Chapter 11

1.8K 62 0
                                    


Caleb Agustine Wilkes POV

Dali dali kong tinago ang phone ko..

"Anong ginagawa mo dito Avery?"-tanong ko sa kanya na para bang wala akong pinanood ngunit nagwawala na ang aking kaloob-looban... Nakakahiya...

"Uhmm.. sasabihin ko sana na may outing tayong tatlo, hindi muna tayo papasok pupunta tayo sa beach"- nakangiting sabi nito at tumitingin parin sa tinatago ko kaya mas lalo kong tinago iyon...

"Ah ganon ba!? Sige sasabihin ko kay Catty"-sabi ko sa kanya...

"No need nasa likuran mo na si Catty"-nagulat ako dahil sa sinabi niya... Unti unti akong tumingin sa likuran ko, bumulaga sa akin si Catty na nakangiting nakatingin sa cellphone ko, tumingala siya sa akin at ngumisi nang nakakaloko... Patay!!!

"Patay ka talaga kuya"she mouthed while grinning... Bakit ko ba kasi nakalimutan Mind reader pala siya...

***

"Dali!"- sigaw ni Avery habang tumatakbo papunta sa tabing dagat... Akala mo namang hindi pa siya nakapunta sa mga ganitong lugar tsk...

"Kuya, anong nararamdaman mo kapag nakikita mo si Ate Avery?"-tanong ni Catty sa aking habang pinapantayan ako habang naglalakad...

Ano ba talaga ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya? Hindi ko maipaliwanag eh, para bang nakikiliti ako kapag naririnig ko ang kanyang mala- anghel na boses. Meron din yung palaging lumilipad sa aking tyan habang nakatingin sa kanyang mga ngiti... Pagbilis nang tibok ng puso kapag tinatawag niya ang sarili kong pangalan. Ang pagiging abnormal nang aking puso, at pagwawala nang aking isipan... Habang kasama ko siya ay para bang nasa alapaap ako at para ring nawawala ako sa katinuan...  Ang nasisigurado ko lang ay ang unang paglapat nang tingin ko sa kanya ay doon ko na naramdaman ang ganitong pakiramdam. Siya lang ang babaeng nagparamdam nang ganito sa akin...

At dahil alam ko ang tawag dito dahil na rin sa tulong nang technology, ang tawag sa pagbilis ng aking puso at parang lumilipad sa aking tyan ay tinatawag na Abnormal

Este hindi pala, tinatawag na Love...
Pagmamahal na nararamdaman sa isang tao....

(Author: pasensya na guys ha!? Kasi taong kweba si Caleb KO!! Hihi doon kami nanirahan noon eh!)

Sino ka naman? Kilala ba kita? Pasensya na hindi kita kilala eh. At saka ngayon lang kita naka-usap...

(Author: Ouch masakit!!! *Walling*)

Baliw!

(Author: Baliw Sayo!)

"Oy si Kuya may gusto kay ate Avery" tukso sa akin ni Catty kaya tinignan ko naman siya nang masama... Pesteng bata... Ibubuking pa ako eh!

Nag peace sign naman siya sa akin....

Tumingin ako kay Avery na ngayon ay nagpapasabol sa mga waves...

Para siyang batang palaging naka smile... Haha...

Pumunta ako sa isang bahay kubo sa mga gilid nang beach....

Tumakbo na rin si Catty papunta sa kanya kaya naglaro na sila sa tubig.. ako naman ay inihahanda ang magiging kakainin namin...

Habang naglalatag ako ay tumatakbo papunta sa akin si Avery at kasama si Catty...

"Caleb! Ayaw mo pa bang maligo?" Tanong niya habang tinatanggal ang kanyang sombrero... At saka tinanggal ang kanyang tali sa buhok.... Lumugay ang blond nitong buhok... Ang perfect niyang tignan...

"Di pa"- sabi ko at pinagpatuloy parin ang aking ginagawa....

"Ok" rinig kong sabi niya, nagulat na lang ako dahil nagtanggal siya nang saplot at bumulaga sa aking ang kanyang bikini... Alam kong namumula na ngayon ang aking buong mukha... Inilihis ko ang aking tingin at napunta sa ibang direksyon ngunit nagulat ako dahil may mga grupo nang lalaki ang nakatingin ngayon sa katawan ni Avery...

Tinitigan ko sila nang masama at pinag-apoy ang laylayan nang kanilang mga damit...

Nagtatatalon naman sila habang pinapatay ang apoy sa kanilang mga damit... Gusto kong matawa ngunit mas pumapaibabaw ang aking inis...

"Avery!!! Pwede ba magsuot ka ng damit!!"-inis na sabi ko sa kanya, bahagya naman siyang nagulat kaya dali daling nagdamit.... Nakahinga naman ako nang maluwag...

"Possessive much?"-natatawang tanong ni Catty sa akin...

"At saan mo natutunan ang salitang iyan?"-inis na tanong ko sa kanya...

"Sa Google" deretsong sagot niya sa tanong ko napahilot na lang ako sa aking sentido pesteng google yan oh...

***

Mga 3:00 na nang hapon nagtatakbuhan kami ni Avery sa gilid ng beach...

Nakatingin ako sa kanya habang siya ay tumatakbo papunta sa akin... Para bang magkaharap kaming dalawa. Ganito ang itsura namin...

Ako ay tumatakbo patalikod sa kanya.... Siya naman ay humahabol sa akin... Haha ang cute niya...

Habang tumatakbo ako ay hindi inaasahang pangyayari may bato sa aking tinatakbuhan kaya napahiga ako sa buhangin saktong pumaibabaw sa akin ang katawan ni Avery na ngayon ay gulat na gulat dahil sa paglapat ng aming mga labi...

Nanlaki ang aking mata, ganon din siya... Ang bilis nang pintig ng aking puso...

Dali dali siyang tumayo at ako naman ay naiwang tulala habang hawak sa kamay ang aking labi....

Ang tamis at ang lambot ng kanyang labi....

***

Nakauwi na kami at wala parin pansinan sa pagitan namin ni Avery siguro ay nahihiya kami dahil sa nangyari...

But still I'm happy na siya ang first Kiss ko...

Avery Christelle Parker POV

Nandito ako sa aking higaan pagulong gulong... Makailang laglag narin ako dahil sa paggulong ko sa kama...

Sh*t... Napahawak na naman ako sa aking labi.... Ang first kiss ko wala na huhu... Di na virgin tong lip ko!!! Wahhh... Mommy....

(Author: Buti ka pa may first kiss na eh ako? Wala pa... Hahaha... I want to kiss a guy of my life kung nasa harap na kami ng altar how romantic no?!)

Haha... Wala pa siyang first kiss eww...

(Author: at least virgin pa lip ko! Di tulad sayo)

Hmmmft....

Sa susunod na dalawang buwan..
Ayoko na....

Napatayo ako dahil parang lumamig sa paligid ko... Tumingin ako sa paligid, observing the place.....

Sh*t....

..

..

..

..

..

..

Wala naman! Humiga na ulit ako at pumikit na...

Someone POV

"Mahal na Hari"-tawag pansin sa akin nang aking isa sa mga alagad ko... Habang nakayuko siya sa aking harapan...

Tumingin ako sa kanya, hinihintay ang kanyang sasabihin...

"Natalo po ang mga witch na ipinadala natin, at nalaman ko na may isang estudyante doon ang nagtataglay nang kapangyarihang Mind Manipulator"-mahabang Saad niya sa akin... Napaayos ako nang upo dahil sa aking narinig..

Mind Manipulator isa sa mga kakailanganin ko sa aking plano...

"Dapat nating makuha ang taong nagtataglay ng kapangyarihan na iyon, at sabihin sa aking dalawang alagad na nagtataglay nang Hypnotist at memory manipulator maghanda sa pagkuha sa taong iyon!"- utos ko sa aking mga kawal.....

Maghintay ka lang mapapasaakin ka rin...

























✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡✡








Yehey... Tapos na naman....

Vote and comment...

Follow me!

The Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon