Chapter 5

30.6K 181 4
                                    

Akmang sasakay sila sa kotse ni Fiam nang may humawak sa braso nya. Laking gulat nya ng makita ang napakagwapong bukha ng binata.

He's just wearing a black pants at simple white shirt na bakat na bakat ang muscles nito sa katawan at kitang kita ang kakisigan nito. Napaawang nalang ang bibig nya at nakaramdam sya ng pagbilis ng tibok ng puso nya. Dumagdag pa na mas nagpagwapo sa binata ang buhok nito na bagay na bagay sakanya at ang suot nitong shades.

Drake Corpuz

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Drake Corpuz

***********************************

10 hours earlier..

7am at Corpuz Technologies Corporation

Hindi mapigilan ni Drake ang pagngiti nya nang maalala ang mga nangyari noong Biyernes ng gabi. Alam nya sa sarili nya na matagal na nyang gusto ang dalaga--si Aliah. Hindi lang sya makapaniwala na sa ganoong pangyayari at sitwasyon sya ito makikita ng malapitan at makakasama.

Text sya ng text sa dalaga kahit na alam nya ang mga posibilidad na maiinis ito sakanya sa mga sinesend nya. Pero hindi mya mapigilan ang sarili nya.. Gagawin nya talaga ang lahat para makita muli si Aliah.

Habang naghihintay sya ng reply ng dalaga, pumasok sa opisina nya ang secretary nya na si Tina. Si Tina ang isa sa mga pinaka pinagkakatiwalaan nya sa kompanya at kaya ito tumagal sakanya dahil hindi ito malandi at wala itong gusto sakanya at may fiancé ma rin ito. Hindi rin si Tina ang type nya kaya alam nyang walang magiging problema sakanila.

''Sir Drake goodmorning po''. Bati sakanya ni Tina pero nakakunot ang noo nito at mukhang naiinis.

'' What's good Tinz? Nakasimamgot ka ang aga aga? '' natatawang tanong nya kay Tina. Tinz na ang tawag nya dito dahil 5 years na din ito sa kompanya nila at naging kaibigan na din nya ito.

'' Naku sir. Yung mga babae nyo kasi ang aga aga tawag ng tawag. Akala ko naman clients kaya sinasagot ko. Ewan ko ba sa mga yun sir patay na patay sayo. Ewan ko nalang din pag nagpang abot sila dito baka magpatayan talaga sila pag nalaman nila na marami sila. Tsk! '' naiinis na paliwanag nya kay Drake.

'' Don't mind them Tinz. Basta pag may pumunta dito sabihin mo on leave ako. Okay?! '' sagot nya kay Tina habang nangingiti dahil lukot na lukot ang mukha ng sekretarya.

'' Okay sir. Maghanap ka na kasi ng seseryosohin na babae para tahimik na ang buhay natin. Mas stress pa ko sa mga babae mo sir kesa sa fiancé ko e! '' gigil na sabi ni Tina sakanya.

Hindi na nya napigilan ang sarili nya sa paghagalpak ng tawa at dali dali na nyang pinalabas si Tina para mag asikaso sa mga clients.

Nang makita nya ang reply ni Ali, he replied as fast as he possible. Gusto lang nyang ayain talaga ang dalaga para magkita sila at mag usap pero naasar pala ito sa mga sinabi nya.

Pero kahit hindi pumayag ang dalaga, decides sya na pupuntahan at susunduin nya ito sa school after ng klase nila.

Napasandal nalang sya sa swivel chair nya at  napangiti dahil makikita na nya ang dalaga mamaya.

Naughty GentlemanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang