Chapter 1

65K 305 2
                                    

"Aliah!"

"Aliah!"

"Aliah!"

Malakas na tawag sakanya ng kaibigan nyang si Fiam dahil lutang nanaman sya at mukhang malalim ang iniisip. Di rin nya ito masyado marinig dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng bar kung saan sila nakatambay. Hanggang sa tinapik sya nito sa hita.

" Huy!" sigaw ulit ni Fiam sabay tapik sakanya ng malakas.

" Ouch sis! Ano ba yon?! Bat ka nanakit?!" Pasinghal nyang sagot kay Fiam.

" Oh my gosh girl are you with me? Para kaya akong tanga dito salita ng salita hindi ka naman nakikinig dyan! Ang dami din cute oh! Tigilan mo na nga yang kakaisip sa ex mong gago. Kilala kita noh!" Pagalit na sagot sakanya ni Fiam.

Hindi na nya pinansin ang kaibigan nya at tinawag nalang nito ang waiter at umorder ng isamg bucket ng san mig at sisig para sa pulutan.

Habang hinihintay nila ang inorder nila, may mga lalaki na lumalapit sakanila para magpakilala at gusto sila samahan sa table nila. Si Fiam naman ay walang tigil sa pagkausap sa mga ito at nakikipagpalitan pa ng number at social media accounts. Sya naman ay iritadong iritado na dahil ayaw nyang may mga makilalang lalaki. Sapat na sakanya na ang mga lalaki sa buhay nya ay ang mga miyembro ng pamilya nya at mga kaibigan nya. Bukod doon, ayaw na nya makipaglilala sa iba dahil sa tingin nya gulo lang ang dala ng mga ito. Ganito sya ka-BITTER.

SA SOBRANG BORING na nararamdaman nya, inilabas nalang nya ang kanyang cellphone at nag facebook.

Scroll sya ng scroll hanggang sa maisipan nyang icheck ang mga friend requests sakanya. Hanggang sa napatigil sya sa isang pangalan na parang pamilya sakanya. So to make sure, she clicked his name to check on his profile and damn it, he knew the guy..

Drake Corpuz..

The brother of his bestfriend's ex boyfriend.

Naughty GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon