Chapter 15

965 27 5
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Psyche POV

"Psyche ko! Buti nalang nandito ka na! I miss you!" Agad na salubong sakin ni Matthew ng maka pasok ako sa bahay.

"Miss mo ko ka agad eh ako nga sawang sawa na sa mukha mo." Pang aasar ko.

"Oh eh di lumayas ka ulit." Asar niyang sabi kaya tumalikod ako at nag lakad palabas ng pinto ng hilahin niya ko at yakapin.

"Joke lang wag kang aalis na miss kita agad." Bulong niya habang yakap ako.

"Tignan mo ginawa mo sakin, ilang oras lang tayo nagka hiwalay pero miss na kita agad." Dagdag niya kaya natawa ako.

"May pasalubong ako sayo." Sabi ko kaya kumalas siya ng yakap at tinignan ako.

"Talaga? Ano yun?" Tanong niya.

"Wait kukunin ko lang basta isara mo yung mata mo. Wag mong bubuksan yan hanggat di ko sinasabi." Sabi ko kaya tumango tango siya at sinara ang mata.

Agad akong nag tungo sa kotse at binuksan ang likod saka kinuha yung black shark na kasing laki ng tao.

"Psyche ko ano bubuksan ko na ba?" Tanong niya..

"Wait lang!" Sabi ko saka pumasok at tumapat sa kanya.

"Sige buksan mo na." Sabi ko kaya binuksan naman niya ang mata niya at natawa.

Napa lingon kami sa humagalpak ng tawa at nakita si kuya Inigo at Jello saka si Jorgie na naka tingin dito habang may papalo palo pa sa isa't isa.

"Anong meron don?" Tanong ko.

"Don't mind them. Bakit nga pala itong big black shark ang napili mo?" Tanong niya habang yakap yakap ang bigay ko.

"Kasi... May naalala ako non na yung officr mo is ang theme is Baby shark tapos naalala ko yung code name mo is Black Shark kaya ayan kinuha ko big black shark." Sabi ko saka pakamot kamot sa ulo.

"Ih di ko naman alam kung anong pwedeng iregalo sayo kasi parang nasayo na lahat eh." Dagdag ko dahilan para matawa siya.

"Thank you for This Psyche ko. I love it." Sabi niya saka niyakap ako.

"Mas natuwa ako nong sinabi mong naalala mo yung  codename ko at ang theme ng office ko dati." Sabi niya saka kumalas sa yakap.

"Wait ilalagay ko lang to sa kwarto ko ha." Sabi niya kaya ngumiti ako at tumango tango.

Napalingon naman ako ulit don sa tatlo na walang tigil sa pag tawa kaya sinamaan ko sila ng tingin dahilan para tumakbo sila ng mabilis.

Napa ngiti ako at inilagay ko ang kamay sa bulsa ko ng may makapa ako. Tinignan ko kung ano yung nakapa ko at nakita ang calling card na binigay ni Michael.

Pag kasi nakipag kita ako bukas sa kanya, malamang magagalit sakin si Matthew. Ayoko pa namang magalit sakin yun abnormal pa naman yun pag nagagalit.

Binalik ko nalang sa loob ng bulsa ko ang calling card na hawak ko saka pumasok sa loob at dumiretso sa kusina.

"Psyche ko! Tara kain tayo sa labas?" Yaya sakin ni Matthew ng maka baba siya at mailagay niya na sa kwarto niya ang stuff toy na bigay ko.

"Sige ba basta libre mo." Sabi ko at mabilis na tumabi sa kanya.

"Hahahaha alam ko namang kuripot ka. Tara." Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko at nag tungo sa loob ng kotse.

Habang nag mamaneho siya, hawak niya parin ang kamay ko at ang isa ay nasa manubela.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya kaya napa isip ako.

"Sa pokpok na clown." Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya.

"I mean Mcdo." Sabi ko kaya napangiti siya at umiling iling.

"Parang nung dati masayahinh buboyug pa ang gusto mo ah." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Jollibee?"tanong ko kaya tumango tango siya.

" kumain na tayo don?"tanong ko

"Oo nong papunta tayo non sa Airport." Sabi niya.

"Airport?"

"nong nag bakasyun tayo non sa Paris."

0__0

"Talaga? Nag punta na ko ng Paris?" Tanong ko.

"Oo, doon natin nakita si Jorgie. Akala ko nga magiging karibal ko yun sayo eh." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Wow, sana maalala ko na yun. Naka sakay na pala ako non sa eroplano." Sabi ko.

"Oo yun ang di ko makakalimutan kasi ang ingay mo sa loob ng eroplano non." Natatawa niyang sabi.

"Talaga?"

"Oo lalo na nong nag landing na ang eroplano sa airport ng France, may tinulungan akong foreigner non tas nag selos ka tapos inaway mo ko non at may lumapit sating lalaking foreigner." Sabi niya habang natawa.

"Sorry." Sabi ko kaya napa lingon siya sakin.

"Para saan?" Tanong niya.

"Sorry kasi hindi ko maalala lahat ng sinasabi mo." Sabi ko.
Ngumiti siya.

"Handa akong ipaalala sayo lahat kahit ganong kahaba ang itatagal maalala mo lang lahat." Sabi niya saka hinalikan ang kamay ko.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

She's My GirlfriendWhere stories live. Discover now