Part Fourteen

2K 82 19
                                    

Yerisan Sky

After kumain ay nakareceive ng call si Gerald mula sa office kaya naman kinailangan na niyang umalis.

"I am really sorry, babe. I'll make it up to you next time okay?" Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

"It's fine, naiintindihan ko naman." Sabi ko sa kaniya at ngumiti na rin siya pabalik sa akin. He gave me a smack kiss na hindi ko naman kinagulat kasi he always does that. Nakatayo naman sina Timo at Kyro sa may likuran nila kaya nasaksihan nila ang saglit na halik na iyon.

I don't know pero napalingon ako kay Timo after the kiss, sumeryoso ang mukha niya at binigyan ako ng malamig na titig that gave me chills in my spine. What's wrong with him?

"Sige na babe, see you next time nalang." Sabi niya sa akin ng mahatid ko siya sa pintuan.

"Okay, ingat ka." Sabi ko sa kaniya at lumabas na siya tuluyan ng bahay. Nang masarado ko ang pintuan ay lumingon ako kay Kyro at Timo, parehas silang nakatingin sa akin. Umirap naman ako sa dalawa, particularly kay Timo at tinahak ang daan papunta sa sofa.

"'Di ba may pupuntahan ka pa ngayon, hon?" Rinig kong sabi ni Timo sa jowa niya. Ayan, good 'yan. Paalisin mo na rin siya... sa buhay mo, charot!

"Ay oo nga pala, hon." Pagkatapos ay narinig ko ang mga yapak ni Kyro papalapit dito sa sofa 'kung saan nakalagay ang mga gamit niya.

"Sige, I have to go na rin. Thank you for the miryenda Yeri." Nakangiting sabi niya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya para sana ngitian kaso bigla siyang humalik kay Timo.

"Bye, see you nalang tomorrow, hon. I love you." Ngumiti naman si Timo at hindi sinagot si Kyro. Nang makalabas si Kyro ay agad akong pumunta sa kuwarto ko para kumuha ng make-up remover.

Pagkalagay ko ng make-up remover sa wipes ay lumingon ako patalikod para sana bumalik sa sala kaso nagulat ako nang nasa may pintuan na pala si Timo. Dahan- dahan akong naglakad papalapit kay Timo at marahang hinaplos ang mukha niya. Ang lambot talaga niya! From the features to everything.

"What are you---" napatigil siya sa pagsasalita nang marahas kong pinahiran ang labi niya ng wipes na may make-up remover.

"Ouch---hmp--- ano ba Sky! Pwe!" Sabi niya at dumura-dura pa pero walang natalsik na laway.

"Nililinis ko lang, may dumi kasi." Sabi ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Tumaas rin ang kilay niya sa sinabi ko.

"May dumi rin naman iyo pero hindi ko naman pinahiran ng make-up remover!" Naiiritang sabi niya sa akin na ikinatuwa ko. Ang cute niya kasi magalit. Parang batang naagawan ng candy sa kanto.

"Edi linisin mo rin! O eto wipes!" Sabi ko sa kaniya at inabot ang wipes sa kaniya. Buti instead of handing the wipes ay hinapit niya ang bewang ko at pinaglapat niya ang labi naming dalawa.

Nagulat ako sa umipisa pero nang tumagal ay unti-unti na akong pumikit para tugunin ang mga halik na ibinibigay niya. Ang kaninang dampi ay naging kagatan. Medyo mapait lang ang labi niya dahil sa wipes pero nevermind na. Mga isang minutong ganito ang ginagawa namin nang tumigil siya at kaunting lumayo.

"That's how you clean it." Namula ako ng sinabi niya iyon at lumayo na siya sa akin.

"Anyway, patambay sa kuwarto mo." Sabi niya sa akin at nilagpasan ako. Napatulala naman ako sa ginawa niya, ang manly! Hmp.

Lumingon ako kay Timo na prenteng naka-upo't nakasandal sa headboard ng kama niya. 'Nang matauhan ay napapameywang siyang hinarap si Timo na nasa kama niya.

"Oy! Wala ka bang kuwarto ha? At nanggugulo ka rito?" Namamalditang tanong ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin at ngumuso. Nagawa pa niyang magpacute kahit na cute naman talaga siya.

"Anong mukha 'yan Timo?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman nguso siya lalo.

"Don't you want me here?" Pabebeng tanong niya sa akin na ikinainis ko kasi alam kong mawawala na ang galit ko anytime.

"Ayoko! Kasi pangit ka!" Kahit cute naman talaga siya. Mukha siyang babae na mayumi. Umirap naman siya sa akin at humiga sa kama.

"Kailan pa ako pumangit? E wala namang pangit sa bahay na 'to." Sabi niya at humiga paharap sa akin habang nakasalo ang kamay sa kaniyang pisngi.

"Come here." He gently tapped the space beside him. Ayaw ko 'man sundin siya pero wala akong magagawa kasi siya ang sinusunod ng puso ko.

"Bakit nanaman ba?" Sabi ko sa kaniya nang nakasimangot at parang batang tumabi sa kaniya. Humiga ako paharap sa kaniya then he gently wrapped his arm around my waist, habang ang isang kamay ay nilalaro-laro na ang buhok ko.

"Hmm, ano ba? Inaantok ako kapag ginaganiyan ang buhok ko." Sabi ko sa kaniya at at marahang pumikit. Naramdaman ko namang napachuckle siya kaya I moved closer to him at pagkatapos ay niyakap din siya sa bewang.

Silence filled the whole room kaya hindi ko maiwasang antukin. Papunta na sana ako sa panaginip ko nang biglang magsalita si Timo.

"Hanggang kailan tayo ganito?" Then he started playing with my hair again.

"Hanggang kailan tayo magiging mag-asawa?" I did not bother answering his questions. Masyadong masakit, I felt a spang of pain throughtou my chest. Hindi naiwasan ng mga mata ko ang bumuo ng mga luha.

Nanatiling nakapikit, ninanamnam ang oras na kami'y magkasama, kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mga mata at  ang mahihinang hikbi na hindi ko nais maiparinig sa kaniya.

Kaunting oras nalang ang pagsasamahan namin, marami ang nahadlang, pero sino ba naman ako 'di ba? Isang asawang kaibigan pero hindi asawang ka-ibigan.






















***
A/N: SO AYON COMMENT KAYO ANYTHING YOU WANT TO SAY KASE BINABASA Q TALAGA SIYA MGA MARE! Tapos ano what do you think about this chapter? Tsaka baka madalang na updates ko sa mga stories ko huhu dipende sa sched but if i have spare time, i'll update naman. Lovelots!💓

Undefined AmourWhere stories live. Discover now