Part Fourteen

2.1K 82 21
                                    

Yerisan Sky

I woke up dahil sa tunog ng phone ko at medyo nangangalay na ako sa nakadantay sa bewang ko. Dahan-dahan ay minulat ko ang mga mata ko at napansin 'kong gabi na pala.

Bumungad sa akin ang asawa ko, syet, sarap sa ears. He is sleeping peacefully nang nakaharap sa akin. Hindi ko maiwasang ngumiti, ang pogi at ang ganda rin niya at the same time. Sana talaga, totoo nalang ang lahat.

Kring... Kring... Kring...

Iritado 'kong tinignan ang telepono ko at inabot ito nang hindi tinatanggal ang yakap ni Timo.

"Hello?" Medyo iritado ngunit mahina 'kong tanong. Ang ingay! Ano ba 'yan, sino ba ito?

Carla Lukaret 🙄

"Hello?! Bakla ka ng taon asan ka na?!" Napakunot ako nang noo ng marinig ko ang tanong niya.

"Ha? Bangag ka ba? Nasa bahay malamang." Mahina 'kong wika, iniiwasang magising si Timo na mahimbing ang tulog.

"Tanga ka! Nakalimutan mo bang ngayon ang highschool reunion natin?! Pumunta ka na rito at bilisan mo!" Ang ingay! Hindi ba marunong 'tong babaeng 'to na hinaan ang boses niya.

"Hindi nga pwede, tulog na si Timo. Tsaka tinatamad ako." Naramdaman 'kong gumalaw si Timo at lumagabog ang puso ko nang bigla niyang hinigpitan ang yakap sa akin at siniksik ang ulo sa leeg ko.

"Tanga 'te! Huwag ka nang tamarin dahil nandito na ako! Pag tinamad ako, tsaka lang pwedeng tamarin! Kaya pumunta ka na! Hinahanap ka na rin nila!" Ano bang klaseng bunganga meron ito. Jusko sakit sa tenga.

"Pa'no si Timo?"

"Gaga! Pinapadede mo ba 'yan ha?! At alalang-alala ka?! Iwanan mo na 'yan diyan at tulog naman! O 'di kaya bitbitin mo, parang baby e." Sabi niya na ikinatawa ko. Parang tanga talaga itong si Carla.

"Tanga! Baby pa nga! Baby ko..."

"Hmm?" Rinig 'kong halinghing ni Timo, mukha narinig niya ang sinabi ko kaya hindi ko maiwasang mamula. Puta, gising ba 'to?

"Talandi 'ka! Magbihis ka na tanga! Tapos text mo ako kapag papunta ka na. See 'yah!"

"Hoy tek- tanga talaga." Sabi ko 'nang bigla niyang ibaba ang tawag.

"Sino ba 'yan?" Rinig kong sabi ni Timo na nakasubsob sa leeg ko. Putek! Bedroom voice ang asawa kue hehehe!

"A-Ano si Carla, p-pinapapunta ako sa reunion ng batch namin." Hindi ko maiwasang nautal dahil damang-dama ko ang hininga niya sa leeg ko. Kinikilig ako!

"Huwag ka na pumunta, baby..." DEPUTA LETCHE!

"S-Sira! Pupunta na nga ako 'ron." Sabi ko sa kaniya at namumulang tinatanggal ang yakap niya.

"Kinikilig naman ang baby ko." Sabi niya at mas sumiksik sa akin. Dama ko ang mainit niyang hininga at labi. Lintek talaga.

"Che! Pupunta talaga ako 'ron. Tanggalin mo na yakap mo." Sabi ko sa kaniya at tumayo na.

"Hmp! 'Di mapilit na mag-istay?" Sabi niya sa akin na medyo mapungay ang mata. Marahil ay dahil sa bagong gising ito.

"Sama ka nalang if you want." Sabi ko sa kaniya pero prente itong humiga.

"Nah, tinatamad ako. Ikaw nalang. Hahatid na lang kita." Sabi niya sa akin kaya tumango na lang ako at pumunta ng banyo.

"Okay,"

Undefined AmourWhere stories live. Discover now