6: EVEN PRETTY GIRLS HAVE UGLY PASTS

1.9K 77 3
                                    

KATIE

Ang dami nang nangyari. Hindi ko lubos maisip na natapos ang araw na iyon. May nailigtas kami. May nawala sa amin. May mga nais kaming tulungan. May mga hindi magandang kinalabasan. Ewan ko ba, iniisip ko na lang na sana matapos na ito.

Nagsimula ang araw sa paghahanap kay Red. Sa liit ng Salvador, nagagawa pa rin ng lalakeng iyon na makapagtago. Ni anino niya ay hindi namin maaninag. Tumulong na halos lahat ng taga-Salvador. Wala pa ring kalalabasan ang paghahanap namin.

Naisipan ko muna na tumambay sa opisina ni Dr. Janis. Nandoon din Ayen, na kasalukuyang pinapakonsulta ang sanggol na si Pia sa doktor.

"May konting irregularity sa bowel movement ng sanggol pero magagamot naman," wika ni Dr. Janis habang nakatingin sa sanggol sa umiiyak habang nakahiga sa malaking hospital bed.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya," wika ni Ayen. Nakatitig din siya sa sanggol at mukhang nabunutan ng tinik sa dibdib pagkatapos marinig ang sabi ng doktor.

"Huwag kang mag-alala kay Pia," sagot ko. "Bad-ass na baby na 'yan. Yakang yaka ang problema sa bituka."

Sa totoo lang ay naiinggit ako sa nagagawa niya. Sa batang edad niya ay nagagawa niya nang mag-alaga ng sanggol. Kahit hindi niya sariling anak ay handa niya itong pangalagaan at iligtas mula sa malupit na mundo. Kahit na ganito ang sitwasyon namin ay hindi niya pa rin ito iniwan.

Ngumiti si Ayen. "Mukhang ganoon nga. Bakit ka nga pala nandito? May nararamdaman ka bang sakit?"

"Wala naman. Napagod lang ako sa paghahanap sa boyfriend mo and besides may aircon dito," wika ko.

Nanumbalik ang lungkot sa mukha ni Ayen. Nakaramdam ako ng guilt dahil binanggit ko ang kanyang kasintahan.

"Sana mahanap na siya," bulong niya.

"Alam mo naman siguro ang mangyayari kapag nalaman na siya ang dahilan sa nangyari kay Father Eric," sabi ko.

Tumungo lang si Ayen. "I guess kailangan ko na lang tanggapin iyon. Hinihiling ko na lang na sana hindi siya ang gumawa niyon kay Father Eric."

Gusto kong yakapin ang dalaga ngunit hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit. Baka kasi ma-misinterpret niya ang gagawin ko. Ewan ko. Masyado lang siguro akong mag-isip.

"So," pagsisingit ni Dr. Janis. "Tuturukan ko lang muna si baby Pia ng gamot pantanggal ng sakit ng tiyan para tumigil na siya sa pag-iyak."

Tumungo siya sa isang cabinet at binuksan ito. Sinundan ko siya ng tingin at napansin na tila nagulat siya sa kanyang nakita. Isinara niya iyon at lumipat sa kabilang cabinet. Pagbukas niya ay napa-singap siya.

"Anong problema?" tanong ko. Hindi normal na nababahala ng ganito si Dr. Janis.

"Naubusan ako ng syringe. Sure ako na may stock pa ako. Tumigil muna kami sa pagpapatuloy ng research sa Cirvak dahil sa nangyari kaya nakakapagtaka na naubusan tayo ng stocks," sagot ng doktor. Humarap siya sa amin. "Pupunta ako sa laboratory. Titignan ko kung may stock pa ako ng sterile na syringe."

"Okay." Nagkibit-balikat ako at nagmadali na lumabas ng silid ng doktor. Bumalik ang atensyon ko kay Pia. Kawawang sanggol, patuloy pa rin sa pag-iyak. "Kamusta ang pagkakaroon ng baby?" tanong ko.

Tila nagulat si Ayen sa tanong ko kasi nanlaki ang kanyang mga mata. "Uhm, mahirap," sagot niya sabay tingin muli sa sanggol. "Kahit na ganoon, nandoon pa rin ang satisfaction kapag nakikita mong mahimbing na natutulog ang baby o kapag nakikita mo siyang tumatawa. Inaamin ko na napilitan lang ako sa umpisa sa pag-aalaga sa kanya pero habang tumatagal, napapalapit na ako sa kanya. Naaalala ko nga si Jay sa kanya. Kapag nakangiti siya sa akin at tinitigan ako sa mata, nakikita ko sa kanya ang kanyang nakakatandang kapatid."

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now