Part Twenty- Three

2K 73 18
                                    

Yerisan Sky

Bago pa 'man magdilim ay narating na namin ang resort, finally! Nagtataka pa rin ako sa inakto ni Timo kanina pero hindi ko na lang iyon pinansin, baka mamimiss lang din niya ako, joke! Asa pa.

Kapansin-pansin din na ang tahimik niya pagdating namin dito, siya ang nangunguna sa paglalakad at siya na rin ang nakipag-usap sa receptionist.

"Honeymoon suite?" Takang tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako nilingon. Patuloy parin siya sa paglalakad hanggang sa marating namin ang loob ng elevator.

"Yep, serve this vacation as our honeymoon." Honeymoon?? Hindi ba dapat after kasal 'yon?

"Huh? E hindi ba dapat after mg kasal ang honeymoon? Tsaka alala ko pa noong honeymoon natin right after we wed, we slept in a different suite gaga ka." I chuckled as I remember those times. Bakit nga ba hindi ko nahalata noon pa 'man na baliko si Timo? From his soft voice, pumilantik na mga daliri... Well, hindi naman kasi ako judger, ang nasa isip ko lang naman noon na baka he's one of those soft boys who prefer girly things pero considered as straight pa rin.

"That was before, tsaka never in my life na pumasok sa isip kong I would try having sex with a girl. And now I realized na sexcapades with you are the b-" Bago pa 'man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay agad ko 'nang tinakpan ang bibig niya. Sakto rin naman na nagbukas ang elevator at may pumasok na dalawang matanda. Mukhang mag-asawa ito. They did not say a thing pero agad naman silang pumasok sa loob.

Natahimik kaming dalawa hanggang sa naramdaman 'ko na lang na may pumulupot sa bewang ko.

"Mag-asawa ba kayo?" Tanong sa amin ng Lola na nasa gilid namin. Tumango naman si Timo kay Lola at ngumiti.

"Opo 'La, honeymoon ho namin." Kinurot ko naman sa tagiliran si Timo at natatawa itong lumayo ng kaunti.

"Ang sweet niyo naman," wika ni Lola sa amin. Ngumiti na lamang kami bilang tugon.

"Alam niyo, ganiyan din kami noon ng asawa ko, tignan niyo't hanggang ngayon ay kasama ko parin ang kumag na ito." Natatawang wika ni Lola.

"Grabe ka naman Langga, mahal mo naman ako hindi ba?"

"Aba'y syempre!" Sakto naman na nag bukas muli ang pintuan ng elevator tandang nakarating na kami sa floor namin.

"Mauna na ho kami hehe, dito na po kasi kami." Magalang na sabi ko sa mag-asawa.

"O siya sige, happy honeymoon sa inyo! Humayo at magpakarami." Kasabay 'non ay ang pagsara ng pintuan. Napabaling naman ako kay Timo.

"Loka-loka ka talaga!" Sabi ko sa kaniya sabay kurot nanaman.

"Ay enebe! Kanina ka pa huhu my waist hurts na kakapinch mo. Lagot ka mamaya sa akin, hmp!" Umakbay naman siya sa akin at naglakad na kami papunta sa room namin.

"Bakit nga pala natahimik ka kanina? What were you thinking?" Tanong ko sa kaniya, ang chismosa pero nagwoworry ako.

"Wala!" Sabi niya sabay ngiti sa akin at kiniss ang pisngi ko.

"Hay ewan ko sa'yo. Mga pakulo mo." Sabi ko sa kaniya at tinapatan namin ang isang kuwarto. I opened the door at bumungad naman agad sa amin ang isang overviewing room with king-sized water bed with petals around it. May pa-candle pa sa lapag tapos scattered petals din! Ano 'to?

"A-Ano 'to?" Medyo naiiyak ko na tanong kay Timo. Then I felt his arms wrapping around my waist.

"Happy honeymoon." He then whispered to my ear that sent thousand chills over me.

"S-Seryoso ka talaga?!" Mabilisan akong humarap sa kaniya at nakita ko siyang nakangiting nakatingin sa akin. He bit his lips and nodded. Mahinang hinampas ko siya sa may dibdib at iyak-tawang tinignan siya.

"Para kang tanga! Sinusurprise mo pa ako ng ganito!" Natatawa na naiiyak 'kong sabi sa kaniya kaya tinawanan niya naman ako.

"Ano ba 'yan girl! Ang iyakin mo! Stop crying, hindi ka ba natutuwa sa surprise ko?" He held my cheeks wiping off every teardrops falling on my cheeks.

"Tange! Iiyak ba ako 'kung hindi ako natuwa? Grabe, hindi ko inexpect 'to, as in." He pulled me a hug and kissed the top of my head.

"Since this will be our last two weeks as wife and wife, chour! I mean as husband and wife, I wanna cherish every moment that I'll spend with you." Emosyonal niyang wika.

"P-Pero paano si Kyro?" Kasi syempre diba...

"We broke up." Nagulat ako nang sabihin niya iyon. H-Hindi ba pinag-uusapan lang namin siya kanina?

"Matagal na kaming break. Mga a week ago pa." Nakita niya ata ang pagtataka sa mukha ko kaya't napa-explain siya.

"H-Ha? Bakit? I mean Bakit kayo nagbreak?" Takang tanong ko sa kaniya pero ngumiti lang ito sa akin at mas humigpit ang kaniyang yakap.

"Basta. It was my fault. Ako na rin ang nakipagbreak. Mahirap iexplain, pero I do know na I was the wrong one." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Don't tell me you cheated!" Magagalit na sana ako nang narinig ko ang halakhak niya.

"Gaga! Hindi ba't sa'yo lang applicable ang saling iyon? I mean tayo ang legal, at 'yung amin? Sikreto." Nalungkot naman ako sa sinabi niyang iyon, 'yung pagiging mag-asawa ba namin ang naging problema nila?

"Dahil ba sa akin kaya kayo naghiwalay? Dahil ba sa kasal natin? Dapat makipagbalikan ka! In two weeks din naman, we'll get annulled na rin..." Sabi ko sa kaniya.

"Sky that's not it, hindi ayon ang dahilan. Basta, ienjoy na lang natin 'tong bakasyon natin."

Okay? Okay.

Undefined AmourWhere stories live. Discover now