Chapter 23

15.2K 134 0
                                    

4 years later...

Nasa mall si Gino at hinihintay nya Drake para bumili ng pangregalo sa birthday ng anak ng isa pa nilang kaibigan. Habang naglalakad sya ay busy sya sya pagkalikot sa cellphonr nya. Maya maya ay may bumangga sa kanyang harapan.

"Ouch! What the f---" hindi na nya naituloy ang sasabihin nya nang makita nyang isang cute na batang lalaki pala ang nakabangga sakanya. Buti nalang napatingin agad sya kung hindi ay nakapagmura pa sya sa harap ng bata at alam nyang hindi maganda yon dahil lay anak din sya at ayaw nyang makakarinig ang anak nya ng mga ganoong salita. Sa halip ay napangiti nalang sya at kinausap nya ito.

"Hey kiddo. Be careful next time okay? Nasaan ba ang mommy mo? Bakit mag isa ka lang?" tanong nya sa bata.

Pero sa halip sa sumagot ay nakatitig lang ito sa kanya.

"Hey are you okay? Ahm. Bingi ka ba or what? Mind talking to me?" he asked.

But still nakatingin lang ito sakanya hanggang sa bumaling ang tingin ng bata wa likuran nya at bigla itong nagsalita.

"Daddy..."

"Huh? Daddy mo? Asan?" tumingin sya sa likod nya at nakitang si Drake ay nakatayo at nakatitig sa bata.

"Daddy.." ulit ng bata habang nakatitig kay Drake.

Nagtatakang lumapit naman sa bata si Drake at kinausap ito. Si Gino naman ay gulat na pinagmasdan lang ang dalawa.

"Did you just call me your Daddy?" nakangiting tanong ni Drake sa bata.

"I love you Daddy.." sambit ng bata at niyakap sya bigla sa mga binti. "my daddy.. "

Hindi alam ni Drake kung anong itutugon nya sa bata pero  niyakap nya na din ito. At hindi nya maipaliwanag kung bakit parang biglang lumambot ang puso nya. Isa siguro sa dahilan ay ang malaking pagkakahawig nya dito.

"Bullet!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae.

Nagulat silang dalawa ni Gino nang lumapit ito at mabilis na hinila si Bullet sa pagkakayakap sakanya.

"Fiam?.." sabay na tanong nila.

"Yes? Ahm. Hi? How's life? Oh Im sorry about Bullet. Sabik lang sya sa Daddy nya. Oh! Ahm we have to go." nagmamadaling paalam ni Fiam.

"Anak mo?" tanong ni Drake.

Ngiti lang ang itinugon ni Fiam sakanilang dalawa at malalaki ang mga naging hakbang nito palayo sakanila habang binuhat na nito si Bullet. Si Bullet naman ay nakatitig kay Drake at nakangiti pa ito habang nagbababye.

Napailing nalang ang dalawa nang tuluyang nang mawala sa paningin nila si Fiam at Bullet.

"Of all the people na makikita natin si Fiam pa? At may anak na pala? Friend ko sya sa facebook pero never naman syang nagpost about her having a kid. So kung andito na sa Pinas si Fiam tingin mo andito rin kaya si Aliah?" Gino asked Drake.

"Bud. I dunno. Naguguluhan ako. Parang may mali e. Di ko lang ma explain. Iba yung pakiramdam ko sa batang yon. Bullet.. Ang cute nya bud."Drake answered him smiling.

" Mag anak ka na din kasi bud! Inggit lang yan! Isipin mo nalang kung gaano mas magiging masaya ka pag may totoong anak ka. Hirap sayo kuntento ka na sa pgiging ninong! "pang aasar ni Gino.

" Fvck you! Alam mo naman kung kanino ko lang gustobg magkaanak. Pero mukang hindi na mangyayari yon. Di ko alam pero umaasa pa din ako. Tanga na kung tanga pero andito pa rin sya bro. " sabay turo sya sa dbdib nya sa may parteng puso nya.

"Oh tama na nga yan! Mamaya maglasing ka na naman ako nanaman tagalinid ng lga babasagin mo! Let's just go to the Toy Store para makaalis na tayo ar umabot pa sa party ng anak ni Charlie." ani Gino.

"yeah right." Drakr chuckled.

Naughty GentlemanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora