26: CHOOSE YOUR BATTLES

1.4K 73 14
                                    

MACKY

 

Masakit sa pakiramdam ang pagtaksilan ng mga mahal mo sa buhay. 'Yong mga taong pinagkatiwalaan mo buong buhay mo ay siya pa palang bibiyak ng 'yong puso mo.

Ang akala kong mga kaibigan sa Salvador ay hindi pumabor sa akin. Hindi pala sila ang mga akala ko’y mapagkakatiwalaan na tao ngunti hindi pala. Hinayaan lang nila na hindi maresolba ang pagkamatay ng aking ina. Kailangang ako pa ang gumawa ng aksyon para lamang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.

Ang kapatid ko naman na inaakala ko naman na isa sa aking kapanalig ay handa akong ibigay sa mga masasamang tao. Handa niya ako gawing eksperimento ng mga taong uhaw sa kapangyarihan at imortalidad. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito sa akin. Pakiramdam ko ay pisikal na inalis mula sa aking dibdib ang aking puso. Napagkasakit. Walang katumbas ang kirot na aking nararamdaman.

Pagkatapos marinig ang usapan ni Alison at ng lalaking kalbo ay bumalik ako sa aking silid. Pagpasok ng pinto ay pilit ko nang kinalimutan na kapatid ko si Alison. Wala akong kapatid na handa ako ibigay sa mga taong ituturing lamang ako bilang laruan. Hindi ako makakapayag.

Suot lamang ang isang hospital gown na abot sa aking tuhod ay pabalik-balik akong nag-isip at nagplano. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Kailangan kong makatakas dito. Pero paano? Hindi ko alam ang lugar na 'to. Sa malamang, maraming mga guwardiya na nagbabantay sa lugar na ito. Mukhang mahihirapan ako sa pagtakas.

Sumilip muli ako sa pinto at nagmasid sa labas. Sa kalayuan ay napansin ko ang isang lalaki na nakasuot ng Armani suit. Nakasuot din siya ng shades at mukhang may kausap sa isang communicating device na kaniyang ginagamit. Naisipan ko na gamitin ang lalaki para sa plano ko. Bago ko iyon maisagawa ay kailangan ko ng sandata. Bumalik ako sa loob ng silid ay tumingin sa paligid. Walang magagamit na sandata rito.

Tumungo ako sa banyo at tumingin sa paligid. Nakita ko ang salamin sa may sink. Nang makita ko ang aking repleksyon at ang aking gintong mga mata, agad akong napuno ng pagkamuhi sa sarili. Gamit ang aking kanang kamao, buong lakas ko itong sinuntok. Nakaramdam ako ng matinding hapdi at kirot sa aking kamay pero hindi ko 'yon pinansin. Kumuha ako ng isang matulis na piraso ng salamin gamit ang kaliwa kong kamay.

Bumibilis ang aking paghinga. Nagsimulang manginig ang aking mga kamay. Inilagi ko ang matulos na parte ng salamin sa aking kanang balikat. Kinagat ko ang aking dila at ibinaon ang matalim na salamin sa parteng iyon. Halos mapasigaw ako sa sakit na aking nararamdaman pero pinigilan ko iyon. Mas nananaig sa akin ang kagustuhang makatakas sa lugar na ito kaysa sa takot na masaktan.

Pagkabunot ng salamin ay nagsimula akong lumabas ng silid. Itinago ko sa aking likod ang gagamitin kong sandata at agad na hinanap ang guwardiya o bantay na aking pupuntiryahin. Nakita ko siya na naglalakad papalapit sa aking silid. Iyon na ang tamang panahon para maisagawa ang aking plano. Hindi alintana ang dugo sa aking balikat at sa aking puting kasuotan, lumapit ako sa kaniya. Tila nagulat siya nang makita ako dahil sa agad niyang inilabas ang kaniyang communicating device.

“Tulungan mo ako!” pagmamakaawa ko. Bagama’t kabado ako, kailangan kong maisagawa ito sa lalong madaling panahon. Nagawa ko nang pumatay ng tao, gagawin ko ulit ngayon.

Kunwari lumuhod ako sa kaniyang harapan. Mabilis naman niya akong inalalayan. Nais niyang gamitin ang device ngunit tinakpan ko iyon. Napatitig siya sa akin. “Ano’ng nangyari sa’yo?” tanong niya.

“Ma-may umatake sa akin. Hindi ko ki-kilala kung sino,” sagot ko.

“Sige, hihingi ng tulong,” wika ng lalaki.

Bago pa man niya mailapit ang kaniyang communicating device ay hinila ko ang kaniyang shades at itinapon sa malayo. Nagulat siya at nang tumingin siya sa akin, ngumiti ako. Iniharap ko ang aking kaliwang kamay na may dalang piraso ng salamin at mabilis itong ibinaon sa kaniyang kaliwang mata. Naputol ang dapat na sigaw ng lalaki. Nang binunot ko iyon, tumilapon sa aking binti ang kaniyang mata.

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now