Chapter 24

892 29 0
                                    

Avery Christelle Parker POV

Nandito ako sa harap ng gate ng school...

Ang school at puno ng palamuti... Ang bandera, makukulay na banderitas at maraming taong pumapasok sa school.... Madami ring kainan....

Tumingin ako sa kalangitan, nakita ko na naman ang nakita ko kahapon... Si Caleb na nasa ibabaw ni Brena... Meron silang damit... Siguro ay magsisimula pang lang sila... Haha... Hindi ako nagsalita, umalis na lang ako don.. at humanap ng lugar para mapag-iiyakan..... Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa... At tanggap ko na iyon ngayon.... Natawa na lang ako habang lumuluha... At tinanong ko ang aking sarili.... Bakit pa ba ako umiiyak? Hindi pa ba ubos ang mga iyak ko kapag sumapit na ang Gabi.... Hindi pa ba sapat ang hindi mabilang na mga luhang para mawala ang aking nararamdaman sa kanya? Hindi pa ba nauubos ang nga luha ko? Bakit parang walang tigil ito sa pagtulo? Bakit? Bakit? Dapat masaya ako! Dapat masaya ako dahil nahanap na ni Caleb ang magmamahal sa kanya...

"Tayo na"-sabi sa akin ni Caleb... Oo so Caleb... Pupunta kami sa isang resort dahil nagawa namin ang misyon... Iyon ang premyong napanalonan namin..... Kaya kami pinatawag ni HM kahapon... Nakita ko si Brena kasama sina Green, Brie sa tabi ni Caleb.... Bumaba ako sa sakay kong kabayo... Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang aking ticket... Nagulat siyang nakatingin sa akin....

"Iyo na! Para magkasama kayong dalawa..."-nakangiting sabi ko sa kanya...

Nagpag-isip-isip ko kagabi na wala naman akong karapatang magalit sa kanila.. dahil wala naman kami ni Caleb matagal na rin kaming hiwalay kaya hayaan natin siguro itong nararamdaman ko ay lilipas rin at matatangay na ng hangin...

"Diba tayo ang sinabi ni hm?"-tanong sa akin ni Caleb na ngayon ay nakalapit na pala sa akin....

Ngumiti ako sa kanya... At umiling... "May mas mahalaga pa kasi kaming pupuntahan ni Clarky eh"-sabi ko sa kanya at iniabot ang ticket sa kamay ni Brena...

"Saan kayo pupunta ni Prince Nathaniel?"-tanong ni Brena sa akin... Habang nakatingin parin siya sa ticket na nakalagay sa kanyang kamay...

"Pupunta kami sa kaharian namin para pag-usapan ang magaganap na kasalan namin ni Clarky"- nakangiting sabi ko sa kanila, na napagpahinto sa kanila... Kita ko sa kanilang mga mukha ang gulat sa sinabi ko...

"A-anong ibig m-mong sa-sabihin?"-nauutal na tanong sa akin ni Caleb, Kita ko ang pamumula ng kanyang ilong at mata... Bakit Caleb? Wag kang magsabi nang kahit anong salita na makapagpapahinto ng aking desisyon!

"Pumayag na ako sa kasalan na magaganap at buo na ang desisyon ko!"-nakangiting sabi ko sa kanya...

Nakita kong bubuka na sana ang kanyang bibig ngunit may sumagaw....

"Avery, let's go"-masayang sabi ni Clarky sa akin habang nakasakay siya sa kabayo...

Masayang masaya si Clarky nong sinabi ko na magpapakasal na ako sa kanya... Dumalaw siya sa akin kagabi at doon ko na sinabi na magpapakasal na ako sa kanya...

Tumango ako at tumingin ulit sa mga kaibigan ko... "Una na ako sa inyo"- paalam ko sa kanila... Tumalikod na ako at handa ng naglakad ngunit isang kamay ang pimigil sa aking kamay... Tumingin ako sa may hawak non.... "S-sigurado ka na ba?"-mahina at nauutal na tanong ni Caleb sa akin... Walang alinlangan akong tumango at naglakad na papunta kay Clarky na ngayon ay nakangiting nakalahad ang kamay sa akin....

