Chapter 9

1.9K 64 0
                                    

Avery Christelle Parker POV

Uhhhmmmm.... Pano ko ba siya sasabihin sa kanya! Ano na naman ba ang sinabi ni kuya sa kanya? Hayst!! Si kuya talaga palagi na lang niya akong binibigyan ng problema...

"Uhmm.. can we just eat na lang? Hehe"-sabi ko sabay kamot sa aking batok... Tumingin siya sa akin na para bang may masama akong ginawa...

Wala akong ginawang masama! Malinis ako ah!!

"Ok" napa buga na lang ako nang hangin...

***

Nasa loob kami ng klase nang may narinig kaming pagsabog!!

Tumakbo kaming lahat papunta sa pinanggalingan ng pagsabog..

Tumambad sa amin ang wasak na gate ng paaralan... Doon nakatayo ang mga gumawa...

Mga black witch. Malalaman mong black witch ang mga ito dahil sa kanilang mga damit na itim, sombrero na itim at matulis, matangos na ilong at may hawak na walis tingting...

Ang mga white witch naman ay Alam niyo na puti ang damit, katamtaman ang tulis ng sombrero and they have a white eyes... At hindi walis tingting ang gamit nilang sasakyan kundi ang flying shoes nila... May pakpak ang mga sapatos nila...

(Author: kainggit no? Gusto ko rin sana! Hihi)

Pwede naman author kasi tawa mo pa lang pagkakamalan ka nang black witch!! Ahahaha...

(Author: ouch! Nakakasakit ka na talagang babae ka ah!)

So what?! *Flip hair* *irap*

(Author: grrr.... Pigilan niyo ko, pigilan niyo ako, baka masabunutan ko yang babaeng yan *nagwala* *pero walang pumigil*)

Hahaha... Nakakatawa ka talaga hahaha... Beelat! Alis na nakakasagabal ka eh! Alam mo ba na may kalaban ngayon?

(Author: Kaya nga ako nandito para sabihin sayo na ang mga kalaban niyong black witch ay level B hindi masyadong malakas ngunit magaling sa paggawa ng mga patibong o gamot! Ang gamot na iyon ay nakamamatay... Ang ilan sa mga Black witch ay hindi wand ang hawak kundi mga needles o bows and arrows... Pero mag-ingat kayo baka may halong nakakamatay o nakakaparalisa ang kanilang mga kagamitan)

Ganon? May witch na pala na may hawak na bows at arrows ok lang sana kung needles lang pero bows at arrows?? Haha nakakatawa... Pwede na silang makipaglaban sa Olympic game kung ganon! At may level din pala ang mga witch!

Tumingin ako sa mga witch level B sa harap namin... Sampo silang lahat...

Apat sa kanila ay may bows at arrows ang anim siguro ay needles kasi hindi ko makita! Kailangan naming mag-ingat kong ganon!

Hindi ko magamit ang aking kapangyarihan dahil hindi sila nakatingin sa akin, at hindi ko pa naman mastered ang mind manipulator without eye contact mas madali sana iyon ngunit hindi pa ako pumunta sa Mt. Celestine kung saan nandon nakatira ang diwata nang isipan na si Ms Celestine.. Diwatang nagtataglay nang karunungan...

Nakita ko si Brie nagpalabas siya ng sand spikes at pinuntirya ang mga witch ngunit nakailag sila.. ito ang pinaka-ayaw kong kalaban ang mga black witch dahil sa matitinis nilang tawa... Grrr... Masisira eardrums ko nito eh!

Pinapasok ang ilan sa mga estudyante sa stadium at doon muna manatili at para narin sa kaligtasan nang mga elementary students.....

Walo lang kaming naririto..

Si Brie, Reema, Blue, Red, Green, Caleb, ako at isang di kilalang lalaki...

Nagpaulan sila ng mga needles at arrows sa aming direksyon ngunit may barrier na humarang dito...

Ang lalaki ngayon ay nagtataglay ng barrier manipulator....

Nagpalabas ng mga vines si Green at pinaghahampas ang mga witch sa ere ngunit tumatawa lang sila habang iniilagan ang mga tira... Nagpalabas naman si Caleb ng black fire balls at ibinato sa kalaban natamaan ang isa kaya nahulog ito sa kanyang sinasakyan.

Tumakbo naman ng mabilis si Blue at pinaikotan ang witch hanggang sa Hindi na siya makahinga...

1 down, 9 more left...

"May paparating na needles"-sigaw ni Reema kaya nakagawa agad ng barrier ang isa naming kasama...

Malaking tulong rin si Reema dito dahil sa x-ray vision niya..

Nagpaulan ulit sina Caleb, Green at Brie nang kanilang mga kapangyarihan...

Si Red naman ay bumuhat ng malaking bato at ibinato sa mga witch dahil busy sila sa pag-ilag sa kapangyarihan Nina Caleb, Green at Brie at hindi nila nakita ang malaking batong papunta sa kanilang direksyon....

Nahulog ang dalawa at gaya kanina ay pinaikutan na naman ni Blue ang mga ito hanggang mawalan ng hininga...

3 down, 7 more left..

May tumingin sa akin kaya alam kong oras ko na rin iyon para gumalaw...

"Kill yourself" utos ko

Nakita ko naman na itinusok niya ang needle sa kanyang leeg kaya nalaglag siya...

4 down, 6 more left

Gulat ang mga kasama siya kaya napatingin silang lahat sa akin BINGO!!!! Wahahaha....

"Kill yourself"- utos ko sa kanila kaya kanya kanya silang tusok sa kanilang mga leeg gamit ang nakakamatay na needles na hawak nila....
Ang boring naman ganon ganon na lang iyon? Wahh... Boring...

***

Naglalakad ako ngayon dito sa loob ng palasyo, bakit wala pa sila? Asan na yong mga iyon?

Tumigil ako sa harap ng conference room... Hmm... May narinig akong nag-uusap don...

Kakatok na sana ako ngunit saktong bumukas naman ito.. iniluwa nito sila Mom, Dad at ang hindi inaasahang lalaki na si Clark...

Nagulat silang tatlo ngunit kalaunan ay niyakap ako nina Mom at Dad..

"Ang sabi ng iyong mga magulang My Queen ay nagbakasyon ka? Kamusta sa pinuntahan mo?"-tanong ni Clark sa akin, grrr...  My queen ko mukha mo! Di naman kita kilala hmft!

"Mom, Dad punta muna ako sa aking silid"-paalam ko sa kanila, hindi ko na hinintay ang kanilang sasabihin dahil sira na naman ang aking araw dahil sa lalaking iyon...

Nakaupo ako sa aking kama, hayst... I miss my bed na talaga...

***

Nathaniel Clark Fenton Prinsepe ng Perkins Kingdom, ang aking fiancee na ngayon ko lang nakilala...

Grr... Ngunit sabi nang aking kapatid matagal ko na itong kilala at childhood friend ko ito... Ngunit iba na ang takbo ng mundo ngayon, kung noon ay kilala ko siya ngayon ay hindi na...

Habang nag-iisip ako ay may kumatok sa aking pinto, sina Mom at Dad pala iyon.. pinapasok ko sila at may sinabi nilang ayoko sanang mangyari...

"Sa susunod na dalawang buwan ka na ikakasal, princess"





















************************************













Hanggang sa muli mga kaibigan... Hahaha....


Vote and comment na...

Follow me!!!!

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now