19: BLOOD IS RED AND SO IS HOPE

1.6K 71 12
                                    

AYEN

 

Hawak-hawak ko si Pia habang nakadungaw sa bintana at tumitingin sa labas at sa langit na pawang itim lamang. Tahimik ang paligid, isang senyales ng pagdadalamhati ng mga tao ng Salvador. Patay karamihan ng ilaw dito dahil sa pagtitipid ng gasolina. Hangga’t hindi maisasara ang butas sa pader ay hindi manunumbalik sa dati ang lahat.

Patay rin ang ilaw ng silid ko ngayon. Tanging liwanag mula sa bonfire na pumapasok sa bintana ang nagbibigay liwanag dito. Malamig ang paligid at angkop lamang kay Pia na siyang natutulog habang may nakalagay na baby bottle sa kanyang bibig. Pinagmasdan ko siya. Tila wala siyang kaalam-alam na wala na ang babaeng ibinuhos ang buong oras sa pag-aalaga sa kanya. Wala na si Safe.

Hindi ko pa rin mapigilang mapaiyak. Ganito rin ang pakiramdam ko nang mawala si Jay. Ilang beses ko pa ba kailangan itong maranasan bago ako masanay? Hindi ko alam kung makakaya ko pa ngayong wala si Red sa tabi ko ngayon.

“Diyos ko, iligtas niyo po si Red sa tiyak na kapahamak,” mahina kong dasal.

Ibinalik ko si Pia sa kanyang crib. Mahimbing na natutulong ang sanggol. Nang sinigurado ko na hindi na maiistorbo si Pia, naisipan ko na tumungo sa aking kama. Oras na ng pagkain ngunit nawawalan ako ng gana. Karamihan na ng mga kasamahan ko ay nasa canteen na at kumakain. Napahiga ako sa aking kama na nasa kabilang pader kung saan ito’y nakaharap sa bintana. Tinitigan ko ang kisame kahit na wala madilim. Nagsimula akong mag-isip.

“Kakayanin ko pa kaya na mawalan ng mahal sa buhay?” bulong ko.

Sa totoo’y napanghihinaan na ako ng loob. Nawawalan na ako ng pag-asa na magbabago ang lahat. Mananatili na lamang kami dito, nakatago sa isang lugar na pinalilibutan ng mataas na pader at natatakot sa kung ano ang nasa labas niyon. Natatakot ako na wala kaming makikitang lunas sa pandemyang ito. Natatakot ako na ang lahat ng mga kasamahan ko na hindi imortal ay tuluyang tatanda at pagmamasdan ko lang sila sa kanilang kamatayan. Inaasahan ko na lahat ng mamahalin kong lalaki ay mawawala na lang sa buhay ko tulad na lang nang nangyari kay Red.

Masakit para sa akin ang lahat. Akala ko makakaya ko pero hindi pala.

Nakarinig ako ng katok sa pinto at agad akong bumangon. Binuksan ko ito at laking gulat ko nang makita ko si Ai sa kabila nito. Seryoso ang kanyang itsura at wala man lang sasabihin sa akin. Nagbigay-daan ako at pumasok siya nang wala man lang isang salita na lumalabas sa kanyang bibig.

Humarap si Ai sa akin. “Nais ko lang humingi ng tawad sa nangyari. Alam kong hindi ko nasabi sa’yo kanina pero sana patawarin mo ako. Hindi ko alam na pupunta si Safe doon. Kung alam ko, naiwasan ko sana ang mga pangyayari.”

“Walang nakakaalam na mangyayari iyon, Ai. Marahil kasalanan ko dahil hindi ko siya pinigilan noong pinuntahan ka niya. Nag-volunteer siya na tawagin ka. Wala ring nakakaalam na si Nicanor pala ang gumawa ng karumal-dumal na gawain na ‘yon sa ina ni Macky,” sagot ko. “Unti-unti talaga tayong sinisira ng outbreak na ‘to. Pinahihina ang katawan, pag-iisip, emosyon at kaluluwa natin. Bini-break tayo hanggang sa wala nang matira sa atin.”

“Siguro dahil iyon sa kawalan ng tiwala ng tao sa kanyang sarili,” pagsasalungat ni Ai. “Kapag nawalan ka ng tiwala sa kakayahan mo bilang tao at isang parte ng lupon, doon na magsisimula ang pagkawasak mo bilang kabuuan. Nagiging mitsa iyon ng pagkasawi.”

“Gustong gusto ko nang sumuko, Ai.” Tinignan ko ang aking katawan. Hindi ko mapigilang mapaluha muli. “Lintik na katawan ‘to. Bakit pa ba ako naging imortal? Dapat noong nasa ospital na ito ay namatay na lang ako!”

“Huwag mong sabihin ‘yan!” Nagulat ako sa sigaw niya. “Hindi mo ba naiisip si Pia? Hindi mo ba naiisip ang iba na handang ibuwis ang buhay nila para iligtas ka at ang iba? Hindi mo ba naiisip si Red na marahil nag-aagaw buhay sa kung nasaan man siya ngayon? Ganyan ba ang iaasal mo sa mga tao na nagmamalasakit at nagsakripisyo para sa’yo?” Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa parehong balikat. “Si Shikko, handang umalis ngayong gabi para hanapin si Hope pero pinipigilan lang namin siya dahil delikado. Alam niya ang risk pero handa pa rin siyang lumabas ng Salvador para mailigtas lamang ang nawawala niyang best friend. Ikaw, ano’ng ginagawa mo? Umiiyak lang dito na parang isang duwag! Ganyan ba ang asal ng isang kaibigan at ng isang kasintahan, Ayen?”

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now