Part Twenty-One

2.2K 70 20
                                    

Yerisan Sky

Just like what I said to Gerald, pupunta ako ng beach, I mean kami. As much as possible, gusto 'kong icherish ang huling isang linggo 'kong kasama si Timo. I know, it sounds so OA, na maghihiwalay lang naman kami bilang mag-asawa pero hindi magkaibigan. I don't know, we don't know. There's this longing feeling na gusto namin mapunan. I want to feel loved and taken care by him.

"Sa tingin mo sis, are there fafables in there?" He asked me habang nasa biyahe kami. He's holding my hands right now habang ang kabila ay pinangmamaneho. Natawa naman ako sa sinabi niya at sinuway siya.

"Huy, magtigil ka nga. Isumbong kita kay Kyro." Pananakot ko sa kaniya pero tumawa lang ito.

"Duh, as if." Sabi niya na ikinatahimik ko. Sa tagal naming magkaibigan/ mag-asawa, wala talaga akong kaalam-alam sa relasyon nilang dalawa. I mean, hindi ko alam how their relationship works, knowing that they needed to hide from everyone.

"Timo..." Mahinang sambit ko ngunit sapat na para kaniyang marinig. He raised his brows na parang tinatanong ako 'kung bakit.

"Gaano na nga ulit kayo katagal ni Kyro?" Tanong ko sa kaniya. I saw his face softened and he cleared his throat.

"Almost one-year na 'rin. Bakit?" I looked away at nilingon ang bintana, tanaw na pala ang dagat mula sa dinadaanan namin.

"Wala naman, natanong ko lang." Sabi ko sa kaniya, he chuckled a bit at iniangat ang kamay 'kong nakasaklop sa kaniya.

He kissed the back of my hand and held it tight.

"Nagseselos ka ba?" Tanong niya sa akin na ikinahog ng puso ko. T-Teka bakit may ganon na tanong? A-Am I too obvious? Hala ang tanga ko naman!

"H-Huh? Hindi ah! San naman g-galing 'yan?" I was trying to do my best not to stutter pero dakilang traydor ang dila ko.

"Easy! HAHAHA inaasar lang kita, girl. You don't have to sound so defensing." Sabay kindat sa akin na ikinapula ko. Inirapan ko siya ng bongga akmang iaalis ang kamay ko sa kamay niya pero hinigpitan lang niya ito lalo.

"Joke nga lang, eto naman. Don't remove your hands nga. I like gripping it." Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pigil ngiting lumingon sa bintana. Wait! Ang ganda ng view!

"Teka Timo! Stop tayo riyan sa gilid! Ang ganda ng view o! Pwedeng pang instagram!" Sinunod naman ni Timo ang sinabi ko at excited akong bumaba mula sa kotse.

"Wow..." From our place, tanaw na tanaw namin ang pag kislap ng dagat kasabay ng paglubog ng araw.

"T-Teka! Hala omg, baka mahulog ka!" Tila kabadong wika ni Timo na ikinatawa ko.

"Ano ka ba? Ang layo ko kaya sa bangin." Saglit ko siyang nilingon at tinawanan sabay tanaw muli sa dagat.

"Timo ang ganda..." Manghang-mangha 'kong wika sa kaniya at naramdaman ko namang tumabi siya sa akin at dinantay ang braso palibot sa akin.

"Ang ganda nga." Sabi niya at sa hindi malamang dahilan ay napalingon ako sa kaniya, he's looking at me with full of admiration. Napatulala naman ako dahil sa ganda ng view ng nasa harapan ko ngayon. Tumatama ang sinag ng araw na papalubog na sa kaniyang maamong mukha. Dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa akin nang umiwas ako.

"Ang ganda magpicture rito. We should take a pic." Sabi ko sa kaniya at umirap naman ito sabay ngiti.

"Ocakes." Sabi niya sa akin at agad 'kong dinukot ang phone ko sabay set ng camera.

"Okay, 1, 2, 3, smile!" Sabi ko sa kaniya at dinikit naman niya ang pisngi niya sa pisngi ko sabay ngiti.

