Chapter 26: Press Conference

4.2K 210 12
                                    

GENEVIEVE

Lumipas pa ang ilang araw bago tuluyang pumayag si Binx at ang mga magulang ko na ituloy ang press conference. Kung hindi pa namin sinabi sa mga tao na pumapayag na kaming magbigay ng pahayag tungkol sa sakit ko ay hindi talaga sila aalis sa labas ng bahay namin. Stressing, isn't it? Hindi ko akalaing ganoon ang mga tao sa media.

"Are you nervous? We can go back, just say yes." 

Simula nang umalis kami sa bahay ay ganyan na palagi ang sinasabi ni Binx hanggang ngayon na bumabiyahe na kami papunta sa function hall na gaganapan ng press conference.

"Nervous, yes. But going back, no," kaswal na saad ko sa kanya habang may mapang-asar na ngiti sa labi.

That's right, Binx. Kausapin mo ako para naman mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Nakita ko ang bahagya niyang pag-iling ngunit may ngisi rin sa kanyang mga labi.

"You're such a hardheaded woman. Wala na ba talagang makakapagpabago ng desisyon mo? What about your parents?" he said as he take glances at me while still driving.

"Susunod daw sila. Sila ang gumastos ng venue kaya wala na talagang magbabago, Binx. Everything is settled. All we need to do is to answer their questions para matapos na." Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Tell yourself to get ready to answer their questions. Galingan mo. Mahirap magkamali sa harap ng maraming tao at media."

"Binx naman, eh!" maktol ko saka napanguso at iwawaglit ko na sana ang kamay ko sa kamay niya nang lalo niya itong higpitan.

"Silly. I'm just kidding. Just tell me if you're tired or if you feel something during your interview, okay?" He kissed the back of my hand.

We arrived at the function hall where the press conference is being held at and we used the back door because of too much people in the main door. Mahirap na, baka hindi pa ako nakakapagsalita ay mahimatay na agad ako dahil sa dami nila. Nakakalula kaya ang dami ng tao.

Sa pag-akyat ko ng mini stage ay agad nag-flash ang mga cameras na lalo lang nakadagdag sa kaba at pressure na nararamdaman ko. First time kong haharap sa publiko ng ganito kaya pinaghandaan ko talaga ito. I want this day to end without another problem or conflict. Sana lang ay matahimik na ang media at ibang mga tao pagkatapos nito at para malaman at maintindihan nila ang nararamdaman at sakit ko.

So that I can gain my privacy back and live like a normal person again with my family and Binx.

Help me, God. I trust and believe in you.

Habang nagsasalita ang emcee ay tahimik akong nagdasal habang nakahawak pa rin sa kamay ni Binx. Yes, katabi ko siya sa upuan at ganoon din sila mommy at daddy pagdating nila. Pumikit ako saka huminga ng malalim bago ko tuluyang tingnan ang kabuuang loob ng function hall. My Godness. Puwede bang mag-back out? Mukhang may nabara yata sa lalamunan ko nang makita ko ang dami ng mga tao na nasa loob. Hindi naman halatang controversial masyado ang sakit ko 'no? Nanginig ako nang hawakan ko ang mikropono at muntikan ko pa itong mabitawan pero naagapan iyon ni Binx so I mouthed thank you to him.

"Uhm, good afternoon everyone," I stuttered kaya hindi na muna ulit ako nagsalita. Iyon rin ang naging dahilan kaya tumahimik ang loob ng function hall.

Mag-ingay lang kayo, please? Just kidding.

"Ms. Genevieve Hutton, can you please tell us about your allergy?" Nagsimulang magtanong ang isang reporter na malapit lang sa may unahan.

Teka lang naman oh. I'm still suffering here because of my stage fright and being surrounded by the crowd.

"Aquagenic Urticaria..." Biglang nanikip ang dibdib ko at nanlamig ako. Parang hindi ko yata ito kakayanin.

Aquarius (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon