Chapter 23

862 31 4
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Psyche  POV

Nasa tapat kami ni Michael ng isang bahay na puti.
Ito siguro yung bahay niya dito sa Chicago, hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko.

Parang gusto kong bumalik sa Pilipinas at sa tabi lang ni Matthew tatabi. Napa tingin ako kay Michael na nilalabas ang gamit namin sa kotse.

Pero diba si Michael ang boyfriend ko? Siya ang totoong mahal ko kaya dapat siya lang ang kasama ko.

Naguguluhan na ako. Ano ba itong nararamdaman ko?
Tama pa ba to?

"Mahal ko, ito ang bahay namin ng kapatid ko dito sa Chicago." Sabi ni Michael at hinawakan ang kamay ko kaya napa tingin ako sa kamay niyang naka hawak sa kamay ko.

Hindi ko ramdam na mahal ko siya.
Naguguluhan ako.

"Wala siya jan kaya solo natin ang bahay, dinalaw niya ata yung boyfriend niya." Sabi niya saka humarap sakin.

"Ayus ka lang ba?" Tanong niya sakin kaya ngumiti ako ng pilit.

"Iniisip mo pa ba ang nangyare sa Pilipinas? Wag mo ng isipin yun, tama lang ang ginawa mo." Sabi nya at niyakap ako.

Hindi ko magawang maging masaya. Hindi ko magawang maging masaya kasama siya.

Bakit?

"Tara pasok na tayo, ipapakita ko sayo ang magiging kwarto mo." Naka ngiti niyang sabi saka ako hinila papasok sa bahay nila.

Matthew POV.

"3 hours ang byahe papunta sa Chicago." Sabi ni Sabrina na katabi ko ngayun sa upuan sa eroplano.

"Parehas lang namang nasa united states ang Chicago at California." Dagdag niya saka ako nilingon.

"Bakit mo nga pala hinahanap ang girlfriend mo?" Tanong niya.

"Kinuha siya sakin ng baliw niyang ex." Sagot ko kaya tumango tango siya.

"Bakit sumama sa kanya yung girlfriend mo?" Tanong ulit niya.

"Miss ang dami mong tanong taga press con ka ba?" Singit ni Jorgie kaya inirapan siya ni Sabrina.

"Curious lang ako, isa pa hindi ikaw ang kausap ko." Pag tataray sa kanya ni Sab.

"May amnesia ang girlfriend ko kaya di niya maaalala na ex niya yung baliw. siniraan ako nong ex niya kaya ayun sumama siya sa ex niya." Sabi ko

"Napaka sama naman pala nong ex niya, don't worry, kung wala kayong mapupuntahan sa Chicago, open ang bahay namin para sa inyo." Sabi niya kaya ngumiti ako.

"Aba dapat lang para naman may pakinabang ka." Bulong ni Jorgie.

"Maliban sayo." Dagdag ni Sabrina habang naka tingin kay Jorgie.

Napuno ng asaran ang flight namin ng dahil kila Sabrina at Jorgie, dila Inigo, Jello at Neon nasa likod namin nanunuod ng palabas habang ako naman ay iniisip kung paano makukuha si Psyche.

Sobrang hirap para sakin na kunin ngayun si Psyche dahil sa may Amnesia siya at paniwalang paniwala siya sa ex niyang baliw.

Huminga ako ng malalim.

"Naka lapag na ang eroplano guys." Sabi ni Sabrina at kinuha ang gamit niya.

Nag simula na din kaming mag ayus.

Psyche ko, unti nalang mababawi na kita.

Lumabas na kami sa eroplano agad kaming nag lakad papasok don sa entrance ng airport. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa makarating kami sa unahan ng airport at lumabas na.

"Guys, tuloy muna kayo sa bahay ko para kumain bago natin hanapin yung girlfriend ni Matthew." Suggest ni Sabrina. Agad kaming tumango tango.

Pumara si Sabrina ng taxi para masakyan namin papunta sa bahay niya.

Kinakabahan na ako, hindi ko alam kung saan ako mag sisimulang hanapin si Psyche.

Makita ko lang talaga yung baliw niyang ex sigurado akong mapapatay ko yun.

Ilang oras pa ang lumipas at naka rating kami sa isang puting bahay.

"Oh, nandito kotse ni kuya." Sabi ni Sabrina at lumabas na sa taxi. Mag silabasan na din kami sa taxi at hinarap ang bahay ni Sabrina.

"Ang laki." Sabi ni Jorgie.

"Mas malaki parin bahay ni Matthew." Singit ni Jello at naunang mag lakad papasok ng gate.

"Tignan ko to kung umasta parang siya ang may ari." Sabi ni Inigo kaya natawa si Sabrina.

Hindi na kumatok pa si Sabrina at binuksan lang ang pinto.

"I'm home!" Masiglang sabi ni Sabrina at pumasok.

"Guys pasok." Sabi niya samin, nauna ng pumasok si Jello at Jorgie sunod ako.

"Sabrina nandito kana---" napa tingin kami sa nag salita at halos umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ng makita kong sino yun.

"Michael." Bulong ni Inigo.

Sa likod ni Michael lumabas si Psyche at nanlaki ang mga mata.

"Oh kuya may kasama ka pala?" Sabi ni Sabrina.

"Psyche ko...." Bulong ko sapat para marinig ni Sabrina.

"Kilala mo siya?" Tanong sakin ni Sabrina.

Tumango tango ako.

"Yes..... She's my girlfriend."

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

She's My GirlfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang