Chapter 27

863 24 0
                                    

She's my Girlfriend
Written by RIP

~~~

Psyche POV

She's....she's my Ex bodyguard"

Naiwan akong mag isa dito sa labas ng kompanya ni Matthew habang paulit ulit kong iniisip ang sinabi nya

Ex? Bodyguard?

Ano bang nangyayare? Ano bang meron! Bakit ganon ang kinikilos niya? Ano bang nangyayare sa kanya?

"Psyche!" May narinig akong tumawag sa pangalan ko pero hindi ko ito tinignan at hindi ko ito binigyang pansin

"Psyche....namiss ka namin!" Base sa narinig kong boses halatang sila Inigo at Jello ang yumayakap sa akin ngayun

"Ano Psyche? Maganda ba ang Paris? Maganda ba sa france?"tanong ni Jello sa akin pero hindi ko ito pinansin

"Psyche ayus ka lang ba?"tanong ni Inigo pero hindi ko parin ito pinansin

"Teka lang ah"rinig kong wika ni Inigo at pumasok sa kompanya ni Matthew

Naiwan kami ni Jello dito na hindi nag papansinan

Ano ba kasing nangyayare? Parang nong isang araw lang ang ayus ayus namin tapos nag yayakapan pa kami at nag kukulitan pero bakit ngayun ....ang pakikitungo niya ay mas malamig pa sa yelo at bangkay ng tao

"Psyche may problema ka ba?"tanong ni Jello tumingin ako sa kanya at umiling

"Bakit ka tahimik?"tanong niya

"Wala lang"sagot ko at huminga ng malalim

Gusto kong kausapin si Matthew kung bakit ganon ang sinabi niya
Ikinakahiya niya ba ako? May nagawa ba akong mali? Kasi kung meron mag so-sorry naman ako sabihin niya lang sa akin

"Psyche"rinig kong wika ni Inigo na kararating lang galing loob

"Pinapatawag ka niya"wika ni Inigo

Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi niya
Agad akong nag tungo sa entrance pero hinarangan dim agad ako ng mga guard

"Papasukin niyo siya pinapatawag siya ni Matthew"wika ni Inigo

Gumilid ang dalawang guard saka na ako tumakbo papunta sa opesina ni Matthew

At least ngayun pwede komg malaman ang dahilan kung bakit niya sinabi yun at least makaka usap ko siya
Ano bang malay ko kung nag papanggap lang siya diba? Baka naman may sorpresa sa akin kaya ganon siya kunwaring galit pero may surpresa pala


Ng maka punta na ako sa opesina ni Matthew agad ko siyang nakitang naka upo naka talikod siya mula sa akin

Napa ngiti ako ng makita siya
"Pinapatawag mo daw ako?"normal kong tanong mukang nagulat siya kaya naman napa ayus muna siya ng upo at parang may pinunasan siya sa kanyang pisngi bago humarap sa akin

Hindi naka ligtas sa aking paningin ang mga mata ni Matthew na namumula

Umiyak ba siya?

She's My GirlfriendWhere stories live. Discover now