Chapter 10

1.1K 33 3
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Psyche POV

"Good morning Psyche ko." Naka ngiting bati sakin ni Matthew. Ngumiti ako at lumapit sa kanya saka niyakap siya.

"Anong almusal?" Agad kong tanong.

"Di mo manlang ba ako babatiin? Pagkain agad hanap mo." Naka pout niyang sabi kaya kinurot ko ang pisngi niya.

"Wag ka ng magpa cute Matthew ang panget di bagay sayo." Sabi ko at umupo sa upuan.

"Sige sabi mo eh, di nalang kita papansinin." Sabi niya at umupo sa tapat ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ang cute talaga ni Matthew ko. Good morning cute na nilalang ano kumusta tulog mo ha? Ayus ba? Anong almusal natin? Nagugutom na kasi ako." Sabi ko at natatawa kaya tumawa siya.

"Sige na kumain ka na. May pupuntahan tayo." Sabi niya kaya na excite ako bigla.

After 1 hour of preparation.

"Matthew tara na!" Naka ngiti akong lumapit sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng maka sakay ako sa loob ng kotse.

"Bibisitahin natin ang mama mo." Sagot niya at sinimulang mag drive.

Matthew POV

"Talaga? Matthew? Maganda ba si mama?" Tanong niya. Napa ngiti ako ng pilit at hinawakan ang kamay niya.

"Oo naman maganda ka eh." Sabi ko kaya mas lalo siyang na excite.

*cringgg

Napa tingin ako sa cellphone ko. Binitawan ko muna saglit ang kamay ni Psyche at sinagot ang tawag.

(Sir may meeting po kayo mamaya sa bagong business partner natin.)

"Ipa move mo ng gabi may pupuntahan pa ko." Pag kasabi ko non ay binaba ko na ang tawag saka muling binalik kay Psyche ang tingin.

"Psyche ko pag katapos nating dalawin ang mama mo pupunta tayo sa doktor mo ha." Sabi ko. Tumango tango siya.

"Ughm... Matthew... Pwede mag tanong?" Tanong niya.

"Ano yun Psyche ko?" Tanong ko

"Kasi... Kasi naman hindi maalis sa isip ko yung.." Tumigil muna siya.

"Yung?" Tanong ko.

"Yung sinabi nong Michael."

Napa tahimik ako.

"Wag mo ng isipin yun." Sabi ko.

"Matthew totoo ba na sinaktan nya ako?" Napa lunok ako at tumingin kay Psyche saglit.

"Bakit mo naman tinatanong? Psyche ko wag mo ng isipin ang kung ano man ang sinabi ng taong yun. Malay mo nag iimbento lang siya." Sabi ko at umiwas ng tingin

To be honest. Sinabi sakin ni Jello lahat. Sinabi nya sakin na Michael Luxe is Psyche's ex boyfriend. Siya daw ang dahilan kung bakit nong unang kita ko kay Psyche ay mataray at di palangiti. Siya daw yung unang kinabaliwan ni Psyche pero sinaktan nya si Psyche kasi pinag palit niya daw si Psyche sa isang Transgender woman na sobrang yaman.

Napa iling iling nalang ako.
Naiinis ako dahil nag kita sila ni Psyche.
What if maalala ni Psyche ang tungkol sa punyetang lalaki na iyon? What if siya ang unang maalala ni Psyche kesa sa mga pinag samahan namin.

She's My GirlfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang