11: CIRVAK FOR DUMMIES

2K 75 16
                                    

AI

 

Nanumbalik kami sa conference room kasama ng mga miyembro ng konseho upang pag-usapan ang Cirvak virus. Nais naming maliwanagan sa kung ano nga ba ito at ano nga ba ang nagagawa nito. Dahil sa mga pangyayari sa St. Padre Pio Medical Hospital, hindi na napaliwanag ng maayos ni Dr. Theo ang lahat ng tungkol sa virus na ‘to. Kulang din sa kagamitan dahil na rin sa laganap ang mga carriers sa paligid. Kung nandito siya ngayon, marahil mas marami pa kaming malalaman tungkol sa naturing strains ng virus.

Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Katabi ko sina Ronald at Ayen.  Nasa hilera din namin sin Macky, Tao, Greg at Katie. Sa kabilang banda naman ang mga natitirang miyembro ng konseho. Si Dr. Janis ay nagsilbing presentator sa harap namin upang ipaliwanag ang Cirvak virus. Naghanda siya ng isang visual presentation upang maipakita sa amin ang lahat ng detalye tungkol sa naturang virus at ang sakit na dulot nito.

“Magandang tanghali sa inyong lahat. We are all aware of the threats posed by Cirvak, isang matinding virus na mabilis kumalat at tila walang lunas. Many scientists have attempted to stop this pandemic but no one seemed to do it. Maraming nangahas na pag-aralan ito pero karamihan sa kanila’y patay na. Because of what? The so-called carriers. High-profile people who wants to change the world,” paliwanag niya. “Alam naman natin na nag-volunteer si Matt bilang isang espiya ng Salvador. Para malaman ang mga susunod na galaw ng Fumetsu Corporation, ang pinakamatindi nating kalaban. Unfortunately, we haven’t heard news from him. So we’ve decided to make experiments on Cirvak and discover its true nature. Paano nga ba ito gumagalaw, ano ang mga strains nito at ano nga ba ang possible ways to stop it.”

Buhat nang maging hologram na ang lahat ng uri ng visual display ay madali nang naipakita sa amin ni Dr. Janis ang larawan ng tila isang sinulid na bagay na kulay asul at nakalagay sa isang background na kulay pula.

“This is Cirvak virus, similar in appearance with an Ebola virus, but with physical properties of Influenza A virus. It is a chimeric virus, meaning isa siyang bagong hybrid microorganism na ginawa by joining nucleic acid fragments from two or more different microorganisms in which each of at least two of the fragments contain essential genes necessary for replication,” wika niya sabay pakita ulit ng isang mas detalyadong imahe ng Cirvak virus.

Narinig ko ang mga bulungan sa silid. Hindi ko marinig ngunit alam kong mga bulong ‘yon ng pagtataka at takot. Mayroon ding mga hindi naiintindihan dahil sa bahagi na ‘to ng siyensa at hindi lahat sa amin ay maalam sa ganitong aspeto.

“How does Cirvak replicate? How does it affect the human body? How does it influence a carrier’s behavior?” tanong ni Dr.

“Much like Ebola virus, it attaches itself through the glycoprotein surface peplomer, entering the host cells by endocytosis. After being encapsitated pupunta ito sa nucleus ng host cell, which is a certain behavori ng Influenza viruses since walang sariling mRNA ang Cirvak virus. Gagamitin nito ang kanyang negative-sense genomic ssRNA is used as a template for the synthesis of polyadenylated, monocistronic mRNAs. It also translates the host cell’s mRNAs into viral proteins. After a rapid rise of viral proteins, replication will soon occur. Using the negative-sense genomic RNA as a template, a complementary positive ssRNA is synthesized. Magiging template ‘to for the synthesis of new genomic negative ssRNA, which is rapidly encapsidated,” paliwanag ni Dr. Janis.

“Pero pagkatapos ng replication, the host cells would be destroyed,” wika ko. “Kapag nagpatuloy ‘yon, ikamamatay ng host ‘yon kaya paanong nakakatagal ang mga carriers?”

“Kung napansin niyo, it’s either mamamatay ang infected o mananatili lamang sila bilang carriers. This is still a mystery to us but one thing is for sure, may kakayahan ang virus to express a certain gene, converting somatic cells into pluripotent cells. Ginagamit nila ‘yon para ma-convert ang mga ‘to into blood cells where it is thriving,” sagot ni Dr. Janis.

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now