Chapter 31

763 28 0
                                    

Avery Christelle Parker POV

Umalis agad kami sa lugar kung saan nakatira si Flame....

Habang naglalakad kami ay nagtanong si Bren...

"May kapatid ka ba Flame?"-tanong nito sa kanya... Napatigil naman siya at sana naglakad ulit... "Hindi ko sila mga kapatid ngunit mahal na mahal nila ako kahit na ampon lang ako"-sagot niya kay Bren...

Tumingin ako sa katabi ko na nakatingin sa likod ni Flame... Pinisil ko ang kanyang kamay kaya siya napatingin sa akin...

Umiling lang siya....

"Alam mo ba girl... Kamukha mo si Caleb"-sabi ni Bryan sa kanya....

Tumingin siya sa amin at saka tumingin kay Caleb...

"Oo kita ko nga kanina"-sabi niya at nagpatuloy ulit sa paglalakad... Bakit ba ang cold niya? Bakit... Bakit?? Teka bakit ang daming bakit? Wahh.. ang daming bakit!!!

"Naprapraning ka na siguro"-sabi ni Flame na hindi nakatingin sa akin
Pero alam kong sa akin niya sinabi iyon... Nagulat ako sa kanya... Bakit niya alam? Mind reader din ba siya?

"Dahil ako ang Fire Guardian kaya mas malapit ang loob ko sa iyo, in-short ramdam ko kapag natataranta, nasa panganib ka o ano pa"-sabi niya sa akin kaya napatango ako...

"At ang buhay nang guardian na fire ay ang magsakripisyo para sa kanilang babantayan... At ang trabaho ko ay protektahan ka at kapag nasa panganib ka ay hindi ako magdadalawang isip na isakripisyo ang aking buhay para lang mailigtas ka"-sabi niya sa aming lahat... Napatigil ako sa paglalakad... Hindi ko hahayaang mamatay siya... Hindi ako papayag.... Walang magsasakripisyo ng buhay niya para sa akin...

"Ang kamatayan ay hindi mapipigilan,
Kapag oras mo na, oras mo na... Kaya kapag oras ko na para iligtas ka sa anumang panganib, hindi ako magsisisi para ibuwis ang buhay ko para sayo... Para din to naman sa kaligtasan ng Magic World and ng mga mortal eh..."-sabi niya sa amin at saka naglakad na... nakakasakit ng puso huhu

Naglalakad kami ngayon ay parang merong nakamasid sa amin... Ngunit hindi ko iyon pinansin baka guni-guni ko lang iyon...

Tumingin ako kay Caleb... Na nakaakbay sa akin... Pupunta na kami sa Vikings Island kung nasaan makikita ang Air Guardian...

"Caleb, may kapatid ka ba? Hindi mo ba kapatid si Flame?"-tanong ko sa kanya... Tumingin siya sa akin at saka umiling.. "Hindi ko alam Avery eh.. Sana nga ay kapatid ko siya.."- malungkot niyang sabi sa akin at tumingin kay Flame...

"Flame ilang taon ka na?"-tanong ni Caleb sa kanya... Tumingin si Flame sa kanya... "18 pa lang ako"-sagot naman ni Flame sa kanya...

Tumingin ako kay Caleb... 18 rin si Caleb... Hindi kaya... Baka Kambal sila!! Omg....

Tumingin ako kay Caleb na nakatingin kay Flame...

Ipapa DNA ko silang dalawa... Pag nakapunta ako sa palasyo..

Nakarating kami sa Pier para pumunta na kami sa susunod naming paglalakbay...

***

Ako, si Caleb, si Flame na lang ang natitira sa barko... Dahil ipinatawag na ni Hm ang iba... Nagdadabog pa nga si Bryan eh.. haha ngunit hindi na siya nagsalita pa o nagreklamo...

Kanina pa kami nasa gitna ng dagat ngunit wala pa kaming nakikitang Isla
"Hanggang dito na lang po tayo kaya pwede na kayong pumunta sa maliit na bangka at kayo na ang magpapatuloy sa inyong paglalakbay"-sabi ng bangkero kaya lumipat na kami sa maliit na bangka....

***

Nakarating kami sa kung saan matatagpuan ang Vikings Island...

Naglakad kami sa lugar ang daming mga dragons na nagliliparan sa himpapawid...

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now