Chapter 2

42.2K 209 0
                                    

'' Arghh! Shit ang sakit ng ulo ko! '' Gigil na gigil si Aliah sa sarili nya dahil sa pag iinom nya kagabi. Wala syang ginawa kundi mag inom at kumain ng sisig at nagfacebook dahil sa gusto nyang umiwas sa mga lalaki doon sa bar. She's forcing herself to remember kung paano sila nakauwi.

Agad na kinuha nya ang kanyang cellphone sa ilalim ng unan at tinawagan nya si Fiam.

After ten rings.. Fiam finally answered her call..

"What the hell Ali?! Alam mo ba kung anong oras pa lang!?" ani Fiam na gigil na gigil sa pagtawag nya. "Ang sakit ng ulo ko Ali! shit naman! Just make sure importante yang pag-abala mo sa pagpapahinga ko ha?! Now talk. ''

" Well.. Ahmm.. Fifi? Pano ba tayo nakauwi? I mean, we're both drunk and wasted so i'm freakin' sure na wala naman nakapagdrive sa ating dalawa.. Ahmm.. So.. Pano ba? Can you tell me? '' tanong nya kay Fiam..

Ilang segundong natahimik sa kabilang linya si Fiam.. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

'' Sis nakadrugs ka ba kagabi? Ako pa talaga yung tinanong mo? Ikaw yung nagpasundo kay kuya. Gulat na gulat ako last night when I saw him at the bar lalo na nung lumapit sya satin tapos may binulong sya sayo. After that tawa ka ng tawa tapos kinausap nya ko na ihahatid nya daw tayo. Uunahin nya ako tapos ikaw. I can't resist kasi hindi ko na rin kaya magdrive sis. So I left my car there at pinabalikan ko nalang sa pinsan ko." ani Fiam sakanya.

Natahimik sya ilang segundo sa mga nalaman nya habang pinipilit nyang alalahanin ang mga pangyayari kagabi.

" Ahmm.. Sis? Sabi mo 'kuya'? Sinung kuya yung sumundo sa'tin? Pinsan ko ba or pinsan mo? Kasi wala naman tayong kapatid pareho na lalaki dba? '' naguguluhan nyang tanong kay Fiam.

'' Oh my gosh sissy. I'm pertaining to kuya Drake. Drake Corpuz.. He's the brother of my ex boyfriend - - Timmy. Kaya nga nagulat ako bakit sya yung sumundo. I mean.. Wala ka namang nakukwento sa akin na nag uusap kayo or magkakilala personally kasi as far as i remember sa pictures ko lang sya naintroduce sayo. Nung kami pa ni Timmy'' paliwanag sakanya ng kaibigan.

Natulala sya sa mga naririnig nya kay Fiam at agad nyang pinutol ang tawag nang hindi man lang nakapagpaalam kay Fiam.

Agad agad nyang inopen ang facebook app sa cellphone nya to confirm something and her eyeballs were about do drop nang makita nya kung ano ang nasa messenger nya.

Naughty GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon