Chapter 27

856 32 0
                                    


Avery Christelle Parker POV

Tumingin ako sa tubig kung saan siya nahulog! Hinihintay na siya ay umahon ngunit hindi parin siya umaahon! Baka niloloko lang niya kami kaya we will wait na lang hanggang siya na mismo ang aahon... Haha...

Maglilimang minuto na ngunit hindi pa rin siya umaahon? Patay na ba siya?

Inutusan ko si Swim para kunin ang outsider na iyon...

Iniahon niya ito... Lagot! !nalunod siya..

Dali dali akong lumapit sa kanya... Wow ang gwapo niya pala haha... Brown hair eyy..

Niyugyog ko siya ng niyugyog... Ngunit wala akong nakuhang kahit anong galaw man lang... Kung pabayaan ko na lang kaya siya? Kasi naman eh ginulo niya ang lugar na ito... He controlled my friends here...
Pero hindi ako mamamatay tao kaya I used CPR for him... Grr...

Patuloy ko lang sinagawa ang CPR sa kanya hanggang sa umubo na siya at naglabas ng tubig...

"Cough cough cough"

Napa-upo siya at patuloy parin sa pag-ubo.. gusto kong natasa ngunit muntik na akong makapatay..

"Are you okay?"-tanong ko sa kanya...

"Eh ikaw ba naman ang maluno—" di niya natuloy ang kanyang sinasabi ng masilayan ako... "Uhmm... Patay na ba ako?"- Wala sa sarili niyang tanong... Napangiti na lang ako ngunit nawala rin agad dahil naalala ko ang kanyang ginawang pagpasok nang walang paalam...

"Anong ginawa mo dito?"-tanong ko sa kanya... Ngunit hindi niya ako pinansin at humawak lang siya sa kanyang labi... At saka namula na ang kanyang mukha... Ano ang kanyang problema?

"Hinalikan mo ako!"-mahinang sabi niya ngunit rinig ko naman siya... "Ulol CPR iyon Hindi halik"-inis na sabi ko sa kanya

Tinulungan ko siyang tumayo...

"Uulitin ko, anong ginagawa mo sa lugar na ito?"-tanong ko sa kanya habang tinitignan siya ng masama... Kumamot siya ng kanyang ulo... "Naliligaw kasi ako eh"-nahihiyang sabi niya sa akin...

"Saan ka ba kasi tutungo?"-tanong ko sa kanya...

"Sa Zertopia Kingdom"-sabi niya sa akin... Anong kailangan niya sa lugar namin?

"Anong gagawin mo Doon?"-tanong ko ulit sa kanya habang kinikilatis and kanyang mga galaw... Mukhang inosente naman siya sa aking paningin... Hindi ko naman napansin na nandito na pala ang aking mga kaibigan sa aking likuran...

Napa-urong ang lalaking nasa harap ko nang makita niya ang mga kaibigan ko sa aking likuran.... "Wag kang gagalaw! Ako ang bahala sa mga nanjan sa likuran mo"-bulong niya sa akin... Gusto kong matawa ngunit aking pinigilan... Ang seryoso niya kasi eh...

Nag fighting style pa siya... Haha.  Ampots... Hahaha... Putek...

Hindi ko na nakayanan kaya tumawa na ako ng tumawa hanggang sa lumuluha na ako dahil sa kakatawa...

Nagtataka siyang tumingin sa akin...

"Anong ginagawa mo?"-tanong niya sa akin....mukhang natetense na siya hahaha..

"Tignan mo ang mga hayop sa likuran mo gusto ka nilang patayin o kainin"-sabi niya sabay turo sa aking mga alaga...

Tumingin ako sa aking mga kaibigan sa likod ay nakaupo lang at nakapuppy eyes... Alam ko na naman ang kalukuhang ginagawa ng aking mga kaibigan... Hahaha...
Tumingin ulit ako sa lalaking nasa harapan ko na ngayon ay natutok ang kanyang mga paningin sa aking mga alaga sa likod..

"Kakainin ka na nila"-sigaw niya ulit..

"Guys tama na iyan"-sabi ko sa mga kaibigan ko sa aking likuran.... Ang kanilang ginagawa kasi ay kapag nakatalikod ako ay parang kakainin nila ako pero kapag nakaharap ako sa kanila ay nag-aanyong maamong tuta sila harap nila...

"Ano ang iyong pangalan outsider?"-tanong ko sa kanya....

"Bren Gailman"-pakilala niya sa akin... "Ikaw?"

"Avery Christelle Parker"-pakilala ko sa kanya... "At ako ang tagapangalaga ng mga buhay dito sa Islang ito, naginulo mo kaya ako ngayoy nandito..."-dagdag ko habang tinignan siya ng masama....

"Wahh easy diba ang Sabi ko sayo nawawala ako? Kaya hindi ko sinasadya na makapunta sa lugar na ito"-sabi niya sa aking habang nakataas ang kanyang mga kamay sa ere...

"At bakit ka napadpad sa lugar na ito?'-tanong ko sa kanya...

"Dahil sa bwisit na map na ito! Mali ang kanyang itinuturo..."- sisi niya sa map na ipinakita niya sa aking mismo...

"Teka lang ha? Tama naman ang itinuturo ng map ngunit hindi mo ata alam ang tamang direksyon"-sabi ko at inayos ang tamang ayos ng map na hawak niya... Kapag tama ang paghawak mo sa map na ito ay magsasalita ito at ituturo ang iyong daan...

Natawa na lang siya sa kanyang katangahan... "Sumama ka na sa akin dahil doon din naman ako uuwi mag-uumaga na rin at kailangan kong maghanda dahil may kunting oras na lang ako para makapag-enjoy sa festival na nagaganap sa school..."-sabi ko at saka sumakay na sa aking kaibigan na si Dino... Sumakay na rin siya at nagpaalam na ako sa aking mga kaibigan...

Tinungo na namin nina Dino at Bren ang tagong portal na meron dito sa lugar na ito na ako lang ang nakakaalam...

***

Nakarating kami sa school saktong 8:00 ng umaga... Hinatid ko na si Bren sa office at ako naman ay tumuloy na sa aking dorm para magpahinga... Bumalik na rin si Dino sa kanilang lugar dahil siya ay ang dapat mamuno sa kanilang lahat da Jurassic Island..

***

Nagising ako 12:37 ng hapon... At gusto kong mag-aliw-aliw... Habang naglilibot ako ay nakita ko parin busy and mga estudyante dito sa school..

"Avery"-isang sigaw ang pumukaw sa aking atensyon... Tumingin ako sa pinagmumulan non ay kay Bryan...

"Hi Bryan! Bakit?"-tanong ko sa kanya... Hinintay ko muna siyang makahinga ng maluwag hanggang sa nagging ok na ang kanyang paghinga doon na siya nagsalita...

"Avery! May sasabihin ako sa iyo!"-sabi niya sa akin...

"Teka lang! May itatanong lang ako! Nandito na ba sina Caleb at Brena?"-tanong ko sa kanya...

"Yan ang gusto kong sabihin sa iyo na si Brena ay—" pinutol ko ang kanyang sasabihin dahil ako na mismo ang nagtuloy non... "Si Brena ay kapatid mong babae! Tama ba? Alam ko at saka diba may relasyon na sila ni Caleb?"-sabi ko, hindi ko pinahalata ang pagkabitter sa aking boses... Baka narinig nila ang pagbasag ng aking puso..

"Kasi ako si Br—"- hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng may nagsalita sa speaker at pinapatawag ako... Bakit na naman?

"Waahh... Bakit ako na naman? Huhu.. cge Bryan una na muna ako ah paalam"-sabi ko sa kanya, hindi naman sana ako magmamadali baka sabihin niya na *oo sila na ni Caleb at ng aking kapatid na babae, at masaya silang dumating dito sa school dahil buntis na si Brena* Yan ang alam kong sasabihin rin niya sa susunod dahil sa nakita ko noong nakapatong si Caleb sa kanyang kapatid... Baka nga eh buntis na si Brena niyan kaya hindi talaga kami ni Caleb ang para sa isa't isa...

Habang tumatakbo ako ay pinakawalan ko ang mga salitang iyon "siguro ay pinaglandi lang kami ng tadhana ngunit hindi tinadhanang magsama habang buhay"












************************************


Hello there!!!.... Isang hi naman Jan!!

Vote and comment lang mga dude...

Follow me!!!

The Runaway PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