Chapter 30

3K 31 8
                                    

HABANG inaalis ni Fiam at Ali ang mga bulaklak at balloons sa living area, si Bullet naman at abala sa paglalaro ng kanyang robot. Ilang minuto lang ay may kumatok sa pinto nila. Sa pag aakala na si Drake ang kumakatok, hindi ito pinansin ni Ali at patuloy lang ito sa paglilinis.

"Girl, buksan mo na kaya baka si Drake yun", ani Fiam kay Ali.

"Hayaan mo sya magsasawa din yan", sagot naman ni Ali.

Nagkibit balikat lang ito ngunit palakas pa rin ng palakas ang katok sa pinto. Hanggang tumakbo na si Bullet at sya na ang nagbukas nito.

"NOOOOOOO!", sigaw ni Ali sa pag aawat sana sa anak ngunit huli na ang lahat, nabuksan na ito ng kanyang anak.

"Papa!!!" sigaw ni Bullet nang makita na ang tao sa labas ng pinto ay si Franco. May bitbit itong dalawang box ng donut at sa isang paper bag. Malaki naman ang ngitin nito sa bata at nagyakapan sila.

"Hi Bullet!, masayang bati ni Drake. Here's for you. At inabot nito ang donuts sa kanya.

"Oh Franco! Ikaw pala, akala kasi ni Ali, yung ex nya yung kumakatok kaya hindi namin pinapansin. Alam mo na, nag away nanaman sila. Sabay ngumuso sya kay Ali na seryosong naglilinis.

Tumingin naman si Franco kay Ali na para bang pinag aaralan nito ang reaction ng kanyang mukha at dahan dahan na lumapit dito. Inangat nito ang mukha ni Ali at hinawi nito ang buhok na nakaharang sa mukha nito.

"Hey. It's okay. Smile ka na, please?" ani Franco kay Ali.

Napapikit nalang si Ali at napangiti sabay hawak sa kamay ni Franco sabay sabi "Okay okay.. Thank you, Franc. Thank you always." at ngumiti ito pabalik kay Franco.

''Here. " ani Franco nang iabot nito ang paper bag sakanya.

Nang kuhanin ni Ali ang laman ng paper bag, nagtataka syang napatingin at nagtanong kay Franco.

"Dress? For what?" ani Ali.

"May pupuntahan ako na party sa isang araw. Sasama ka. You will wear that." sagot naman ni Franco sakanya.

Naughty GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon