Chapter 18

819 25 0
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~
Matthew POV

"Ano natawagan mo na ba?" Tanong ko kay Inigo na inaayus yung table na gagamitin namin.

"Oo, 30 minutes nandito na daw siya." Sagot niya. Huminga ako ng malalim saka nilibot ng tingin ang buong lugar.

Ilaw, check. Roses, check. Nag kalat na rose petals, check. Dalawang upuan para samin ni Psyche, check. Mga pagkain, check.

"Inigo yung fireworks?"tanong ko.

" hoy Jello yung Fireworks? "Tanong ni Inigo.

" ayus na, ako na bahala don."sabi niya saka inakbayan ako.

"Ayus na din yung romantic music." Sabi naman ni Jorgie. Huminga ako ng malalim.

"Nako, kabado ang manok natin." Sabi ni Jello at tinapik tapik ang braso ko.

"Relax men, parang tae lang yan na kailangan mong ilabas." Sabi niya kaya binatukan ko siya.

"Paiyakin mo muna si Psyche bago ka lumabas." Sabi naman ni Jorgie.

"Anong paiyakin. Pakyu boi di ko kayang makitang umiiyak si Psyche." Sabi ko.

"Bro, mas may thrill kung papaiyakin mo muna siya bago ka mag propose." Sabi naman ni Inigo.

Tama, mag propropose na ko kay Psyche ng kasal at sobrang kinakabahan na ako ngayun.
Bakit pag sa telenovela parang cool parin ng mga lalaking nag propropose sa taong gusto nila. Pero bakit pag real life parang gusto kong matae na ewan.

Ayoko ng pakawalan pa si Psyche, alam kong masyado pang komplekado ang lahat dahil sa di pa niya na aalala ang lahat. Pero gusto kong ikasal kami kahit na wala siyang naaalala.

"Guys nanjan na siya!" Napa tingin kami kay Neon na nag mamadaling pumunta dito.
Nanlaki ang mga mata naming lahat saka umayus.

Tinapik nila ang balikat ko bago nila ako iwan. Huminga ako ng malalim saka pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa ulo ko.

Kaya mo yan Matthew.

Ng makita ko si Psyche na papasok na agad na tumunog ang musika.

(A/n; play Cause you are the reason by Calum Scott)

Ngumiti ako ng tumingin siya sakin. Mas lalo akong kinabahan ng wala akong makitang ibang expression sa mukha niya.

Baka nagulat lang siya Matthew.
Baka na surprise lang kaya ganyan, haha sabi ko na nga ba magugustuhan ni Psyche ko ang surpresa ko.

Ng malapit na siya sakin ngumiti ako at mas lumapit pa sa kanya. Akmang hahawakan ko ang kamay niya ng ilayo niya yun sakin dahilan para kumunot ang nuo ko. Pero di ko nalang iyon pinansin.

"Psyche ko, halika upo tayo." Sabi ko at mas lumapit pa sa kanya.

*pakk

0__0

Nanlaki ang mga mata ko ng sampalin niya ako. Tumingin ako sa kanya at nakitang galit na galit siya.

"Bakit?" Tanong niya dahilan para maguluhan ako.

"Anong bakit?" Tanong ko.

"Bakit mo nagawa sakin to?" Tanong niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.

Ano bang nangyayare?

"Psyche ko ano bang--"

"Alam ko na ang lahat Matthew, alam ko na." Agad na tumulo ang luha niya.

"Psyche ko.. Anong... Anong alam mo na?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi ko lubos akalain na ganyan ka kasama Matthew." Sabi niya kaya naguluhan ako.

"Psyche ko ano bang--"

"Ngayung alam ko na ang lahat, wala ng dahilan pa para manatili ako sayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Psyche ko ano bang sinasabi mo?" Tanong ko

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung ano bang nangyayare.

"Ang sama mo.... Ang sama sama mo." Umiiyak niyang sabi.

"Psyche ano bang--"

"Pinaniwala mo ako na ikaw ang mahal ko kahit na si Michael naman talaga. Kaya ba ayaw mong makita ko siya?! Kaya ba ganon ka nalang kumilos ng mag kita kami?!" Galit niyang tanong.

"Psyche.. Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." Agad na tumulo ang luha ko ng mas lalo siyang lumayo sakin.

"Wag ka ng umarte na ikaw ang na agrabyado, bisto na ang kalokohan mo Matthew. " sabi niya saka tumalikod.

Sabay sa pag talikod niya ang pag putok ng Fireworks. Tumingin siya sa taas. Agad na tumulo ang luha ko ng makita kong wala siyang reaction.

Ang naka sulat sa fireworks ay Will you marry  me, napa pikit ako ng tumigil na ang musika.

"Psyche saan ka pupunta?" Tanong ko ng maglakad siya palayo sakin.

"Psyche!" Hinabol ko siya at hinawakan sa braso pero sinampal nya lang ulit ako.

"Tigilan mo na ko Matthew! Napaka sama mo!" Sigaw niya at pumasok sa isang kotse.

Mula dito sa labas nakita kong si Michael ang laman ng kotseng iyon. Naka ngisi siya at pinaandar ang makina.

Agad ko namang hinabol ang kotse niya at kinalampag ang bintana.

"Psyche! Please mag usap tayo!" Sigaw ko ngunit sa kamalas malasan nadapa ako.

Napa pikit ako ng makitang umaandar na palayo ang kotse ni Michael.

Ano bang nangyayare?

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

She's My GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora