Chapter 21

16.4K 130 4
                                    

It was Friday night..

Nagkayayaan ang magkakaibigan na pumunta sa bar. Kasama din si Drake at Gino. Habang busy sa pagbi-billiards ang mga lalaki, nakaupo lang sa table si Ali at Fiam. Si Fiam, nakakailang bote na ng beer pero si Ali ay nalumulutan lang. Di nya alam kung bakit di na nya trip ang alak. Lalo na yung amoy nito. Iritang irita sya.

Bumalik na sa table nila sila Drake at nagtataka ito kung bakit mukhang inip na inip na ito.

"Baby?" ani Drake.

"Hmm?" sagot naman ni Ali.

"What's wrong? Ayaw mo uminom? Gusto mo na ba umuwi? May problema ba ang baby ko? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Drake.

"Chill baby.. Wala lang ako sa mood. I feel so sleepy lang talaga siguro dahil sa puyat lang. Dont worry" nakangiting sagot naman ni Ali.

"Parang palagi ka nalang inaantok? Ok ka lang ba talaga?" usyoso naman ni Gino. "Magpacheck up ka kaya baka kelangan mong magtake ng gamot".

"Oo nga sis. Sa school ganyan ka din parang pagod ka palagi. Pero ang lakas mo kumain ha infairness" pang aasar naman ni Fiam.

"Relax guys. Im okay. Tulog lang ang kelangan ko." ani Ali.

"Tol wag mo kasi puyatin" nakangising sabi ni Gino kay Drake.

"Gago ka talaga" sabay taas ng gitnang daliri nya kay Gino.

HINDI na rin sila nagtagal sa bar. Sabay sabay silang lumabas at pagdating sa kanya kanyang sasakyan, nagkanya kanya na sila ng uwi.

Nang makarating sa condo si Drake at Ali, dere deretso lang ang dalaga sa kwarto at hindi na nakapagpalit ng damit. Paglapat palang ng likod nito sa kama ay nakatuloh ito agad. Mahina namang napatawa si Drake. Isa isa nyang inalis ang damit nito at saka pinalita. Pagkatapos ay kinumutan nya ito.

Lumabas sa sa kusina para magtimpla ng kape bago matulog. Chineck nya din ang cellphone nya at nakita na madaming texts si Zoey sakanya. Pero sa halip na basahib nya ang mga ito, dinelete nya agad lahat dahil na tin sa pagkainis nya. Ilang minuto lang, bumalik na sya sa kwarto at tinabihan na si Ali sa pagtulog.

It's only 6am in the morning pero napakaingay na ng doorbell. Akala ni Ali aya nananaginip lang sya pero pagdilat ng mga mata nya, naririnig nya talaga ang tunog ng doorbell. Mukhang kanina pa ito tumutunog.

"Shit! Ang aga pa sino naman kaya yun?" inis na bulong nya sa sarili nya. Maingat nyang inalis ang braso ni Drake na nakayakap sakanya at saka sya naglakad papunta sa pinto.

Pagkabukas nya ng pinto, gulat na gulat ang babae sa pagkakita sakanya ngunit bigla din itong napangiti. Na parang nang iinis. Hindi nya alam kung bakit parang hindi mapalagay ang kalooban nya sa babaeng yon.

"Oh, hi? So where's Drake?" tanong ng babae sakanya. Bago magtanong ang babae, tiningnan muna sya nito mula ulo hanggang paa na para bang minamaliit sya.

"Sleeping. And you are?" naiiritang tanong naman ni Ali sa babae.

"Zoey. Kukuhanin ko lang sana yung mga damit ko. Pwede bang gisingin mo si Drake?" ani Zoey na nakangisi pa.

"Damit?" naguguluhang tanong ni Ali.

"Yeah.. Oh wait. Di nya ba nakwento na bago ka nya dinala dito, ako yung nauna. We kissed..hugged..fucked.. Sa buong condo kahit saang sulok nito inangkin nya ko. And it was oh so rough and i liked it. Oh and hell, kahit sa parking lot ginagawa namin yun. Actually last week lang pinuntahan ko sya dito. Tulog na tulog ka kaya pinuntahan nya ko sa parking lot. And yeah, we fucked. Ganun nya ko kagusto. Actually, dinala nya din ako sa favorite place nya. Kung hindi ka pa nya nadadala doon hindi ka ganon ka special sakanya. So pwede ba gisingin mo na sya ha? And duhh.. tumabi ka na dyan dahil hindi ako makapasok." sagot ni Zoey.

Halos hindi makagalaw si Ali sa mga pinagsasabi sakanya ng babae na nasa harapan nya. Pakiramdam nya ay nabingi sya sa mga narinig nya. Gusto nyang magwala at umiyak pero may tiwala sya kay Drake kaya hindi sya magpapaapekto dito. Agad naman nyang sinarado ang pinto at pinuntahan si Drake. Pinipilit nyang pakalmahin ang sarili nya bago ito gisingin.

"Drake.. Baby.. Wake up baby.."

Drake just groaned...

"Drake.. Come on. Someone's looking for you. May bisita ka. Zoey daw" ani Ali.

Mabilis na napabalikwas si Drake pagkarinih ng pangalang ni Zoey.

"Fvck! What?!" gulat na tanong ni Drake.

"You heard me right. So lumabas ka na doon." matamlay na sagot ni Ali.

"Ok baby. Wait. Stay here will you?" pakiusap naman ni Drake sakanya.

"Copy".. Tipid na sagot ni Ali at bumalik na ito sa pagkakahiga habng si Drake ay lumabas na.

"Bullshit Zoey! Sinusubukan mo ba ako ha?! I told you to not mess with me pero napakatigas mo! Nagpakilala ka pa kay Ali? What now huh?! " gigil na tanong ni Drake kay Zoey nang mabuksan nito ang pinto. Hindi na nya ito pinapasok.

"Chill babe. Kukuhanin ko lang naman yung mga damit ko. Malay ko bang yung babar mo ang magbubukas." iritadong sabi naman ni Zoey.

"Fvck! Ano pang mga pinagsasabi mo ha?? Anong mga sinabi mo sakanya?!!" ani Drake na nakakuyom na ang kamao.

"Lahat nang dapat nyang malaman... Na hindi masabi sakanya. Lahat ng tungkol satin". Sagot naman ni Zoey.

"Tigilan mo na to Zoey! Umalis ka na sa harapan ko bago pa kita masaktan! Ayoko na makita yang pagmumukha mo! Please lang habang nakakapagpigil pa ko." madilim na ang mukha ni Drake at kahit anong oras ay masasaktan na nya si Zoey pag hindi na ito nakapagpigil pa.

"Fine! Aalis ako ngayon pero babalik ako. Iiwan ka din ng babae mo. Tandaan mo yan. Babalik ka din sakin. Alam ko naman na isa nanaman to sa mga laro mo eh. So i bet hindi mo pa sya nadadala sa special place mo dba? Kasi naglalaro ka nanaman. Oh well, bye for now", at umalis na si Zoey. Pero bago ito umalis ay mabilis nitong nahalikan sa labi si Drake.

Nang makabalik sa kwarto si Drake, nakita nya si Ali na nakaupo sa kama at tahimik na umiiyak....

Naughty GentlemanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora