Euphoria

3.7K 112 17
                                    

Euphoria ( /juːˈfɔːriə/ ( listen)) is the experience (or affect) of pleasure or excitement and intense feelings of well-being and happiness. Certain natural rewards and social activities, such as aerobic exercise, laughter, listening to or making music, and dancing, can induce a state of euphoria.

Well in my case helping my co-athletes is my euphoria. Dr. Pauline Paras at your service. After UAAP days, nag focus na kami sa mga pangarap namin. Ako bilang Sports Medicine Doctor. It's been years since nung nag kagulo ang barkada parang Avengers:Civil War ang nangyari, madaming nawala, madaming nasaktan, madaming mga katanungan na walang sagot at after nun ang daming nagbago. Some of us, wala ng communication, di na namin alam kung san na yung iba.

Kaya ako focus na lang sa work at sa husband ko na si Kobe. 2 years na ako dito sa MMC, pero konti lang nakakasalamuha ko. Yung ibang doctors nga di ko kilala. Sa dami kasi ng empleyado dito alangan naman iisa-isahin ko pa.

Speaking of ibang doctors, a couple of months ago may dalawang doctors kami na bagong hire. One of the best dw sa kanilang field, magaling din naman ako ah. Yung isa cardiothoracic  surgeon and the other one is an orthopaedic surgeon pero kahit isa sa kanila wala pa akong nakikila even their names di ko alam. Well, bahay - hospital - bahay lang naman kasi ako, minsan na lang din kung lumabas.

Andito din pala sa MMC si ate Den na isang pediatrician pero minsan lang kami magkita, ang lawak kasi ng hospital. Tsaka busy din yun sa anak nila ni ate ly.

I was surprised last week when Jema and Celine shows up at my clinic. Jema got injured pala while playing sa PVL, buti at minor injury lang so rest and rehab ang advice ko, no need na ng surgery at today ang start ng rehab niya.

Since 3pm pa naman ang sched ni Jema at ako ay gutom, punta na lang kaya muna ako ng cafeteria. I ordered a clubhouse sandwhich and calamansi juice para healthy kunwari. I was busy eating ng may umupo sa harapan ko.

Gaston este Paras, dito lang pala kita makikita. Kanina pa kita hinahanap. Boses pa lang kilala ko na. Walang iba kundi ang Iron Eagle. Dr. Dennise Lazaro - Valdez.

Ate den! Namiss kita sobra. Huhuhu. Oh, why are you looking for me pala? I hug her tight and fake cry. Which makes her laugh.

OA mo po. Batukan kita jan. Well, since it's friday. We decided na mag friday night out, just like the old times. Bea, Maddie, Amy, Ella and the rest already says yes, ikaw na lang ang kulang. So are you in or are you in? Ah. Kaya pala. May gala ang tropa. When was the last nga ba? I can't remember na rin eh.

Ahm. May client pa kasi ako baka matagalan. I'll try humabol na lang just text me kung where. I explained kasi nga, diba appointment with Jema.

Pongs, it's friday. Minsan lang to and I won't take no for an answer. So, I'll see you then. Bye na may clients pa ako nag aantay sa clinic. Ayan an po ang ma owtoridad na boses ni ate den. Wala na tayong kawala jan. Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo na ito at naglakad palabas ng cafeteria pero bago pa man din siya makalabas ng pinto ay may pahabol pa ito.

And oh by the way, may surprise ako sa inyo. So, you better come Paras!

Ate den talaga di ka maka hindi. But, okay na din yun. Namiss ko din naman sila. Ano kayang surprise niya sa amin.

Exactly 3pm ng dumating sina Jema and Ced. They look happy together, iba ang aura. Sila na cguro, matanung nga maya. Work muna tayo.

And one more time. . . Okay slowly . . . Kaya pa? Kunti na lang Jems. . I asked Jema while assissting her. Di pa pwede pwersahin kahit kaya na niyang maglakad ng di gumagamit ng saklay ay dapat dahan dahan parin.

The Doctor is IN💙Where stories live. Discover now