Part Seven

1.9K 73 2
                                    

Yerisan Sky

I woke up the next day na mugto ang mga mata. Hirap kong iminulat ang mga mata ko at bumangon mula sa pagkakahiga. Napatulala ako habang naka-upo at iniisip ang nangyari kahapon. Bakit ko ba nasabi iyon? Ang tanga mo talaga Yeri! What if mamisinterpret niya 'yon? Ano nalang sasabihin ko?

Napasabunot ako sa sariling buhok at bumangon para magmumog at maghilamos. I went to the bathroom and washed my face, tinignan ko ang mga mata ko, both of them are swollen. Nice, how will I hide this? Kumuha na lamang ako ng towel at pinunasan ang mukha ko. I faced the mirror again and talked to myself.

"Just act normal, Yeri. Kalokohan mo 'yan, ayusin mo." Pagka-usap ko sa sarili ko at lumabas na ng kuwarto.

Sumalubong sa akin ang amoy ng niluluto ni Timo. Katulad ng dati ay amoy palang, nakakabusog na. Bumaba ako mula sa hagdan at damang dama ko ang kabog ng dibdib ko at maging ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa kaba.

Katulad ng ibang umaga ay nakasweater lang ako at undies.

"Goodmorning!" Masayang bati ko kay Timo nang marating ko ang kusina. Naabutan ko siyang nagsasangag ng kanin, nakatalikod sa gawi ko. Nakita kong nagulat siya sa pagbati ko at napahiyaw siya.

"Ouch!" Daing niya at binitawan ang spatula. Agad akong lumapit sa kaniya at pinatay ang kalan.

Kinuha ko ang daliri niya na hinihipan niya at agad na binuksan ang gripo para isalo ang kamay niyang may paso. Dama ko ang pagtitig niya sa akin pero itinuon ko lang ang pansin ko sa daliri niyang napaso.
"Teka lang kuha lang ako ng ointment..." Sabi ko sa kaniya nang hindi nakatingin at agad akong pumunta sa may banyo para kunin sa first aid kit ang ointment.

Pagbalik ko ay nakita kong tulala parin si Timo kaya agad akong lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang daliri niya at tinignan ang paso.

"Mahapdi ba?" Tanong ko sa kaniya at nilingon siya. Kamalabog ng mabilis ang puso ko nang mapansin kong malapit lang pala ang mukha namin. Ngumuso naman siya at parang bata na tumango.

Umiwas ako ng tingin at kumuha ng ointment.

"I-Ikaw kasi e. M-Mag-ingat ka sa s-susunod para h-hindi ka napapaso..." Malumanay ngunit nauutal kong bigkas. Ewan ko ba, naiilang ako sa presensya niya.

Hindi naman siya nagsalita kaya nagpatuloy na lamang ako sa paglalagay ng ointment sa kaniyang paso.

Nang matapos kong lagyan ng ointment yung paso ay lumayo na ako at binalik ko ang ointment na ginamit ko sa pinagkunan ko.

Bumalik ako sa kusina at nakuta ko siya na nag-aayos ng lamesa. Hindi niya ako napansin dahil tahimik lang rin naman akong lumapit sa kaniya. Nang nasa tapat ko na ang lamesa ay saka lang siya napatingin sa akin.

"Godmorning! S-Sorry sa kanina, hind ako nag-ingat." Ngumiti naman ako sa kaniya at hinila ang isang upuan.

"No it's fine. Accidente lang naman..." Hindi nakatingin natugon ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya at umupo na rin sa tapat ko. Nagsimula na kaming kumain at maski isa sa amin ay walang nagsasalita, tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig.

"Uhm, Sky?"

"Hmm?" Walang lingon kong tugon.

"'Yung kagabi nga pala---" agad ako nabilaukan dahil sa narinig ko. Mabilis na tumayo si Timo para ikuha ako ng tubig at iniabot iyon sa akin. Ininom ko naman 'yung binigay niya at huminga ng malalim.

"H-Ha? A-anong nangyari ba k-kagabi?" Mautal-utal na tanong ko sa kaniya. Shocks! Gusto ko magpalamon sa lupa ngayon.

"Hindi mo matandaan?" Takang tanong niya habang masinsinan akong tinitignan. Lumikot naman ang tingin ko at umiling.

"Ay, okay, nevermind na nga lang. Are you going to work?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako pero hindi ko parin nililingon at kunwari ay busy sa pagkain.

"Hatid na kita." Napalingon naman ako sa kaniya at lumaki ang mata.

"A-Ah, ano, h-huwag na! Kaya k-ko na hehehe..." naiilang kong wika na ikinataas ng kilay niya.

"Bakit ka ba nauutal?" Tanong niya sa akin nang nakataas ang kilay, "Don't worry, kung tungkol sa kagabi, huwag kang mailang. Hindi ko naman binibig deal. Baka concern ka lang rin sa parents natin kaya mo nasabi iyon." Sabi niya sa akin at ngumiti. Kumabog naman ng mabilis ang dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niya. Mula sa puwesto niua ay kitang kita ko ang mapulang labi niya at mapuputing ngipin.

"Huy, tulala ka, girl." Natatawang wika niya sa akin at nagpatuloy na kumain. "Ihahatid kita." Sabi niya sa akin at sumubo na ng pagkain. Nawala naman ang pagkatulala ko dahil doon.

Aalma pa sana ako kaso lang ay bago pa ako makasalita, tumayo na siya at pumasok na sa kuwarto niya. Nakakainis naman!

Wala na akong nagawa at pumanhik na lang rin ako sa kuwarto ko para mag-ayos ng aking sarili.

Matapod maligo ay nagsimula na aking maghanap ng susuotin. Naka-ilang palit na rin ako ng suot kasi napapangitan ako sa mga tinatry ko, kahit na sinusuot ko naman iyon lagi.

"Ano ba Yeri?! Ihahatid ka lang naman hirap ka pa maghanap ng damit!" Nafufrustrate kong sabi sa aking sarili.

Nagulat naman ako nang may biglang kumatok mula sa labas. Dahil nakabra't panty lang ako, napacover ako ng katawan ko gamit ang damit na hawak ko ngayon.

"Sky are you done?" Tanong ni Timo mula sa labas.

"A-Ah oo! Palabas na, saglit lang!" Natatarantang wika ko at dumampot na lang ng kung anong damit.

Nang nasuot ko na ang damit ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sa suot ko ay kita ang cleavage ko at medyo hapit sa katawan. Maikli rin ito at sleeveless.

Kumuha ako ng heels na pwedeng ipartner at lumabas na along with my clutch. Nang buksan ko ang pintp ay sumalubong sa akin si Timo na nasa harapan ko.

"Ang taga--" Naputol ang sasabihin niya at napatingin sa may boobs ko. Namumulang umiwas naman ako ng tingin.

"Tara na?" Pigil utal kong wika.

"A-Ah, oo. T-Tara na..."

Undefined AmourNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