Chapter 3

4.7K 116 0
                                    

DALAWANG linggo na mula nang umuwi sila ni Stacy dito sa Pilipinas. Naging abala si Stacy sa pagpi-paint nito, habang siya naman ay sa paghahanap ng trabaho.

Mag-isa lang siya ngayon dahil nagpunta sa mall si Stacy. Nagpaiwan na lamang siya at inabala ang sarili sa pag-aayos ng maliit na garden sa harap ng bahay nila.

Inaayos niya ang mga orchids na binili niya noong isang araw nang may magsalita buhat sa kanyang likuran. “Masyadong busy, ah!”

Sa labis na gulat ay nabitawan niya ang hawak na halaman. “Damn!” palatak niya at agad ring pinulot ang halaman.

“Sorry, I didn’t mean to frighten you,” paghingi ni Charles ng paumanhin.
Nanggigigil na hinarap niya ito. “Ano bang kailangan mo!?”

“Hey, hindi mo ako kailangang sigawan. Galit ka ba?”

Tumaas ang kilay niya. “Ano’ng gusto mo, matuwa ako? Nakita mo naman siguro ang nangyari dahil sa bigla mong pagsulpot!”

“Kaya nga nag-a-apologize ako, 'di ba?”

Napabuga siya ng hangin. Hindi niya maipaliwanag ang inis na nararamdaman kapag nakikita ang lalaki. Siguro ay dahil napakahangin ng dating nito at nagkasunod-sunod pa ang mga pangyayari na nagbigay ng dahilan para lalo niya itong kainisan.

Noong pauwi sila ni Stacy galing sa bar nina Karen ay nagprisinta si Charles na ihatid sila, dahil sa pagka-kaskasero nito ay muntik na silang maaksidente. Noong isang linggo naman ay nakapunta ang alaga nitong aso sa bakuran nila at binungkal ang katatanim niyang mga halaman. At kahapon ay nabasag naman nito ang paborito niyang figurine. Nagpunta ito dito kahapon at nagprisinta na tulungan sila ni Stacy sa pagre-rearrange ng furnitures. Dahil sa carelessness ng lalaki ay natabig nito ang figurine niya.

“Ano na naman bang kailangan mo?” iritadong sabi niya.

“Ang sungit mo talaga, mabuti na lang hindi nagmana sa 'yo si Stacy,” nangingiting sabi nito.

“Ang mga katulad mo dapat lang talagang pag-sungitan. Sabihin mo na ang kailangan mo at nang makaalis ka na.”

“Iimbitahan ko sana kayo ni Stacy sa gig namin bukas pero dahil mukhang hindi mo pa ako napapatawad sa nangyari kahapon,kaya si Stacy na lang ang iimbitahin ko.”

Lalong kumulo ang dugo niya, parang lalo talaga siya nitong iniinis. “Wala dito si Stacy. Bumalik ka na lang mamaya.”

Tinalikuran na niya ito at itinuloy ang pag-aayos ng mga orchids.

“Hindi mo ba talaga ako mapapatawad?”

Hindi niya ito inintindi.

“Kung gusto mo papalitan ko na lang 'yong nabasag ko. 'Yong katulad na katulad no’n.”

Muli siyang napaharap dito. “Libutin mo man ang Pilipinas wala kang makikitang katulad no’n!”

“Talaga? Bakit saan mo ba 'yon binili?”

“Sa France!”

“Really?” tila nakakaloko pang sabi nito.

Nakuyom niya ang kamay sa inis. “Oo! Puwede ba umalis ka na, pinag-iinit mo ang ulo ko, eh!”

“Danielle, talagang iinit ang ulo mo dahil nakabilad ka dito sa labas, eh. "

Nangangalit ang panga na tinalikuran niya ito.

“Alam mo kung hindi ko lang alam na you’re just twenty-seven years old, iisipin kong nasa menopausal stage ka na,” pahabol pang biro ni Charles.

Hindi na niya ito pinansin. Kapag pinatulan pa niya ito ay baka talagang sumabog siya sa inis. Pumasok siya sa bahay at pabagsak na isinara ang pinto.

❤Loving You So (Completed; Published under PHR)Where stories live. Discover now