Hindi ko namang maiwasang hindi kiligin sa ginawa niya dahil sobrang lapit talaga namin sa isa't isa.

"Wait, I'll hold it na lang. Ang liit mo, girl!" Pang-aasar nito sa akin pero inirapan ko na lang siya at pasimpleng ngumiti.

"Che!"

"Okay, 1, 2, 3!"

Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya, kitang kita sa picture ang panlalaki ng mata ko kasabay ng paghalik niya sa pisngi ko. Ang bilis naman niya!

"Ginugulat mo naman ako!" Sabi ko sa kaniya pero tumawa lang siya.

"Ang cute mo rito! Omg! HAHAHA" Sabi niya sabay zoom-in pa sa mukha ko. Mahinang hinampas ko siya at muling tumingin sa paligid. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong mga bato-bato.

"Teka, doon tayo!" Sabi ko sa kaniya sabay hila papalapit sa mga bato na malalaki.

"Nako girl, hindi na tayo nakarating sa beach!" Natawa naman ako sa sinabi niya at nagpahila naman siya.

"Okay lang 'yan! We still have tomorrow pa naman." Sabi ko sa kaniya at tumingin sa akin with a grumpy face na parang sinasabing he's already tired and he wanna have some beauty sleep na.

"One shot na lang, okay? Sige patong mo na lang 'yung phone 'don sa bato. Tapos set mo 'yung timer. pupuwesto na ako. 10 seconds ha?" Sabi ko sa kaniya at mabilisang umakyat ako sa may medyo mataas na bato.

"Teka hala saan ako pupwesto?!" Nagpapanic niyang sabi after niyang maclick ang timer.

"Halika dali lapit ka na sa akin! Mag tatime na!" Sabi ko sa kaniya at nang makalapit siya ay mabilisang inilapat ko ang labi ko sa labi niya. I felt him stiffed sandali sa ginawa ko. Hindi ko maiwasang mapachuckle while kissing him. Ilang sandali pa ay narinig ko ang shots ng phone. Akmang lalayo na ako sa kaniya nang hapitin niya ang bewang ko papalapit sa kaniya at mas diniin pa ang mga halik na binigay ko sa kaniya.

"Hmm, wait. Mamaya na... 'yung phone ko..." Sabi ko sa kaniya at humiwalay naman siya sa akin nang kunit ang noo. Natawa tuloy ako sa itsura niya. Mukha siyang nabitin na naiinis na inaantok na ewan. Agad akong lumapit sa phone ko at dinampot ito. Tinignan ko 'yung shot.

"Hala, ang ganda!" Natutuwang wika ko habang nakatingin sa phone at lumapit kay Timo.

"Look oh! Ang cute natin! Hihi," masayang wika ko sa kaniya at napangiti naman ito.

"IKR!" Sabi niya sa akin with matching hand gestures pa.

"O siya, tara na. Baka gabihin na tayo ng bongga rito sa daan." Sabi niya sa akin at inakay na ako pabalik sa kotse.

'Nang makabalik sa kotse ay agad naming isinuot ang seatbelts at katulad kanina ay kinuha niya ang kamay ko gamit ang libre niyang kamay. He kissed it again and then inistart na ang kotse.

"Teka!" Sabi ko sa kaniya, he looked at me with confusion.

"Raise my hand one more time, kahit huwag mo na i-kiss. Pero kunwari stolen. Sabi ko sa kaniya at muling dinukot ang phone ko.

After taking some shots ay gumawa ako ng bagong account sa ig na ang tanging following at follower ko ay si Timo. A private account for our pictures together. I posted every pic we had today. Nakakatawang isipin na parang ako ang side-chick sa kwento naming dalawa, pero ako ang asawa.





































~~~
A/N: BELATED MERRY CHRISTMAS AND ADVANCE HAPPY NEW YEAR! Sorry sa super late update, namemental block aq huhu nawawalan na ako ng inspiration to write. 'Yung crush ko kasi, matatapos na ang taon pero hindi parin ako kinacrush back! Charot! I LOVE YOU ALL!!

Undefined AmourWhere stories live. Discover now