit ganito ang sinasabi ko? Hindi dapat ako mapalapit sa isang babae... Ano ba tong nararamdaman kong to? Nakakamatay! Dapat hindi ako makaramdam nang ganito!

Tumalikod na ako para pumunta sa aking kwarto, nakakabwisit! Nakakasira ng mata ang aking mga nakikita kapag nagpatuloy pa akong panoorin sila!

Umupo ako sa aking kwarto at tinignan ang kuha nang aking cellphone... Ang ngiti niyang nakabibighani at walang kasing tamis.

Ang labi niyang kasing pula nang cherry, kasing puti nang gatas ang kanyang balat, kulay violet na mga mata at blond na buhok...

Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito... Sh*t nababaliw na ako...

Humiga na ako para matulog ngunit pagpikit ko nang aking mga mata ay nakita ko ang kanyang larawan na nakangiti sa akin... Napadilat ako at sinabunutan ang aking sariling buhok... Nababaliw na talaga ako!!

Avery Christelle Parker POV

"Nasan si Caleb?"-tanong ko kay Catty na ngayon ay busy sa panonood...

Katatapos lang naming naghabulan ni Green eh.. haha nakakapagod ngunit umalis na rin siya..

"Nasa kwarto po"-sagot ni Catty sa aking tanong... Ngunit hindi parin niya tinatanggal ang kanyang paningin sa tv...

Umupo ako sa tabi niya para magpahinga nakakapagod kasing tumakbo...

Green Wish POV

Napakaganda niya talaga... Hehe.. gusto ko siya... Yup yup yup gusto ko si Avery....

Sa kauna-unahang sulyap ko sa kanya ako'y nabighani na...

"Hoy Green ok ka lang? Tulala ka ah!"

Tumingin ako sa nagtanong... Si Blue...
"Oo naman haha"-natatawang sagot ko sa kanya...

"Red sa tingin mo yan tupak na ang ating kaibigan?"-tanong ni Blue sa kanya...

"Baka in love na yan"-bulong ni Red kay Blue, bulong pa ba iyon?

Pansin niya ba na parang kulay ang aming mga pangalan? Haha...

Ang mga magulang kasi namin ang magkakaibigan noong bata pa sila... At napag-isipan nila na paborito nilang kulay ang ipangalan sa magiging anak nila... Kaya ayon... Green, Blue at Red ang naging mga pangalan namin...

"Hoy! Ano? Wala ka bang sasabihin sa amin?"-tanong ni Red sa akin..

Naka-abang talaga sila sa aking magiging salitang unang lumabas sa akin bibig....

Hindi na ako tumingin sa kanila at tumakbo palayo pero hindi pumasok sa isip ko na si Blue pala ay isang speed manipulator kaya napahawak na lang ako sa aking noo... At ramdam ko na rin na nasa harap ko na siya...

Si Red naman ay may kakaibang lakas... Kaya niyang pumuhat nang mga mabibigat na mga bagay bagay sa paligid...

Napatigil si Red sa pagtakbo, si Blue naman ay nakatulala lang... Huh? Anong nangyayari??? Tumingin ako sa tinitignan nila ay hindi bagay, hindi rin hayop, kundi to walang iba si Avery... F*ck.... Karibal ko na ba sila? Wag naman sana....

Ngumiti si Avery sa amin habang naglalakad siya pupunta sa aming harapan... Sina Blue at Red naman ay nakatulala lang sa kanya...

"Hi Green"-bati sa akin ni Avery...

Nalaglag naman ang mga panga nang dalawa sa kanilang narinig Mula kay Avery...

Palipat lipat ang tingin nila sa aming dalawa...

"Hi"-bati ulit ni Avery kina Blue at Red, tinaas naman nila ang kanilang mga kamay ngunit nakanganga parin silang dalawa...

Umiling na lang ako at bumaling ang aking tingin kay Avery... "Sinong kasama mo?"-tanong ko sa kanya...

"Wala eh! Mamamasyal lang sana"-sagot niya sa tanong ko... Magsasalita na sana ako nang sumigaw ang dalawa "sasamahan ka na namin"

Hindi na ako nagreklamo pa yon din naman ang sasabihin ko eh.m para naman makasama ko siya... Habang naglalakad kami ay binangga ako ni Blue sa balikat at bumulong "bakit hindi mo sinabing may kaibigan kang Sexy?"

Binatukan ko siya "gago alam ko kung sasabihin ko sa inyo hindi kayo magpapaawat, dahil alam ko ang like nang inyong mga bituka, baka nakalimutan mo na ako lang ang hindi play boy sa ating tatlo"-mahabang bulong ko sa kanya...

"Kasi nga hindi ka gwapo kaya hindi ka play boy"-sabi ni Blue at pumunta na sa tabi ni Avery...

Habang naglalakad kami ay may naramdaman akong mabigat na aura napatigil ako, akala ko ay ako lang ang nakakaramdam ngunit pati rin pala ang mga kasama ko... Tumigil ang lahat at tumingil lang sa iisang direksyon....

Isang Cyclop ang sumisira nang mga kabahayan, nagsitakbuhan ang mga mamayanan sa lugar...

Avery Christelle Parker POV

Tumingin ako sa cyclop na ngayon ay napupuluputan nang mga baging tumingin ako kay Green na ngayon ay nagiging green na ang kanyang buhok!! Omo... Ang gwapo niya!!!

May malaking bato ang tumama sa Cyclops galing kay Red!! Omo... Pogi rin siya...

May naramdaman akong papalapit sa akin tumingin ako, isang malaking bato, papunta sa akin... F*ck napausog ako ngunit mali ang aking ginawang pag-iwas! Isang batang babae ngayon ang matatamaan...

Tumakbo ako papunta sa batang babae, niyakap ito habang patuloy kaming gumugulong...

Masakit ang pagtama nang likod ko sa isang malaking bato... Sh*t...

Tumingin ako sa bata, umiiyak siya habang nakatingin sa akin...

"Shhh... Ok lang Yan" pagpapatahan ko...

Umupo ako habang nakaupo siya sa aking hita...

Tumingin ako sa Cyclops na ngayon ay nakatingin sa akin habang buhat ang isang malaking bato na handa nang ibato sa akin. Ramdam ko ang pag-iiba ng aking mga mata...

"Bumalik ka sa pinanggalingan mo"
Utos ko sa Cyclops, umalis naman ito at hindi na bumalik pa ngunit ang bumalik ay ang sakit ng aking likod... F*ck!








♥♥♪♪♠♠♦♦♣♣♪♪♥♥♠♠♦♦♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣



Yehey tapos na nama hihi... Bye bye

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now