Chapter 28

13.2K 175 87
                                    

📢Nagstop ako mag update kasi unang una, mahirap magsulat ng stressed. Gusto ko lang magsulat ng gusto ko. Di ko inexpect na madami din ang makakabasa and Wala naman akong inobliga na magbasa ng story na to. Thank you sa mga nakakaappreciate at nagsasuggest pa ng ibang pwedeng maging twist ng story! ❤️ All I want is to express myself, lahat ng ideas ko, ng mga naiisip ko. But apparently, Im currently dealing with  those people who keep on sending me hate messages and comments, at naoOAyan daw sa story pero umabot ng ilang chapter 😒 Im losing my patience that's why nagpapahinga muna ko kaso sobrang negative vibes lang, baka kung ano pang maisulat ko. Again, wala akong pinilit magbasa sa story na to. At salamat sa mga nakakaappreciate! Sa mga gusto pang magbasa, sorry natagalan pero mag aupdate na ko! Thank you! Love! ❤️🙏

-----------------------------------------------------------------------

NAGISING si Ali na wala sa tabi nya si Bullet. Inikot nya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kanilang kwarto ngunit wala talaga ang kanyang anak. Kaya naman agad agad syang tumayo para lumabas ng kwarto.

"Bullet? Baby?" tawag ni Ali sa kanyang anak at pagbukas nya ng pinto, napatunganga nalang sya sa kung anung nasa sala nila.

Punung puno ng mga bulaklak ang kanilang sala. Isama pa ang pink, white and silver balloons na nasa sahig at nasa kisame. At sa sofa, andun si Bullet nakaupo katabi ang isnag malaking teddy bear at malaki ang ngiti nito.

"Mommy! Good morning mommy!" masayang bati sakanya ni Bullet.

"What are these baby?" nagtataka namang tanong nya kay Bullet.

Nakangiti lang si Bullet nang may narinig syang sumisipol sa bandang kusina nila. At doon, lumabas si Drake na shirtless habang naka black jogger pants. Sa kanang kamay nito ay may bitbit itong plato na may mga pancakes at sa kaliwang kamay naman ay may hawak nitong bote ng nutella. Nang magtama ang kanilang mga mata, kinindatan naman sya ng binata. At sa hindi malaman na dahilan, agad syang nakaramdam ng malakas na kaba sa kanyang dibdib na tila ba'y may malakas na kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan..

Naughty GentlemanWhere stories live. Discover now