Chapter 20

894 31 1
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Matthew POV

Nag tungo kami sa bahay nila Michael ngunit ng hanapin namin siya don ang sabi ay matagal na siyang umalis don.

"Hindi mo kasi agad sinabi na dati pa pala nilang bahay yan!" Sigaw ni Neon sa asawa niya.

"Nag tanong ba kayo?" Iritang tanong naman ni Jello.

"COMMONSENSE KASI!" sabay sabay naming sabi saka tinalikuran si Jello.

"Joskopo eh kung ginamit niyo mga utak niyo no!" Sabi ni Jello kaya napatingin agad kami sa kanya.

"Kung tinrack niyo number ni baliw eh di sana naka rating na tayo sa bahay non, tatanong tanong pa kayo sakin alam nyo namang wala akong utak." Iiling iling na sabi ni Jello kaya nagkatinginan kami.

"Tama, yung calling card." Sabay sabay naming sabi kaya agad kong nilabas ang calling card ni Michael.

"Ako may tracking device ako!" Sabi ni Inigo kaya napa tingin kami sa kanya.

"Bat meron ka niyan?" Tanong ni Jorgie habang tinitignan yung device.

"Yung chix ko kasi, tinatract ko baka mamaya nanlalalaki na." Sabi niya at inenter ang number ni Michael saka nag loading ang device.

"Hayst sana ayus lang ang Psyche ko. Wala siyang kaalam alam." Sabi ko at ng makitang okay na ang screen ay pinag masdan ko yun ng mabuti.

"Sa Laspiñas." Sabay sabay naming sabi kaya agad kaming sumakay sa kotse ni Inigo at dali daling nag tungo papunta sa laspiñas.

"Anong ginagawa nila don?" Tanong ni Jello na may hawak na pagkain.

"Baka doon na bagong bahay ni abno." Sagot ni Jorgie.

"Kailangan nating mabawi si Lil sis sa kanya, baka may kung anong gawing kabaliwan ang mokong." Sabi ni Inigo at mas binilisan pa ang pag mamaneho.

Ilang minuto lang ang lumipas ng matunton namin ang lugar kung saan nasagap yung phone ni Michael, ang kaso, nasa highway kami at walang kabahay bahay dito.

"Sure kayo na dito yun?" Tanong ko.

"Dito na yung red spot eh." Sabi ni Inigo at nag lakad lakad.

"Baka fake yang tracking device mo." Sabi ni Jorgie at sinundan sundan si Inigo.

"Imposible, ilang beses ko na tong nagamit." Sabi niya.

"Woi cellphone oh." Napa tingin kami kay Jello na may pinulot na phone.
Nag katinginan kaming lahat at lumapit kay Jello.

Nakita naming inopen niya ang phone at kung sinuswerte nag bukas iyon.

"Woi si Psyche yung wallpaper oh." Sabi ni Jorgie kaya napa yukom ang palad ko.

"Posibleng kay Michael yan."sabi ni Neon. Nakita naming nag halungkat si Jello sa phone at laking gulat namin ng may tumawag sa mismong phone ni Michael.

" sagutin mo!"sabi ko.

"Luh bat ako?"

"Ikaw may hawak eh." Sabay sabay naming sagot sa kanya. Huminga muna siya ng malalim saka pinress ang accept at ni loudspeaker.

"Hmm" napa tingin kami kay Jello ng yan lang ang sabihin nya.

(Boss ayus na po ang plane niyo papuntang Los Angeles. ) nagkatinginan kaming lahat sa narinig.

"Hmm."

(Boss anong oras kayo makakarating dito?)

"Hmmm."

Napa iling ako at inagaw ang phone kay Jello saka pinatay.

"Pupuntang Los Angeles si Michael?" Tanong ni Neon.

"I'm sure isasama niya si Psyche." Sabi ni Jorgie kaya agad akong kinabahan

"No, kailangan nating makuha agad si Psyche."

"Pero--"

"Malapit na yung airport dito eh." Singit ni Jello saka kumamot ng ulo.

"Mag pa book kaya tayo ng flight papuntang LA." Sabi niya kaya agad syang binatukan ni Jorgie.

"Let's go guys, we need to bring back Psyche to us." Sabi ni Inigo at sumakay sa kotse niya.

Michael POV

Nakarating na kami sa airport at nakita ko ang tauhan ko na may kausap sa phone habang naka tayo sa labas ng private plane ko.

"Oy boss ang bilis niyo naman. Kausap ko pa kayo sa phone ah." Sabi niya. Pinauna ko ng pinapasok si Psyche na tulog.

"The fuck sinabi mo ba kung saan kami pupunta?" Tanong ko.

"Yes boss."

"Shit! Idiot! Change plan, sa Chicago tayo pupunta." Sabi ko at agad ng pumasok sa loob.

Agad kong tinabihan si Psyche na mahimbing ang tulog.
Napa ngiti ako.

"Sa wakas, nasakin ka na ulit." Sabi ko at inayus ang buhok niyang nakatakip sa mukha niya.

"Hinding hindi na tayo babalik dito. Sa Chicago na tayo titira at mamamatay." Sabi ko saka ngumiti at hinalikan ang nuo niya

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Insta: rediousinpaper

She's My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon