Chapter 6

1.2K 47 3
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Psyche POV

"Hey.... Beautiful beautiful beautiful beautiful angel.... Love you're imperfections every--"

"Matthew ang aga aga nambubulahaw ka." Naka pikit kong wika habang kinakamot ang pwet ko.

"Bulahaw talaga? Kinakantahan ko lang ang napaka gandang angel na nasa harap ko." Idinilat ko ang aking mga mata at agad na nakita ang kulay kayumangging mga mata ni Matthew.

"Angel? Kelan pa naging Angel ang pangalan ko?" Tanong ko at umupo sa kama saka tinignan sya. Natawa naman siya at lumapit sakin saka inayus ang buhok ko.

"Slow." Wika niya saka naka ngiting humarap sakin.

"Good morning Sunshine." Wika niya na ikina kunot ng nuo ko.

"Kanina Angel ngayun Sunshine? Matthew nasa GMA si Sunshine Dizon at si Angel Locsin nasa ABS-CBN  wala sa harap mo. Abnormal ka?" Tanong ko na nag pahagalpak ng tawa nya.

So anong nakakatawa?

Tinignan ko siya ng sobrang sama na nag patigil sa kanya.

"Psyche ko... Ikaw yung Anhel at Sunshine na sinasabi ko." Sabi niya at kinurot ang ilong ko.

Tinignan ko lang sya ng masama saka muling humiga sa kama at nag takip ng unan sa mukha.

Eh kung hindi nalang siya kumanta sana di ako nagising. Abnormal. Kung kelan nasa part na ako ng panaginip ko na pagawa na kami ng baby saka siya kakanta.
Napadilat ako bigla saka muling naupo sa kama at humarap sa kanya.

"Alam mo ba nanaginip ako." Sabi ko. Tumingin siya sa akin na parang inaabangan ang sasabihin ko.
Umupo siya sa likod ko at kinuha ang suklay na nasa tabing kama lang saka sinuklayan ang buhok ko.

"Anong panaginip mo?" Tanong niya

"Yung una kong panaginip is may nag aaway daw tapos namatay ka." Kwento ko dahilan para batukan niya ako.

"Aray! Kelan ka pa natutong mamatok?" Irita kong tanong saka hinimas ang batok ko

"Abnormal ka ba? Anong patay mga pinag sasabi mo jan." Irita niyang sabi.

"Di pa kasi ako tapos abnormal" sabi ko

"Ay di pa ba? Sige kwento mo lang. Tapos anong nangyare?" Tanong niya saka muling sinuklayan ang buhok ko.

"Yung pangalawa kong panaginip is umulan daw ng pagkain tapos ikaw tumaba ka daw as in sobrang taba tapos pumanget ka kaya nakipag break ako sayo." Kwento ko dahilan para isagad niya sa anit ko ang suklay.

"Aray! Maka suklay ka naman parang nangunguha ka ng kuto ah!" Inis kong sabi saka hinarap siya. Nakita kong sobrang talim ng titig niya sakin kaya tinignan ko din siya ng mas matalim

Sige! Mag sukatan tayo ng tingin kala mo ha.

Bigla siyang nag pout at hinila ako saka niyakap ako ng mahigpit.

"Ano ba naman kasi yang mga bagay na napapanaginipan mo? Una namatay ako tas pangalawa nakipag break ka sakin. Wala na bang ibang magandang panaginip ang napaginipan mo?" Parang bata niyang sabi.

Agad akong kumalas at naka ngiting tumingin sa kanya.

"Meron pa yung last is kinasal daw tayo tapos mag hohoneymoon daw tayo." Sabi ko na nag pangiti sa kanya. "Ang kaso nong pagawa na tayo ng baby bigla kang kumanta kaya di natuloy." Sabi ko dahilan para madissapoint siya.

"Oh ba't ganyan mukha mo? Ikaw naman may kasalanan." Sabi ko.

"Sabi kasi ni Jello kantahan daw kita pag gumalaw ka." Sabi niya kaya tinignan ko siya.

"Ay alam mo ba yung kasabihan?" Tanong ko na nag pailing sa kanya.

"Sabi nila kabaliktaran daw ng panaginip ang mangyayare. So hindi ka mamamatay hindi tayo mag brebreak at hindi tayo ikakasal kaya congrats!" Sabi ko at tinap ang balikat niya.

Mas lalong dumilim ang awra niya sa huling sinabi ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Aarte ka nanaman ba?"tanong ko.
Sa halip na sumagot siya ay tinalikuran niya ako at tumayo.

Aba! Tinatalikuran na ko!
Sa sobrang inis ko tumayo ako sa kama at bumaba don saka hinarap siya at hinarangan saka tinulak pahiga sa kama.

Bwisit ka ha tinatalikuran mo na kong hayop ka lagot ka sakin

"May gana kang talikuran ako lalaki." Seryoso kong sabi habang naka tayo sa harap niya.

Nakita ko ang pag taas baba ng adams apple niya habang naka tingin sakin.

"Ayaw na ayaw ko sa lahat eh yung tinatalikuran ako." Pumatong ako sa kanya at kinuha ang dalawang kamay nya saka pinako sa kama gamit ang kamay ko.

"Inaartehan mo ba ko lalaki?" Seryoso kong tanong saka inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nakita ko kung pano siya mapalunok.

"Nakakainis ka kasi ih sabi mo di tayo ikakasal. So hindi din tayo makakagawa ng anak natin. Ayoko ng idea na yub Psyche ko." Sabi niya.

"Eh di gumawa na tayo ngayun." Sabi ko na nag papula sa kanya. Natigilan ako ng may maramdaman akong matigas na bagay sa pwet ko. Napatingin ako kay Matthew na pataas baba ang adams apple

Saka ko lang naalala na naka suot ako ng malaking white T-shirt at naka panty lang sa pang ibaba.

Halos mapa mura ako dahil hindi ko alam kung pano aalis sa ibabaw niya.

"Shit! May live porn!" Agad ko siyang naitulak at agad akong tumayo saka niyakap ang sarili ko saka tumingin sa pintuan kung saan naka tayo si Jello. Nakita ko kung pano pumasok si Neon Jorgie at kuya.

"PANAGUTAN MO SIYANG HAYOP KA!" Agad na intro ni Kuya habang naka turo ang kamay kay Matthew na naka higa sa kama.

"Ako ninang ha" Neon

"Ako na bahala sa kape" Jorgie.

"Ako na pari!" Jello

"The fuck?" Tanong ni Matthew at tumayo na sa kama.

"Walang nangyare samin" sabay naming sabi.

"ANONG WALA?!" tanong ni Kuya at tinignan ako

"Nasan ang short mo Psyche?! Bakit naka underwear ka lang?!" Bulyaw sakin ni Kuya.

"Hinubad ko kasi ma--"

"Kasi mag sesex sila!" Singit ni Jello na iiling iling

"Oh see may mangyayare palang sa inyo! Hindi ako papayag nento" umiiling na sabi ni Kuya saka humarap kay Matthew.

"Mag papakasal kayo ngayun sa ayaw at sa gusto niyo. That's it I'm fucking serious here." Seryosong sabi ni Kuya saka humarap kay Jello.

"Tawagin mo si Father Jon Neon mag paapoint ka sa manager ng lugar na ito Jorgie tawagin mo ang mga pamilya ni Matthew... Sabihin mo  ikakasal na ang anak nila." Seryosong sabi ni Kuya bago umalis

Halos manlaki naman ang mga mata ko ng makita ang ngiting demonyo ni Jello.

"JELLO!" Sabay naming sigaw ni Matthew.

Nag swag pa si Jello bago ito tumakbo palabas ng kwarto ko.

~~~

Tweet me @redious_in
Fb: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

She's My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon