Chapter 23

914 32 2
                                    

Avery Christelle Parker POV

Nakarating kami dito sa school kahapon...

Ngayon ay nandito kami sa cafeteria nang may nagsalita sa speaker...

"Good morning students.... You all know that we are celebrating the Zertopia University festival.... Mag-isip na kayo kung anong booths ang gusto ninyo.... Tomorrow will be the start of the festival... One week celebration for this festival"

Nagkasiyahan ang mga estudyante sa loob ng cafeteria at excited na sila para sa mangyayari bukas....

"Bukas ba ang school na ito sa lahat kapag may festival?"-tanong ko sa kambal... Tumango naman silang dalawa ..

Wahh.  Pupunta kaya si Reema dito?
Gosh! Sana naman wag na niyang alamin ang mga undergarments ko! Huhu
At saka bakit ang unfair naman ata... Kahapon katatapos lang namin sa isang misyon tas bukas naman festival tas ngayon kami gagawa ng mga booths namin? Nasan ang hustisya?? Ang sama... Napakaduga... Buset!! Hmmft.... Pwedeng magpahinga muna? Huhu...

Habang tinutusok-tusok ko ang pagkaing nasa harap ko nagulat ako dahil nagsalita ulit ang speaker... Pwede bang pakisabihan ako kapag magsasalita and speaker para hindi ako magulat? Gsssh..

"Princess Avery and Caleb, go to the Hm office now!" (3×)

Tumayo na ako at naglakad na papunta sa pinto...

"Ang ganda talaga niya ano?"-kinikilig na sabi ng isang babae sa may table...

"Oo nga eh!! *O*"-sang-ayon naman ng mga kasama niya...

Gosh!!! Nakakalaki ng ulo!! Hahaha...

"Bagay talaga sila ni Prince Nathaniel"-kinikilig na sabi ulit nila...

Sumama naman ang aking mukha dahil sa aking narinig bakit ba ang hilig nilang maglink.. eh di naman nila buhay to ah!... Hmmft.. nakakapagtampo naman....

Nakarating ako sa ako sa harap ng office bubuksan ko na sana ngunit napatigil ako dahil nakita ko sina Caleb, Brie, Green at isang babae? Sino ang babaeng iyon? Bakit parang ang close naman ata nila ni Caleb.. at nakahawak pa talaga siya sa kamay ni Caleb!! Parang ahas na sumabit... Putcha!! Naman oh... Gigil mo si ako!!!

"Hi Prinsesa Avery"-bati nina Green at Brie habang nakangiti sa akin... Ngumiti naman ako... "Masyadong pormal! Avery na lang..."

"Hi Avery"-bati sa akin ni Caleb, tumango lang ako habang nakatingin sa kamay ng ahas na nakapulupot sa braso ni Caleb... Pwedeng magmura? Putanginang iyan oh oh..

"Hi Prinsesa Avery, I'm Brena" malanding pakilala niya sa akin... At saka parang may kamukha siya...

"Avery na lang"-sabi ko at ngumiti ng kunti kahit ang utak ko na ngayon ay pinapatay na siya... Gosh!! Anong nangyayari sa akin... Nakakaloka.....

"Parang may kamukha ka?"-sabi ko sa kanya at pinaningkitan ng mata... Talagang may nakilala akong kamukha niya...

"Oh, kapatid ko si Bryan"-malanding sabi niya at mas diniinan pa ang sariling katawan sa kamay ni Caleb... At ang kamay ni Caleb ay nasa pagitan na ng kanyang dalawang dibdib... Nag-init ang ulo ko dahil sa akin nakita! Tas pumapayag naman itong Caleb na ito? Malandi rin pala itong lalaking ito eh!....

"Nasan ngayon si Bryan?"-tanong ko sa kanya.... "Somewhere"-maikling sabi niya habang nagtataas baba ang kanyang katawan sa braso ni Caleb... Gosh!! Nakakarumi ng utak...

Tumingin ako sa kanila at ngumiti "una na muna ako nakakabwisit kasi ang lalandi"- bulong lang ang panghuling sabi ko.. at tumingin ulit ako sa Brenang iyon! Tsk.. sayang saya pa siyang hinahagod ang malaking dibdib niya sa kamay ni Caleb ah! Siguro ay laspag na ito, landi eh! Tsk..

