Part- Twenty Seven

1.1K 77 13
                                    

Yerisan Sky

"Timo..." I was trying to find words suitable for our situation right now. Gusto ko siyang makausap. Ayaw ko ng ganito. It's my fault, I should be the one to do the first move. Nasasaktan ako, pero sa tingin ko, mas nasasaktan siya. Hindi niya ako tinapunan ng kahit anong tingin. I looked outside, malapit na kami sa kanila.

"We're here." Walang emosyong niyang sabi kasabay ng pagpatay niya sa makina. I looked away, nauna na rin siyang bumaba ng kotse.

Nasa tapat kami ng bahay ng parents niya. I could feel my heart palpitating. Masyadong naging impulsive ang reaction ko. My mind was so clouded with what ifs that night, I forgot to think straight. Nagsisisi ako, sobra.

Naramdaman kong tumulo nanaman ang mga luha ko, napasinghot ako sabay pahid ng mga luha. Nagulat ako nang may kumatok sa bintana.

"Bumaba ka na," he coldly said to me.

I bit my lower lips as I follow his order. Nauuna na siyang naglalakad sa akin. Nakayuko akong sumusunod sa kaniya. Nagdoorbell siya sa may pinto at ilang sandali lang ay bumungad na sa amin ang nanay ni Timo.

"Alexus! Yeri! Napabisita kayo? Oh my gosh! Namiss ko kayong dalawa! It's been a long time..." Madamdaming sabi ni Mama saby tingin sa akin. Pilit naman akong ngumiti at binigyan siya ng halik sa pisngi.

"Sorry, Ma. Naging busy lang, nandiyan ba si Papa?" Tanong ni Timo kay Mama. Tumango naman si Mama at inakay kami papasok.

Nang makapasok kami agad na sumalubong ang aroma ng niluluto sa kusina.

"I'm actually cooking something, dito na kayo kumain. Your Dad will go here later din naman, he's just upstairs in his office doing something. Teka, dito na muna kayo, aayusin ko lang ang hapag." Tumango na lamang si Timo at naiwan kaming dalawa sa sofa.

The atmosphere is very awkward. Walang nagsasalita sa amin, nakatingin lang si Timo sa T.V samantalang ako, naghahanap ng mga salitang pupuwede kong mabigkas para mawala ang awkwardness.

"Timo..." Kagat labi ko siyang tinawag. He didn't mind me, nakatingin pa rin siya sa T.V.

"A-Alam ko na g-galit ka sa akin... I'm s-sorry if I had to force you in this situation right now." I breathed heavily, "believe me, I really do love you. What I did was very impulsive, n-nagsisisi ako... nawala lang ako sa huwisyo last night, pleast talk ti me? I don't want us to be like this..." Ramdam ko ang pag-init ng mata ko. Tears will soon be visible if I blink. He didn't flinch. Wala siyang sinagot.

"Good afternoon! What happened? Napabisita kayo?" Agad akong tumalikod sa pwesto ni Papa nang bigla siya sumulpot sa likuran. I immediately wiped my tears away.

"Hi 'Pa! We just got home from a vacation. Namiss ko lang kayo." Sabi ni Timo at lumapit kay Papa sabay bigay ng yakap. Natatawa namang sinuklian ni Papa ang yakap ni Timo at bumaling siya sa akin. Binigyan ko bg isang matamis na ngiti si Papa at niyakap na rin siya.

"Were you crying?" Ani ni Papa nang mapansin niyang mapula ang ilong ko. Agad akong umiling at ngumiti.

"Sinipon lang po 'Pa, nagbeach kasi kami." Pagpapalusot ko pa. He gave me a look at binili naman niya ang palusot ko.

"Lunch is served! Halika na rito, kakain na tayo!" Magiliw na sabi ni Mama at inakay naman namin si Papa papunta sa hapag.

Kabado akong kumakain, natatakot ako. Baka mamaya bigla na lang magsalita si Timo. I don't know what to feel. Alam kong kasalanan ko, pero nagsisisi ako!

"So bakit kayo napabisita? May nangyari ba? Ayos lang ba kayo?" Sa kalagitnaan ng pagkain ay biglang nagsalita si Papa. Katabi ko ngayon si Timo nasa left side kami ni papa samantalang nasa right naman si Mama.

Undefined AmourWhere stories live. Discover now