1: IT BEGINS HERE

3.6K 115 8
                                    

AYEN

Dalawang araw na ang nakakalipas nang madala kami dito sa Salvador, isang maliit na komunidad sa Maynila; ang natatanging lugar kung saan nakatira ang mga noncarrier, malayo sa panganib at ligtas sa kamatayan. Isa itong maliit na area sa Maynila na pinaligiran ng pader upang maiwasan ang pagpasok ng mga carriers. May dalawang malalaking building sa loob na dati’y mga apartment at ngayo’y tinitirhan na ng mahigit 300 na tao ng iba’t ibang edad at kasarian. Mayroon din isang maliit na pasilidad sa likod ng Salvador na nagsisilbing lugar upang pagpulungan at gawin ang mga eksperimento para makahanap ng kaukulang sagot sa nagaganap na pandemya.

Oo, may mga doktor sa lugar na ito at ginagawa nila ang lahat para makahanap ng gamot sa sakit na ito. Kasalukuyan akong nakatayo sa isang silid kung saan nakahiga si Red na may nakakabit na makina sa kanyang katawan. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa bakal na suporta ng kama. Sa loob ng dalawang araw ay comatose ito ngunit nagsimulang magpakita ng ilang sintomas tulad na lang ng paglalabas ng dugo mula sa kanyang bunganga at tenga. Patuloy siyang bigyan ng sedatives upang mapigilan ang kanyang paggising. Mahirap na kapag nagwala ito tulad na lang ng nangyari kay Chazel.

Walang laban ang lalaking nasa harap ko ngayon. Wala ang dating matapang na lalaki na laging nagliligtas sa akin. Hindi ko nga rin alam kung kilala pa ba niya ako. Hindi ko mapigilang mapaluha sa pagtatantong maaaring mawala ang lalaking pinakamamahal ko.

“Ayen?” Lumingon ako at pumasok sa silid si Dr. Janis, isa sa mga pangunahing doktor dito sa Salvador. Isa siyang virologist na Pilipino buhat pa ng Amerika na ipinadala dito bilang tulong. Napag-alaman ko na isa siya sa mga kasamahan ni Red. Lean ang pangagatawan at maputi,  lagi siyang nakasuot ng slacks at puting lng sleeves polo shirt. May mahaba itong buhok na wavy na siyang laging naka-ponytail. Nakasuot din siya ng eyeglasses.

Naiisip ko sa kanya si Dr. Theo. Ano na kayang nangyari sa kanya? Nakaligtas kaya siya sa pagsabog ng ospital? Sana'y tama ako. Siya lang ang talagang nakakaalam ng totoong pinagmulan ng virus.

“May progress na po ba about sa Cirvak virus?” tanong ko nang lumapit sa pwesto ko ang doktor.

Nang tinignan ko ang mukha niya, alam ko nang hindi maganda ang balita. “I’m sorry, Ayen. We’re trying hard but it is really hard to study the virus. Its virulence rate is getting faster as time passes by.” Tumingin siya sa natutulog na si Red. “All we can do for now is to give him interferon, which is slowing down the infection.”

“Paano kung gamitin niyo ako? Pag-eksperimentuhan niyo ako. Nasa katawan ko ang immortality virus. Pwedeng niyong pag-aralan ako. Pwedeng ang virus sa katawan ko ang kasagutan sa lahat,” sagot ko. Desperado ako para iligtas si Red.

“I’m sorry, Ayen pero hindi pa pwede tayong pag-aralan ang virus sa katawan mo lalo na't kakaiba siya sa ibang virus na na-encounter ko. Kailan muna natin ng kaukulang files bago tayo makakapagsimula,” wika niya. “Matt is working on it right now. Sooner or later, we’ll get something from him.”

Si Matt, ang hindi ko inaasahang anak ni Dr. Tomou. Anak siya ng doktor na nais pag-aralan kami. Hindi ko mapilit ang sariling pagkatiwalaan siya kahit na iniligtas niya kami. Sa tuwing nakikita ko kasi siya, naaalala ko ang mga nakakagimbal na naranasan namin sa loob ng ospital. Automatic na galit at suspicions ang aking nararamdaman kapag nakikita ko siya kung kaya hindi ko siya kinakausap.

“Sa tingin niyo, mapagkakatiwalaan ba siya?” tanong ko.

“Matagal na naming kasama si Matt at malaki na ang naitulong namin sa kanya. Sana naman huwag niyong ibunton sa kanya ang kasalanan na nagawa ng kanyang ama,” sagot niya. “I assure you, magkaibang magkaiba sila ng ugali. He's having a hard time coping with others kasi iba ang tingin sa kanya. Ang tingin nila ay siya ang magiging dahilan ng kanilang kamatayan kaya lumalayo sila as far as possible.”

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now