Pumasok na ako at padabog na umupo sa upuang nasa tabi ng table ni HM... Nag cross arm na lang ako... Gosh!! Nakakabwisit naman!!! Taena... Nakakasira ng araw!!!

Mayamaya lang ay nakita kong bumukas ang pinto at doon ko nakitang si Brena ay nakadampi ang kanyang labi sa pisngi ni Caleb! Nag-init ang ulo ko dahil sa aking nakita... Sh*t pigilan niyo ako mapapatay ko ang babaeng malanding ito... Ahas.. haliparot.... Laspag buset!!!

Nakangiting humiwalay si Brena kay Caleb at tumingin sa akin ng nakakaloko.... Anak ng!!

"Iuntog mo ang ulo po! Gag*"-inis na utos ko sa kanya.. gamit ang aking isipan, nawala ang ngiti sa kanyang labi at dumeretso sa may pader hanggang nauntog and kanyang ulo.. gusto kong matawa ngunit pinigilan ko... Pfft.. nakita ko naman nilapitan siya no Caleb at hinihipan ang ulo niyang nauntog...

"Caleb! Kanina pa naghihintay si Hm..  pwede ba wag kang paimportante?"-inis na sabi ko sa kanya... tumingin naman siya sa akin.... "Mamaya na lang ulit"-narinig kong Sabi niya sa mga kasama niya.... Takte.. mapapatay ko talaga ang haliparot na iyon...

Naglakad na siya papunta sa harap ko kung saan meron ding upuan doon.. tumingin siya sa akin at nagsalita "Alam kong ikaw ang may gawa non kay Brena"-seryosong sabi niya sa akin... So what kong ako? Wow ha? Concern na siya ngayon sa ibang tao? Putek na buhay naman ito oh oh...

Hindi ako nagsalita at tumingin na sa hm. Na kanina pa pala siya nakikinig....
Tsk....

***

Naglalakad na ako paalis ng office ni HM tapos na naman niyang sinabi ang kailangan niyang sabihin eh... Tsk...

"Bakit mo ginawa kay Brena iyon Avery?"-seryosong tanong nito sa akin.. nagulat ako akala ko hindi siya sumunod sa akin eh...

"Wala lang!!! Kasi nga nasa harap kayo ng Hm at naglalandian pa talaga kayo?!"- inis na sabi ko sa kanya, natigilan naman siya...

"Eh ano naman ang pakialam mo don ha? Hindi ba ako pwedeng magmahal ulit?"-sigaw nito sa akin.. natigilan ako sa kanyang sinabi... So sila na pala! Wala siyang sinabing sila na ngunit yon din naman ang patutunguhan non hindi ba? May gusto siya kay Brena at alam ko rin na gusto rin siya ni Brena.. ngunit bakit... Bakit parang may nabasag... Bakit parang ang sakit? Bakit parang gusto ng kumawala ang luha ko? Bakit ganito?  Ngayon lang niya ako sinigawan ng ganon! Ngayon lang...

Napayuko ako dahil sa sinabi niya... Bakit nasasaktan pa ako! Diba dapat masaya ako? Diba dapat hindi na ako nasasaktan pa? Ito naman ang gusto ko hindi ba? Ang hindi na niya kulitin at iparamdam na Mahal niya ako.. dahil ginamit lang niya ako.... Bakit... Bakit mahal ko pa rin siya kahit na alam kong ginamit lang niya ako? Bakit??

Nakayuko lang akong tumalikod sa kanya at naglakad na palayo... Narinig ko pang tinawag niya ako ngunit nagbibingi-bingihan na lang ako...

Ang sakit pala ano, na akala mo wala na anjan lang pala ito, natabunan lang pero kapag nasa harap mo na aapaw at aapaw ang pagmamahal mo sa kanya...







************************************



Gosh!!! Hindi ko na alam ang nangyayari hahaha.... Eh.... Pano na Yan!! Baka si Nathaniel at Avery talaga ang itinadhana.. haha...

Sinong gusto niyo???

Avery at Caleb?

Or

Avery at Nathaniel?

Comment and vote na...

Follow me!!

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now