Chapter 19

819 27 0
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Matthew POV

"Ano bang nangyayare?" Tanong ni Neon at napa hawak sa ulo niya.

"Ginawa niya yun? Bakit? Baka naman may nagawa kang mali." Sabi ni Inigo kaya umiling iling ako.

Pinunasan ko ang luhang pumatak saking pisngi saka sila tinignan.

"Wala akong ginawa Inigo, ang sabi niya 'napaka sama mo dahil pinaniwala mo ko na ikaw ang mahal ko kahit na si Michael naman talaga' " sabi ko saka huminga ng malalim.

"Hindi ko alam kung anong nangyayare, wala akong alam. Naguguluhan na ako." Sabi ko saka pinikit ang mata. Naramdaman kong tinapik ako sa balikat ni Neon.

"May something." Sabi niya.

Hanggang ngayun nandito parin kami sa venue kung saan ako mag propropose. Hindi pa kami umaalis dito dahil pinapakalma pa nila ako.

Gusto kong mag wala, sumigaw at ilabas ang galit na nararamdaman ko. Pero hindi ko magawa dahil nakakasiguro ako na may rason kung bakit nangyare yun.

Pero di ko alam kung ano ba yung rason na yun.
Sobrang gulong gulo ang utak ko.

Ni hindi ko nga naramdaman ang sugat sa kamay ko kanina dahil sa sinuntok ko ang salamin.

"Sa palagay ko siniraan ka." Sabay sabay kaming napa tingin kay Jello na naka hawak sa baba niya at naka singkit ang mata.

"What do you mean?" Tanong ni Inigo.

"Kasi diba sabi mo Matthew sabi ni Psyche sayo na napaka sama mo dahil pinaniwala mo na ikaw ang mahal niya kahit na si Michael naman daw talaga?" Tanong niya kaya tumango tango kami.

"Guys alam naman natin na may amnesia si Psyche diba?" Sabi naman ni Jorgie.

"At baka inabuso ni Michael ang sakit na meron si Psyche, this past few days nag tatanong siya sakin tungkol kay Michael." Dagdag ni Jorgie.

"Sa palagay namin ni mareng Jorgie, naguluhan si Psyche tapos imbes na kay Matthew siya lumapit eh kay Michael siya mismo lumapit." Sabi ni Jello.

"At sa palagay din namin, gumawa ng storya si Michael at binaliktad ang lahat dahil alam nya siguro na may sakit si Psyche." Sabi ni Jorgie saka may nilabas sa bulsa.

"Ito, nakita namin yan kanina sa kwarto ni Psyche, dapat kanina ko pa yan ibibigay kaso busy tayong lahat kaka prepare sa proposal mo para kay Psyche kaya nakalimutan ko na din." Sabi niya. Kinuha ko yung nilabas nya sa bulsa niya at nakitang isa iyong calling card.

Calling card ni Michael.

"At saka isa pa, sure ako na hindi parin naalala ni Psyche ang lahat. Medyo naguguluhan lang siya at sinamantala yun ni Michael kaya galit na galit siya." Sabi ni Jello saka nag cross arms.

"Kailangan nating bawiin sa kanya si Psyche." Sabi ko saka tinignan sila.

"Hindi ganon kadali yun Matthew, masyadong komplekado. Nakita mo naman diba na galit si Psyche sayo dahil siniraan ka ni Michael." Sabi ni Neon.

"Pero dapat nating makuha si Psyche sa baliw na yun." Sabi naman ni Inigo.

"Baliw talaga yun." Sabi ni Jello kaya napa tingin kami sa kanya. Ningangatngat niya yung tsokolate.

"Anong sabi mo?" Tanong namin. Tumingin si Jello samin.

"Sabi ko, baliw talaga yung Michael na yun." Sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong namin.

"Luh? Di ko ba nasabi na baliw siya?" Tanong niya.

"Anong baliw siya?" Tanong ni Neon.

"Baliw yung pinasok sa mental ganon may sira yung turnilyo." Sabi niya at akmang susubo ulit ng chocolate ng batuhin ko siya ng kutsara.

"Aray naman!" Sabi niya at tinignan ako.

"Alam ko namang tinanggihan ni Psyche proposal mo pero--"

"Ibig sabihin pinasok sa mental yun?" Tanong ni Inigo kay Jello. Nag kamot ng ulo si Jello.

"Oo, bago maging sila ni Psyche, isa pa alam naman yun non ni Psyche pero sinagot niya parin si Michael, ang pag  kakaalam ko kaya pinasok non si Michael sa mental kasi muntik niya ng patayin yung baby niyang kapatid sabi niya demonyo dae yun kaya kailangan patayin. Gumaling naman ata siya--"

"ATA?!" Tanong ko at napa tayo.

"Ughm... Oo ata?"

"Tara ituro mo samin bahay non." Sabi ni Inigo at hinila si Jello.

Psyche POV

"Psyche ayus ka lang ba?" Napa tingin ako kay Michael na nag mamaneho.

"Oo." Sagot ko.

"Wag mong isipin yung nangyare kanina, tama lang ang ginawa mo." Sabi niya kaya huminga ako ng malalim.

"Kung tutuosin kulang pa nga ang mga ginawa mo kanina sa mga ginawa niya para sirain ang relasyon natin." Sabi niya kaya muli ko siyang tinitigan.

"Ilayo mo na ko dito." Sabi ko kaya tumingin siya sakin at ngumiti saka hinawakan ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay.

"Oo mahal ko, lalayo na tayo dito." Sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

"May nag hihintay na Eroplano sa airport, sasakay tayo don at pupuntang L.A" sabi nya kaya nagulat ako.

"L.A?"

"Oo Sa Los Angeles." Sabi niya.

"Bakit don?" Tanong ko. Natawa siya.

"Kasi diba sabi mo noon sakin na gusto mong mag karuon ng bahay sa ibang bansa. Kaya ayun nag patayo ako ng bahay don para matupad pangarap mo." Naka ngiti niyang sabi.

"Don tayo bubuo ng pamilya mahal ko, doon tayo mag sisimula muli at doon natin ipag papatuloy ang nauodlot nating pag ibig." Sabi niya kaya napa lunok ako.

Bakit parang nandidiri ako na ewan? Abnormal na ba ako?

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

She's My GirlfriendWhere stories live. Discover now