Chapter 28

869 32 0
                                    


Bryan Hill POV

Napatampal na naman ako sa aking maganda, makinang na noo...

Hindi ko na naman nasabi... Itong HM kasing ito... Wrong timing... Kung hindi lang siya tinawag edi sana nasabi ko na sa kanya.... Buti na lang pogi si Hm kung hindi? Ay makakatikim siya ng sampal sa akin...

"Bakit ganyan ang mukha mo ha, Barbie?"-tanong sa akin ni Brie ngunit mahina lang sa Barbie, baka kasi malaman ng ilan jan eh mahirap na... Hahaha...
Pero in fairness ah.. level up ata ang love story nila ngayon ni Green... Eh kayo ba naman na palaging may nakakapit sa iyo... Hawak kamay o di kaya akbay o di rin naman yakap... Gosh nakakaloka... "Pwede ba Brie, itali mo na nga yan sa loob ng palda mo nakakasuka kayong tignan eh.."-nandidiring saad ko sa kanilang dalawa...

"Inggit ka lang, tas hindi ko siya pwedeng itali sa palda ko dahil hindi siya kasya doon"-sabi sa akin ni Brie.... What the hahaha... Hmmmft.... Buset....

"Ewan ko sa inyo mga ulupong... Dapat problemahin muna natin si Caleb... Nandito na si Avery... Ilang araw ng nagkukulong si Caleb... Baka kung mapaano pa siya..jusko"- naiistress na sabi ko sa kanila... Napabitaw si Green sa pagkakayakap kay Brie ngunit kinuha ulit ni Brie ang kamay nito at pinulupot ulit sa kanyang bewang... Gosh... Patay na patay talaga tong Brie na to kay Green...

"Eh asan na siya ngayon?"-tanong nito sa akin Brie...

"Yon nga iyon eh umalis na tinawag kasi ni HM.. festival pa naman ngayon tas misyon misyon ang palaging binibigay sa kanya! Pano na lang kaya natin masasabi kung wala siya dito sa school"-inis na sabi ko... Ako naman kasi eh... Ako ang naka-isip sa planong iyon... Akala ko magiging maganda ang kakalabasan ngunit hindi pala mas pinalala ko pa ang sitwasyon nila...

"Ok lang iyan Barbie, Hindi mo kasalanan.. ok... Kaya wag ka ng magmukmok jan pwede! Kaya pumunta na tayo don sa office ni hm baka madatnan pa natin siya"-sabi sa akin ni Brie...

Naglakad na kami papunta sa office ngunit wala sila ni HM doon dahil may pinuntahan daw silang mahalagang lugar... Kaya wala kaming magagawa kundi ang maghintay muna...

Avery Christelle Parker POV

Ngayon ay nakaupo ako ngayon sa loob ng karwahe... Pupunta kami ni HM sa Tower of Crystal Ball kung saan namin makikita si Aera... Aera ay isang future teller kagaya siya ni Celestine na walang love life ngunit ang pagkaibahan lang ay si Aera lang ang nakatira sa Tower na iyon... Nag-iisa lang siya doon.. Ang balita ko lang ay may lalaking palaging bumibisita sa kanya... Ang matagal na niyang sinisinta... Ang alam ko lang sa love story nila ay mga bata pa lang sila ay magkasama na sila hanggang sa naging teen na sila, nagkaroon ng relasyon hanggang sa nalaman nila na si Aera pala ang nagtataglay sa future teller kaya pinaghiwalay sila ng kanyang kapareha... Ang kagaya niya ay hindi dapat magkaroon ng pamilya o di kaya pag-ibig... Kaya ang ginawa ng tangapangalaga ng mga kagaya nilang maiden ay tinatanggal ang kanilang mga alaala... Kaya ngayon ay si Aera ay hindi na maalala ang lalaking mahal niya... Ang ginagawa ng lalaking mahal niya kapag siya ay bumibisita sa Tower ay para bang isa siyang tagabantay nito... Ang alam ko lang rin ay dalawa sa isang lingo nakakabisita ang lalaki...

Nakarating kami sa Tower of Crystal Ball, pumasok kami rito at pumunta sa pinakataas ng tore...

Nadantan namin si Aera doon sa harap ng table na may bola...

Tumingin siya sa amin at ngumiti...

"Andito na pala kayo! Salamat sa pagsama sa kanya rito"-nakangiting sabi ni Aera kay Hm.. Tumingin ako kay Hm na ngumiti lang at tumingin sa akin...

"Dito ka muna doon muna ako sa gilid ng pinto dahil ikaw lang ang kanyang kakausapin ngayon"- ngumiti ito ngunit may nakatagong sakit sa kanyang mata.... Bakit?

"Maupo ka Prinsesa"-sabi niya sa akin kaya sinunod ko ang kanyang kagustuhan...

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ipinatong sa bolang crystal... Parang may kuryenteng dumaloy sa aking mga ugat ngunit nawala rin naman...

Nagmulat siya ng kanyang mga mata, nakita ko ang kulay crystal nitong mga mata...

Parang wala siya sa kanyang katinuan...

"May mangyayari....
Mangyayaring dapat mong paghandaan...
Isang buhay ang makukuha bilang kapalit ng pagkabuhay niya...
Ang Hari ng mga demonyo ay muling mabubuhay....
Isang Prinsesa ang nakatakdang tumapos nito kasama ang kanyang mga guardians...
Hanggat hindi nahahanap ang mga guardians hindi magtatagumpay ang liwanag...
Hanapin hanggat hindi pa sila nakukuha ng kabilang panig...
May magbubuwis nang buhay... Hindi mapipigilan ang kamatayan....
You need to move now! Before the dark win....."

Pagkatapos niyang sabihin iyon at tumingin siya sa amin...

"Umalis na kayo at hanapin ninyo ang mga nagtataglay ng mga kapangyarihan ito. Magmadali kayo hanggat hindi pa gumagalaw ang mga kalaban"-sabi niya sa amin kaya umalis na kami sa lugar na iyon...

***

Nakasakay na kami ngayon ni Hm sa karwahe... Tumingin ako sa kanya, nakatingin parin siya sa Tower...
Tinitigan ko siya...

Naramdaman niya ata na tinitignan ko siya kaya tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti...

"Pwede kang magtanong kung gusto mo"-nakangiting sabi niya sa akin..

"Bakit po ang lungkot ninyo at saka bakit niyo tinitignan ang tower?"-tanong ko sa kanya... Ngumiti siya sa akin at tumingin ulit sa bintana ng karwahe...

"Alam mo ba ang kwento ng pag-ibig ni Aera?"-tanong niya sa akin... Ngunit hindi parin siya nakatingin sa akin...

"Opo ngunit hindi ko po alam lahat"-sabi ko sa kanya... Syempre kahit may alam ako eh hindi ko naman alam kung iniba nila ang istorya bago masabi sa akin...

Minsan kasi nakakalap natin ang impormasyon ay may mga parte na iniba... Kaya make sure na lahat ng mga masasabi natin ay kapwa katotohanan...

Tumango tango siya... " Dalawang nagmamahalan... Hindi mapantayan kahit na sino... Madaming pagsubok ang dumating ngunit isa lang ang hindi nakayanan... Ang pagiging maiden niya... Syempre nasaktan ang lalaki dahil mahal na mahal niya ang babaeng iyon... Nagulat siya nang nalaman niya na isa itong tinadhanang maging maiden at alam niya ang mangyayari rito... Gusto niyang ipaglaban ngunit hindi niya nakayanan dahil ang tagaprotekta na mismo ng mga maidens ang makakalaban niya... Kaya nakipagkasundo ang lalaki sa mga tagaprotekta na kahit... Kahit kunting sulyap lang... Kaya nakapunta siya sa tower na iyon at doon siya nagpanggap na isang tagabantay nito... At hanggang ngayon ay pumupunta parin siya doon para masilayan ang kanyang babaeng iniibig... Ako iyon Princess Avery! Ako ang lalaking nagpanggap na tagabantay... Ako ang lalaking hanggang sulyap lang ang magagawa para makita ang aking mahal.."

Nagulat ako sa sinabi niya... Kaya pala... Kaya pala ganon na lang siya masaktan kapag nakikita niya ito...

"Hanggang ngayon siya parin kahit hindi kami pwede"-malungkot niyang sabi habang nakatingin sa labas... Hindi nakaligtas ang dalawang butil ng luhang lumabas sa kanyang mga mata.... Luha na ngayon ko lang nakita kay HM... Lungkot na ngayon rin lang nasilayan sa mukha ni HM na mahinahon....







***********************************



Kawawa naman siya!! Huhu... Akin na na lang hm... Hahaha... Amput...

Hello there sorry ngayon alng ulit gosh!! Naglakbay ang utak ko... Hahaha....

Comment and vote

Follow me

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now