Chapter 29

2.6K 31 3
                                    

Magkakasama sa living area sina Bullet, Drake at Ali habang kumakain ng pancakes na niluto ni Drake. Nakakandong naman si Bullet sa kanyang ama.

"Ano bang meron, Drake? Ano to? Sorry but I'm.... confused?" Habang lumilibot ang mga mata ni Ali sa buong living area na punung puno ng flowers at balloons.

Isang matamis na ngiti lang ang isinagot nito sakanya. At dahan dahan inalis si Bullet sa pagkakaupo nito sakanya at maingat na inilipat sa sofa. Sya naman ay tumabi kay Ali at biglang niyakap nya ito.

"You see, bumabawi ako. Babawi ako, babawiin kita. Babawiin ko kayo ng anak ko. Please give me a chance. It's been years, Ali. Alam kong marami akong pagkukulang. Lalo na kay Bullet. So please.." ani Drake at lalong humigpit at pagkakayakap nya dito.

"I hate to say this but Drake, it's so useless. Napalaki ko naman ng maayos si Bullet. Kita mo naman siguro, right? Never ko ipagdadamot sayo si Bullet, be a father to him. There's no problem with me. Si Bullet nalang Drake. Pero ako? Tayo? Wala na Drake. I'm sorry". At unti unti syang kumawala sa mga bisig ni Drake at tumakbo papunta sa kwarto.

Mabilis nyang isinara ang pinto at napalugmok sa sahig. Kahit anong pigil nya sa mga luha nya, tumulo pa din ang mga ito.

"fcvk this, fvck you Drake. Ayoko nang masaktan ulit. fvck you heart!" mahina naman nyang bulong sa kanyang sarili habang hinahampas nya ang kanyang dibdib.

Ilang minuto pa ang nakalipas at narinig na nya ang katok mula sa pintuan... Si Drake.

''Please open the door, Ali. Let's talk. Please. I'm so sorry kung nabigla ka sa ginawa ko but please.. Let' s talk". Nagmamakaawang pakiusap ni Drake.

Binuksan naman ni Ali ang pinto, at pinunasan nya ang kanyang mga mata na kanina lang ay tumutulo ang mga luha.

"Baby.." ani Drake

"Sana hindi nalang ako bumalik. Sana hindi nalan kami bumalik ni Bullet dito sa Pilipinas. Sana hindi ako nasasaktan ngayon". Malungkot na sabi ni Ali habang nagsisimula nanamang tumulo ang kanyang mga luha.

"In the first place bakit ka ba umalis? Bakit mo ko iniwan? Okay na okay tayo di ba? The night before you fuckin' disappeared masaya tayo tapos paggsing ko wala ka na? Kahit anong hanap ko sayo hindi kita makita. Alam mo kung anong masakit don? Buntis ka! Nagtago ka, hindi ko alam kung anong dahilan mo pero iniwan mo ko. Ilang taon, Ali! And here I am, humihingi ng chance pero hindi pwede? Bakit? Sabihin mo Ali! Bakit hindi? Ano bang ginawa ko?! " frustrated na tanong ni Drake sa kanya.

"Ginawa mo? Hindi mo alam? Please, Drake! Gusto mo ba iumpog kita sa pader para maalala mo kung anong ginawa mo the night bago ako magdecide na iwan ka? Huh?" galit na sagot ni Ali sakanya.

Lalapitan na sana nya si Drake para sampalin nang biglang pumasok si Bullet sa kwarto.

" Mommy? Daddy? Are you fighting? "nagtataka na tanong sakanila ng can bata ha ang nagpapalipat lipat ang tingin nito sakanilang dalawa.

Agad naman kumalma ang dalawa, lalo na si Ali at nilapitan ang anak at niyakap ito.

"It's nothing baby. We're just talking" ani Ali at hinalikan ito sa noo pagtapos.

"You can leave now, Drake." Matabang na sabi ni Ali kay Drake.

Wala namang magawa si Drake at umalis nalang ito.

Naughty GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon