Chapter 16

1.3K 42 2
                                    


Avery Christelle Parker POV

Nandito kami kung saan malapit sa dagat... We are waiting for someone daw eh...

Habang nakatingin ako sa malawak na karagatan ay may lalaking sirena? O sireno? Ano jan? Shokoy na lang! Haha char... gumagapang ito hanggang naging paa ang kaninang makinang na buntot cool!!!

Buti na lang may dala may damit siya... Hihi.. kundi Kita ko na ang pandesal niya!! Hahah...

Tinawag ko sina Caleb at Clarky para pumunta kung nasaan ang lalaki...

Nakarating kami doon at doon na niya sinabi kung saan namin makikita ang Trident...

"Matatagpuan ang Trident sa Atlantean Deep Blue Ocean ngunit dadaan muna kayo sa isang isla ang tawag sa islang iyon ay Ocean Island... Habang nasa Isla kayo ay may makikita kayong mataas na talon, sa likod nang tubig na bumabagsak ay may tubig sa loob non at doon kayo tatalon, ang tubig na iyon ay ang tinatawag na Atlantean Deep Blue Ocean. Kaya ang Atlantean Deep Blue Ocean ay sa likod nang talon iyon matatagpuan..."-mahabang paliwanag niya... Ang cool naman kung ganon...

"Paano kami makakapunta doon eh hindi naman namin kayang huminga sa ilalim ng tubig?"-tanong ko rito...

"Gamit nitong halaman na ito, magkakaroon kayo nang buntot"-sabi niya at ibinigay sa amin ang sea weeds...

"Nakakain ba ito? Hindi ba lason to? Baka may carbohydrates to ah! Baka tumaba ako niyan! Safe ba tong kainin? Kinakain ba Ito o nilulunok? Bak-"Hindi ko natuloy ang gusto kong sabihin nang takpan ni Clarky ang bunganga ko...

Ngumiti muna ang lalaki

"Nakakain Yan, Wala yang carbohydrates at saka safe yan"-nakangiting sabi niya Kaya tumango tango ako...

"May tanong ako!"-sabi ko sa kanya... Tumingin naman siya sa akin...

"Uhmm.. pag ba naging mermaid ako ay may shell na tatakip sa dibdib ko? Hindi ba iyon matatanggal? Hindi ba masusugatan ang dibdib ko? Diba matulis ang mga shell?"-tanong ko, namula naman ang mga mukha nilang tatlo! Eh may sinabi ba akong mali?

"Uhmm.."-magsasalita na sana ngunit pinigilan siya ni Caleb...

"Tayo na!"-sabi ni Caleb kaya naglakad na siya patungo sa tubig at kinain na sea weed na ibinigay sa kanya...

"Kyaah"-sigaw ko at dali daling tumakbo patungo kay Caleb na may buntot na!!

"Wahh.. ang cool ng buntot mo"-turo ko sa buntot niyang silver!!

Nakita ko naman ang pagbago nang kanyang mukha naging pula...

"Wahh.. kapag ba naging mermaid narin ako magiging pula rin ba ang mukha ko gaya mo?"-tanong ko sa kanya, aliw na aliw akong titigan siya.. ang cool talaga nakita ko na rin ang kanyang abs... Hahaha... 8 packs... Nakakatakam...

Lumusong narin si Clarky at naging buntot narin ang kanyang paa...

"Wahh ang cool Rin ng buntot mo Clarky"-tuwang tuwang sabi ko, habang nakaturo ang hintuturo ko sa buntot niyang light blue na kumikinang kapag naaarawan parehas sila ni Caleb..

"Ano pang hinihintay mo, lumusong ka na rin"-sabi ng lalaki sa akin...

"Bago ako lumusong, ano ang pangalan mo?"tanong ko sa kanya...

"Arielo"-sabi niya, wahh.. ang cool naman nang name niya...
Yong akin kaya kapag naging lalaki ako siguro Avero Christello!! Hahaha.. nakakatawa naman hahaha... Buti na lang babae ako..

"Sige Arielo, una na ako! Paalam"-sabi ko sabay sulong sa tubig.. kinain ko ang sea weed at umilaw ang aking buong katawan...

Kulay pink violet na buntot at sea shell na naging takip nang aking dibdib... Wahh...

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now