Ngumiti akong kinuha iyon ngunit hindi nakaligtas ang pagtakas ng aking mga luha sa aking mga mata....

Sumakay ako sa kabayo, nasa harap niya ako at siya naman ay nasa likod ko... Para siyang nakayakap sa akin... Hinding Hindi ko pagsisisihan ang aking desisyon para ito sa kaharian namin... Kahit ipaglaban ko pa ang nararamdaman ko ay wala ring mangyayari dahil may Mahal ng iba ang taong Mahal ko.... Siguro ay matututunan ko ring mahalin si Clarky... Siguro hindi pa ngayon pero sa susunod na araw....

Pinatakbo na niya ang kabayong aming sinasakyan.... Patungo sa palasyo....

***

3rd Person Point of View

Naiwang nakatulala si Caleb habang nakasunod ang kanyang paningin sa papalayo kabayong sinasakyan nina Avery at ni Nathaniel... Paulit-ulit ang salitang Kasalan sa kanyang utak... Parang sirang plaka....

Nag-unahan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan... Parang gripo na walang tigil ang pagdaloy sa kanyang pisngi.... At tanong sa sarili anong nagawa niyang mali?

"Pasensya na bro, dahil ata sa plano namin kaya naisipan na ni Avery na pumayag sa kasalan nila ni Prince Nathaniel"-mahinang sabi ni Bryan.... At saka tinanggal ang kanyang pekeng dibdib, pekeng mahabang buhok at make-up oo... Si Brena at Bryan ay iisa... Ginawa lang nila iyon para pagselosin si Avery ngunit mukhang mali sila... Sila pa ata ang nag-udyok para pakasalan ni Avery ang Prinsepe... Nagpanggap na babae si Bryan kahit na gustong gusto naman niyang gawin iyon...

Hindi nagsalita si Caleb... Nakatingin parin siya sa gate na pinaglabasan nina Avery at Nathaniel... Oo inaamin niya na sayang saya niya kahapon dahil kita niya ang masamang tingin ni Avery kay Brena na nakadikit sa kanya... Lahat nang nangyari kahapon ay scripted lahat ng iyon.. para pagselosin si Avery... Masayang masaya si Caleb dahil alam niyang nagseselos si Avery.... Ngunit hindi niya naisip na ang labis na kasiyahan ay may karugtong na kalungkutan...

Sising sisi siya dahil pinakawalan niya ang babaeng unang nagpatibok sa kanyang puso... Gusto niyang yakapin si Avery kaninang naglalakad palayo sa kanya ngunit hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan... Gusto niyang sabihin sa kanya na siya lang ang minahal niya at lahat ng iyon kahapon ay isang palabas lamang...  Napa-upo na lang si Caleb habang umiiyak... Pinagtitinginan na siya ng mga tao ngunit wala siyang pakialam dahil ang babaeng pinakamamahal niya ay wala na... Wala na ang babaeng mahal niya....

"Bro! Hindi pa huli ang lahat, alam kong mahal ka pa ni Avery, Kita ko sa mga mata niya"-sabi ni Green sa kanya.... Tanggap na rin ni Green na hindi siya kayang mahalin ni Avery kaya hindi na siya nasasaktan pa...

"Pwede pa nating kombinsihin na wag ng magpakasal"-sabi naman ni Brie...

Salita ng salita ang mga kasama niya ngunit hindi niya iyon marinig dahil ang rinig lang niya ay ang iyak niya.... Hindi na niya alam ang kanyang gagawin... Iniisip pa lang niya na magpakasal si Avery sa ibang lalaki parang namamatay na siya! Pano na lang kaya kapag kasal na ito at magkakaroon ng pamilya?

Hindi niya iyon kayang isa-isip, hindi tanggap ng kanyang puso, hindi tanggap ng kanyang isip....









************************************

Omg!! Sabi ko na nga ba eh! Matutuloy ang kasal nila.. haha... Pano na yan guys?? Haha.... Mukhang si Avery at Nathaniel ang itinadhana... Hahahaha

Comment and vote

Follow me...

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now