Chapter 27

20.5K 278 130
                                    


Sorry for the late update guys!
Enjoy reading📖🥰

Natulala si Drake nang makita ang isang binata na bumaba mula sa isang kotse sa labas ng bahay ni Ali. Ang ikinagulat pa nya, ay ang pagkuha nito ng isang boquet ng bulaklak habang nakangiti at dere deretso na naglakad patungo kay Ali.

"Franco? Oh my gosh, kelan ka pa umuwi? Sana nagsabi ka para nasundo ka namin sa airport!" sabi ni Ali at wala sa sarili itong napayakap sa binata.

"Syempre surprise nga di ba? Ang sweet mo talaga, gusto mo pa talaga ko sunduin ah. Baka lalo akong ma fall nyan sayo di na ko umalis dito. " Nakangisi na sagot ni Franco.

Nakakunot naman ang noo ni Drake habang nakatingin sa dalawa at nameywang na ito sabay sabi na  ''Am I watching some corny teleserye here? What the fvck is goin on? Who the fvck is that guy, Ali?!''

Sabay naman napatingin sakanya ang dalawa at nang napagtanto ni Ali na nakayakap sya kay Franco, agad nya syang umalis sa pagkakayakap dito.

"Oh, sorry. Anyway, this is Franco-----

Pero bago pa nya matapos ang sasabihin nya biglang sumingit si Franco at nagsalita,"his future husband" sabay abot ng kamay kay Drake para makipagshake hands. Pero binalewala ito ni Drake.

"Are you two already engaged?!" gulat na tanong ni Drake.

"Hindi pa, pero pipilitin ko. You see, Ali deserves nothing but all the best in life at yun ang ginagawa ko... At gagawin pa. It's really not an issue kung may anak na sya because honestly tanggap ko si Bullet, sobra. Nakita ko lahat ng pinagdaanan nya hanggang sa lumaki si Bullet..

... #And it would be nice if we are going to be a family". Sagot ni Franco kay Drake.

"Family huh? Nagpapatawa ka ba? Hindi ikaw ang kukumpleto sa family nila dahil hindi ikaw ang daddy ni Bullet. Oh by the way, I'm Drake Corpuz. I'm the daddy at ako lang ang magiging daddy ng mga magiging anak pa nu".Gigil na sagot naman ni Drake kay Franco.

Bago pa man makasagot ulit si Franco, biglang lumabas sa kwarto si Bullet. Nang makita nito si Franco, agad itong tumakbo palapit sa binata nang hindi na napansin si Drake.

"Papa! Papa! papa!" magiliw na sigaw ni Bullet at yumakap agad kay Franco.

"Hey baby, i miss you.. And your mommy". Sabay tingin at kindat kay Ali.

Asar na asar si Drake na lumapit kay Ali, "papa?! Ano nanaman ba to? Bakit tinatawag syang papa ng anak ko?!" ani Drake.

"Long story Drake. I'll tell you some other time. At..... Mabait si Franco.. Kaya wag kayo mag aaway sa harap ng anak ko kung hindi papaalisin ko kayo pareho dito." pabulong na sagot ni Ali.

"For God's sake Ali. I can have all the time in the world para makinig sa mga ikukwento mo. Madami akong hindi alam. Madami akong hindi maintindihan. At... Yan ang paalisin mo wag ako." nakasimangot na bulong naman ni Drake kay Ali.

Napailing iling nalang si Ali at tinawag na si Bullet.

"Bullet, baby.. Come here. Your tito Franco needs to rest first, okay?" ani Ali kay Bullet.

"Ok mommy". Agad naman lumapit si Bullet sa kanya.

"So Franc, may hotel ka na ba? San mo plano magstay? Gano ka pala katagal dito?" tanong ni Ali kay Franco.

"Actually meron na. Pero kung pipilitin mo ko na magstay dito, and kung okay lang naman yun sayo kasi miss na miss ko na talaga kayo, why not sweetheart?" sabay kindat kay Ali.

"Hey! Gusto mo ba??!" maangas na tanong naman ni Drake.

"Oh!, Awat na guys! Haba na ng hair ni Ali naaapakan ko na. Umuwi na muna kayo pareho para makapagpahinga na kami! Tsupi! Tsupi!" pabirong pagtataboy ni Fiam sa dalawa.

"Relax bud. Wala pa nga akong ginagawa naghuhurumintado ka na." pang aasar ni Franco kay Drake. "Anyway, I need to go na Ali, let's catch up some other time, okay? I need to settle some things din."

Bullet came to him to give him a hug.

"Bye papa.." Bullet said

"See you again, Bullet.." and Franco gave him a kiss on his forehead.

"See you again, too.. Ali. Remember I'm just one call away, okay? Pag may nambwisit sayo sa tabi tabi tawagan mo ko agad ha" natatawang sabi ni Franco kay Ali. And he gave him a hug and a kiss on her cheek.

Hanggang sa makaalis si Franco, nakasimangot lang si Drake. Masama din ang tingin nya kay Ali na parang kakainin nya ito ng buhay......

~Ano kayang mangyayari guys!? 🤗😂

Sorry super late ng update ko. Naconfined kasi ako for Blood Transfusion kaya need ko talaga magpahinga ng bongga! ❤️

Naughty GentlemanWhere stories live. Discover now