Chapter 17

868 27 0
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Psyche POV

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko agad ng makita ko si Michael na naka ngiting naka upo sa table habang kumakain ng potato corner at may chocolate Zago na katabi.

"Nope." Naka ngiting sagot niya. Umupo ako sa tapat niya saka kumuha ng fries.

"Ba't nga pala ngayun ka lang?" Tanong niya.

"Pumunta pa ako ng seminteryo, alam kasi ni Matthew na doon ako pupunta." Sabi ko saka huminga ng malalim.

"Fries pa? Bibili nalang ako ulit." Sabi niya at akmang tatayo na ng pigilan ko siya.

"No, wag na Michael, hindi rin naman ako mag tatagal." Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya.

"Nag punta lang ako dito kasi may gusto akong itanong sayo." Sabi ko kaya tumango tango siya.

"Sino ka ba talaga? At ano ka ba talaga sa buhay ko?" Deretsang tanong ko habang naka tingin sa kanya ng seryoso.

"Anong ibig mong sabihin sa mga tanong mo?" Tanong niya.

"Sumagot ka nalang." Sabi ko.

"Okay... Sige sasagutin ko yan kung sasagutin mo ang tanong ko." Sabi niya.

Napa irap ako.

"Kasi.... Kasi ikaw yung nasa panaginip ko, simasabihan kitang Babe at i love you sa panaginip ko. Eh hindi naman ikaw ang nobyo ko diba?" Tanong ko. Nakita ko kung pano lumungkot ang mukha niya saka huminga ng malalim.

"Sa palagay ko... Talagang nalason na ang utak mo." Sabi niya saka tumingin sakin ng deretso.

"Psyche hindi mo ba talaga ako naaalala?" Tanong niya at sa boses ng pagkaka tanong niya ay halatang sobrang lungkot non.

Umiling iling ako. Huminga siya ng malalim saka tumango tango.

"Psyche.... Babe, ako to'h, yung lalaking pinangakuan mo ng kasal pero hindi natuloy." Nagulat ako sa sinabi niya.

"A-ano?" Tanong ko.

"Ang sabi mo sakin... Mahal na mahal mo ko at hindi mo ko iiwan." Malungkot niyang sabi saka huminga ng malalim.

"Naalala ko pa non bago ako mag punta sa ibang bansa para mag trabaho, ikaw mismo yung nag propose sakin ng kasal at talagang sa airport pa." Natatawa niyang sabi saka umiling iling.

"Bago ako pumunta sa ibang bansa. Sabi mo papakasalan mo ko pag dating ko." Sabi niya saka tumingin sakin. "Pero sumama ka sa kanya." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"K-kanino?" Tanong ko.

"Kay Matthew." Sagot niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.

"Simula palang sa una karibal ko na siya sa puso mo. Pinalayo kita sa kanya noon kasi ayokong makitang kasama mo siya kasi alam kong aagawin ka niya sakin." Sabi niya.

Nag simulang tumulo ang luha ko.

"Pero pag balik ko non nalaman kong close na kayo kaya medyo hindi ako natuwa don. Tas isang araw, nag bakasyon tayo kasama si Matthew. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun kasi... Kasi nakita kong natutulog kayo sa iisang kwarto. Sobrang galit na galit ako non kasi ang sabi ni Matthew sakin may nangyare daw sa inyo." Halata sa kanya ang pagka galit.

"Nag makaawa ka sakin na pakinggan ko ang explanation mo pero di ko ginawa. Hindi pa naman ako nakikipag break sayo non pero bakit kinalimutan mo na agad ako?" Tanong niya kaya napa hawak ako sa bibig ko at agad na hinawakan ang kamay niya.

"Ibig bang sabihin nito.... Ikaw talaga ang nobyo ko at hindi siya?" Tanong ko. Tumango tango siya.

"Pero bakit sabi niya siya daw?" Tanong ko.

"Psyche, mayaman siya at ako... May kaya lang, Psyche tinakot niya ako. Tinakot niya ako na kapag sinabi ko sayo ang totoo..... Papatayin niya ako at ang magulang ko." Takot na takoy niyang sabi.

"Kaya mas pinili kong lumayo nalang at iwan ka." Sabi niya kaya mas lalo akong naiyak.

Bakit?
Bakit nagawa sakim ni Matthew to?
Anong kasalanan ko sa kanya para gawin sakin to?
Pinaniwala niya ako na siya ang mahal ko kahit hindi naman talaga. Kahit na si Michael naman talaga ang mahal ko.

Ang sama niya, sobrang sama ni Matthew!

"Michael... I'm sorry." Umiiyak kong sabi at niyakap siya. Naramdaman kong niyakap niya din ako kaya napa pikit ako.

"Buong akala ko siya ang mahal ko dahil yun ang sinabi nya sakin pero...---"

"Shhh Psyche tama na... Wag ka ng umiyak.... Ayokong umiiyak ka." Pag papatahan niya sakin saka kumalas sa yakap ko at pinunasan ang luha ko.

"Psyche.... Sumama ka sakin, bumalik ka sakin.... Tayo naman talaga eh... Umiksena lang siya." Sabi niya kaya tumango tango ako.

"Oo Michael, sasama ako sayo." Sabi ko kaya niyakap niya ako.

Ngayun wala na akong dahilan pa para sumama kay Matthew.
Babalik ako sa kung saan ako dapat nararapat at doon yun sa tabi ni Michael.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

She's My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon