Chapter 22

862 26 0
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Matthew POV

"Hindi papuntang LA ang eroplano." Sabi ni Jorgie kaya napa lingon kami sa kanya.

"Baka nalaman ni baliw na alam nating pupunta sila sa LA." Sabi ni Jello habang may hawak na pagkain.

"Guys kailangan nating mag landing sa pinaka malapit na airport " sabi ni Jorgie kaya napa tingin ako sa kanya.

"Bakit? Jorgie pag lumanding pa tayo sure ako na makakatakas si Michael!" Taranta kong sabi.

"Matthew, paubos na ang gasolina natin, hindi kasya ang gas natin papunta sa Kung saan man siya pupunta." Sabi niya kaya napa pikit ako.

"Bwisit!" Sabi ko at pinalo ang headboard.

"Pwede natin ipa tract ang eroplanong sinakyan nila, I'm sure meron yang record sa airport." Sabi ni Neon kaya napa pikit ako.

"Hindi niyo na gets! Pag hindi pa natin sila sinundan sure ako na makakalayo pa si Michael at ilalayo niya si Psyche. Malaki ang lugar na pupuntahan nila kaya mahihirapan tayong hanapin sila." Sabi ko saka napa sabunot sa ulo ko.

"Matthew di mo ba naiintindihan na paubos na ang gasolina at pag sinundan pa natin sila mamamatay na tayo." Sabi ni Jorgie.

"I'm sorry but we need to land off." Sabi ni Jorgie kaya napa pikit ako at sinuntok suntok ang headboard.

"BWISIT!" sigaw ko at huminga ng malalim saka pinikit ang mata ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Makita lang kita Michael papatayin kitang hayop ka.

Successful ang pag landing namin sa airport ng California, nakakainis lang dahil hindi namin nasundan ang eroplano nila Psyche.

"Matthew tara na, kailangan nating mag pahinga para bukas ay uuwi na tayo." Sabi ni Inigo kaya napa tingin ako sa kanya at umiling iling.

"Hindi, hindi tayo uuwi bukas. Hahanapin natin sila Psyche bukas. Kahit maubos lahat ng ari-arian ko gagawin ko yun mahanap lang si Psyche." Sabi ko saka nag simulang mag lakad.

Nag stay muna kami sa isang hotel dito sa California. Napa tingin ako sa langit.

"Psyche ko... Sana ayus ka lang jan." Sabi ko.

"Matthew." Napa tingin ako sa tumawag sakin, isang babae.

Ngumiti siya.

"Matthew its me Sabrina." Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko. Natawa siya.

"Highschool nerd in campus na pinag tangol mo sa mga bully." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Sab?"

"Yah how are you? Long time no see." Sabi niya at niyakap ako.

"I'm fine... You look different." Sabi ko kaya mas lalo siyang napa ngiti.

"What are you doing here by the way?" Tanong niya.

"Finding my girl." Sagot ko.

"Oww taken ka na?" Tanong nya kaya tumango tango ako.

"Ikaw?" Tanong ko.

"Namamasyal lang, naka stay ako sa Chicago kasi nandoon yung bahay ng kapatid ko but bumisita lang ako dito kasi dinalaw ko yung puntod ng boyfriend ko." Sabi niya kaya napa nganga ako.

"Puntod?" Tanong ko.

"Hmm, he died 3 years ago sabi ng mga polis he died because of his conditions but i believed na pinatay siya." Sabi niya kaya napa nganga ako.

"You believed na pinatay sya?" Tanong ko.

"Yah, I'm a psychologist and secret agent." Sabi niya kaya tumango tango ako.

"Matthew!" Napalingon ako sa tumawag sakin.

Si Jorgie.

"Bakit?" Tanong ko

"Na tract ang plane ni Baliw. Nasa chicago." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Oh? I have a house in Chicago and I'm going to Chicago tomorrow." Singit ni Sabrina kaya napa lingon sakanya si Jorgie.

"Share mo lang miss?"

"Huh?" Halatang di na gets ni Sab ang sinabi ni Jorgie kaya sumingit na ko.

"Sabrina pwede bang sumama sayo bukas? I need to find my girl." Sabi ko kaya ngumiti sya.

"Sure sure."

"Malaki ba bahay mo sa Chicago?" Tanong ni Jorgie kay Sabrina.

"Ughm.. Katamtaman lang? Why?"sagot ni Sabrina.

" wala." Sabi ni Jorgie at ngumiti saka kinindatan si Sabrina.

Luh kalandian na po mga pre.

"Sab we need to go, kita nalang tayo bukas sa airport and by the way this is my calling card tawagan mo nalang kami if nasa airport ka na." Sabi ko at binigay sa kanya ang calling card ko.

"Okay sure bye." Sabi niya at siya na ang unang umalis.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

She's My GirlfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя