Chapter 14

1.3K 49 0
                                    


Avery Christelle Parker POV

Nakaupo ako ngayon sa aking upuan, wala pa si Clarky...

Habang nakaupo ako ay may naramdaman akong nakatingin sa akin.. hinanap ko iyon at natigil kay Caleb...

Ngumiti ako sa kanya ngunit umiwas siya eh?

Kakanta na ba ako nang "pasulyap sulyap pa kunwari patingin tingin sa akin di ma intindihan ang ibig mong sabihin, Kung merong pag-ibig ay ipagtapat mo na sa akin agad naman kitang sasagutin"

"Hi Avery ko"- pati sa akin ni Clarky sabay abot sa akin nang isang blue rose.. kyaahh... Kinikilig ako...

"Salamat Clarky!!"-sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi...

May narinig naman akong pagbagsak ng silya... Tumingin ako sa pinanggalingan. Sa upuan ni Caleb kanina, nakita kong wala na siya doon.. Ano kaya ang problema niya?

Tumingin ako kay Clarky na nakangiting nakatingin sa upuan na natumba...

Habang hinihintay namin ang Prof. Ay may owl na puti ang pumasok sa classroom namin at pumunta sa direksyon ko at inihulog ang sobre na nasa bibig niya sa aking palad...

***

Nakahanda na ang aking kabayo para sa aking paglalakbay...

"Mag-ingat ka doon baby ha?"-sabay na sabi nina Mom and Dad

"Baby girl... Balik ka dito na walang sugat ha?"-sabi naman ni kuya saka ako hinalikan sa noo....

"Dalian mong bumalik dito Avery ko, gusto na kitang pakasalan"-sabi naman ni Clarky... Omo... Kyaaah... Kinikilig talaga ako....

Hindi na lang ako nagsalita baka kapag omoo ako baka akala ni Clarky papakasalan ko siya pagbalik ko...

Sumakay ako sa aking kabayo at pinatakbo na ito...

Ang aking destinasyon ay sa Wisdom Mountain kung saan nakatira ang babaeng matanda na, walang love life, walang asawa, walang itinadhana para sa kanya, alone lang siya, in short bitter ang lola ninyo... Pero may ampon siya, isang lalaki, buti nga hindi niya pinatulan no? Haha syempre ang gaya niya ay walang nakatadhana sa kanila... They are forbidden to loved and to be loved... They are destined to be a maiden... Madami na rin ang naging maiden ngunit iba't ibang parte nang mundo isa doon ang nakatira sa Wisdom Mountain...

Ang ampon niyang lalaki ang bumababa sa bundok para bumili ng mga kinakailangan nila sa toktok nang bundok na iyon...

***

Limang oras din akong naglalakbay at narating ko na rin ang kabahayan sa ibaba nang bundok... Namili ako ng aking kakailanganin para doon...

Ang owl na iyon ay padala nang babaeng nasa toktok ngayon ng  bundok na iyon...

Habang papunta na ako sa gate paakyat nang bundok ay may nakita akong lalaking kasing edad ko lang na nakatayo roon..

Tinawag ko siya kaya lumingon siya sa akin..

"Hey"-tawag pansin ko rito hindi niya ako pinansin dahil nakatulala lang siya sa akin

Pumitik ako sa harap niya kaya bumalik naman siya sa kanyang diwa...

"Ikaw siguro ang Prinsesang pinapatawag ni Ms."-sabi niya sa akin...

"Pano mo nalaman?"

"Kasi ikaw lang naman ang magtatangkang pumasok dito eh, walang pumapasok dito"-sabi niya sa akin...

"Hawakan mo ang kamay ko para mas mapadali ang pagdating natin doon"-sabi niya kaya humawak na ako sa kanya...

Siya pala ang nagtataglay nang Teleporting magic....

***

Isang buwan din ako sa Wisdom Mountain...

Kasama si Genos at si Ms. Celestine...

Si Ms. Celestine ang tumulong sa akin para magamit ko ang aking kapangyarihan nang maayos... Ms. Celestine ang sinasabi kong babaeng matanda ngunit hindi talaga siya matanda isa siyang diwata dito sa Wisdom Mountain.

Si Genos ang kanyang kinupkop...
Naging magkaibigan din kami ni Genos...

"Avery, you need to go home now"-sabi ni Ms. Celestine sa akin... Sa isang buwan ko lang rito ay napamahal na sila sa akin, kahit na pinahirapan at pinasakit ni Ms. Celestine ang aking ulo, ngunit sulit din naman dahil kaya ko nang gamitin ang aking kapangyarihan sa mga kalabang mababa ang harang sa kanilang utak kahit walang eye to eye contact...

Tumayo ako at humarap sa kanya, yumuko ako bilang paggalang... "Maraming Salamat sa mga leksyon at kaalaman na ibinahagi mo sa aking Ms. Celestine, tatanawin ko itong utak na loob sa inyo... Salamat din Genos dahil hindi naging boring ang isang buwan kong paninirahan dito"-sabi ko sa kanilang dalawa... Ngumiti sila..

Sumakay na ako sa aking kabayo at nagpaalam na sa huling pagkakataon...

Sana makita ko ulit sila hindi dito kundi sa labas ng Wisdom Mountain...

*Natututunan ang ibang bagay bagay, don't rush yourself to learn something dahil lahat nang bagay may kinakailangang oras. Wag magmarunong try to asked someone's knowledge... Asking is not a sin it is symbolizing that you have the knowledge to understand and have trust to someone*

***

Nathaniel Clark Fenton POV

Nakaupo ako ngayon sa mini park nang paaralan...

Nakita ko na masama ang tingin sa akin ni Caleb...

Tumayo ako at lumapit sa kanya...

"Ano naman ang iyong problema? Gold digger"-nakangising tanong ko sa kanya...

Umigting ang kanyang panga at sinamaan ako ng tingin...

"I'm not a gold digger!"-galit na sabi niya... Hindi ba?? Hahaha...

"Oh come on... Yan naman ang ginawa mo noong nakasama mo si Avery hindi ba? You just need golds! You hurt her feelings"-sabi ko sa kanya... He has no right to hurt my Queen....

"Nasaktan ko man siya dahil.... Dahil..."-hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin dahil inunahan ko na siya..

"Dahil hindi kayo bagay! Dahil isa ka lang mahirap na tao at walang kapangyarihang para iligtas and mundo at ang mga nakapalibot sayo... At hindi kayo bagay dahil isa ka lang dukha at si Avery ay isang Prinsesa, isang dyamante, isang karangalan ang mahalin ng isang Prinsesa ngunit nagkamali siya nang mamahalin dahil ang napili niya ay isang gaya mo na dukha lamang. You don't belong to this school, a commoner like you is not worthy to be loved by a precious princess like Avery...." mahabang sabi ko sa kanya, natigilan naman siya sa sinabi ko... Pinarealized ko lang sa kanya na hindi sila bagay ni Avery dahil ang para kay Avery ay ako lang... Ako lang...

"Hindi porket Prinsepe ka ay ginaganyan mo na ang mga mababang tulad namin... Siguro tama ka na hindi kami bagay ni Avery, dahil tao kami na nagmamahalan... Ngunit ito lang ang masasabi ko, your just nothing to Avery, your just her best friend nothing more nothing less dahil ako ang mahal niya... Siguro ay hindi niya masabi dahil wala siyang maalala... Alam mo ba hindi ka kamahal mahal dahil ang pangit nang ugali mo, sinasamantala mo ang pagkawala nang alaala no Avery para palitan ako, pero ito ang sisiguraduhin ko I'll do everything to bring back the lost memories of Avery... The memories that we made.... Magpakasaya ka muna PRINSEPE Nathaniel dahil sa susunod akin na si Avery!"













































❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄❄









Isang napakaanghang na sagutan haha.... I enjoy it... Enjoy din ba kayo?


Vote and comment na....

Follow me....

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now